chapter 4

28 0 1
                                    

Chapter 4

"Sa tingin mo, may pag-asa ba ko kay Emilie?" Seryosong tanong sakin ni Christian, sabay tingin sa kawalan.

"Malay ko. Di naman ako si Madam Auring at hindi ko naman siya kaano-ano." Ang bigat ng pakiramdam ko. 

"Haay. E kung tulungan mo kaya ako?" Tumingin ulit siya sakin, pero may kakaiba sa mata niya. Parang puno ito ng kalungkutan na ewan. 

Malay ko ba, bigla ko na lang nasabing, "Sige, ilalakad ba kita sa kanya?" Oh sht. Bat ko sinabi yon? Nakakainis.

"Talaga?! Salamat Ella! Salamaaaat!" Tapos bigla niya ko niyakap. Isang mahigpit na yakap.

Di ako makagalaw, feeling ko nasa paraiso na ko. Ang saya sa pakiramdam. Parang napawi yung bigat ng pakiramdam ko kanina. Sana laging ganto. Sana...

Bigla siya kumalas sa pagkakayakap. Tulala pa rin ako. 

"So..so..sorry." Payuko niyang sabi.

"O..o..okay lang yun. Wag mo na yun alalahanin." Namumula kong sabi. 

Sino ba namang di magba-blush kapag may poging yumakap sayo? Haha.

Di pa rin siya nagsasalita. "So, kelan kita ilalakad sa kanya? Paano ba?" Pagsisimula ko. Bumibigat na naman pakiramdam ko. 

Iniangat niya ulo niya at sinabing, "Kahit kailan. Basta wag mo sabihing nag-meet tayo at nagpatulong ako sayo."

Pakiramdam ko pasan ko na ang mundo. Naghahalo-halo emosyon ko. Di ko maintindihan. Magulo. Masakit.

"Ay alam ko na!" Masigla niyang sabi. "Dapat araw-araw tayong nagkikita."

"Eh? Bakit naman?" 

"May ibibigay ako sayong papel, tapos ibigay mo kay Emilie." Nabuo ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi. Samantalang ako, napupuno ng mga taong hindi nagda-diet ang mundong pasan ko. Bigat.

"Ah. Ano bang laman nun?" Pilit kong sabi.

Pigilan mo Ella sarili mo. Sa dinami-rami ng lalaking nanloko sayo noon. Ngayon ka pa nakaramdam ng ganyan. At sa taong di mo pa lubos na kilala ka nahulog. Bat ko ba kinakausap sarili ko? Naloloka na ko.

"Uhm. Sweetest things on Earth?" Napangiti siya. Ginantihan ko na lang siya ng pilit na ngiti.

"Ah. Sige. Bukas ulit. Masyado ng marami ang nangyari ngayong araw. Uwi na ko. Bye." At walang pagda-dalawang isip, sumakay na ko sa kotse ko at pinaharurot. 

Meron pa siyang sinabi, di ko na inintindi. Bahala na.

TBC...

------------------------------------------------------------

''shoebox''Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon