Epilogue
Hi. Ako si Ella Mae Cruz. I'm now happily married and 6 months pregnant.
My one and only husband is Christian. I love very much. Kahit iniwan niya ko ng sobrang aga, okay lang yun.
Christian, kung nasaan ka man ngayon, sana masaya ka dyan. Tandaan mo, ikaw lang at ang anak natin ang mamahalin ko. Hindi kita ipagpapalit kahit kanino.
Sa bawat paggising ko, lagi kong nakikita ang picture nating pamilya. Ang saya. Namimiss ko na.
Antayin mo ko Christian. Magkikita ulit tayo. Sana makita mo anak mo. Kahit hindi ka namin nakikita.
"Yaya, aalis po muna ulit ako. Gusto niyo pong sumama?"
"Sige iha."
Sumakay na kami sa kotse ko at pumuntang palengke. Pinabili ko si Yaya ng bulaklak at kandila.
Andito na kami ngayon sa sementeryo. Ilang minuto rin ang nasayang sa paglalakad at nahanap ko na rin yung puntod.
'Christian J. Cruz'
'Born on the 6th of January 1990'
'Died on the 31th of May 2012'
"Hello honey. Say hi to our son. His name is also Christian. Sana kahit wala ka na. Naiisip mo pa rin kami. Ingat ka dyan ah. I love you."
Di ko maiwasan ang pagpatak ng aking luha. Nalulungkot at natutuwa ako. Dahil alam kong kung nasaan man siya ngayon, masaya na siya doon.
--- FLASHBACK ---
"Oh honey, lalaki anak natin! Ang saya ko talaga! Magiging tatay na 'ko!" Masigla niyang sabi.
"Yehey! Tuwa naman si Daddy oh. Baby, baby, anong ipapangalan namin sayo ng poging daddy mo?"
Tuwang tuwa kami buong pamilya noon, nang biglang,
"Honey! Sino ang bumabangga sa atin?"
Tumingin ako sa likod, isang puting kotse, di ko makita ng maayos ang nagda-drive dahil tinted ang window nila.
"Hindi ko alam! Di ko makita!"
Hanggang duon nalang ang alam ko, ang natatandaan ko na lang, nasa ospital ako.
Malaki pa rin naman ang tiyan ko. My baby survived. Kamusta kaya si honey?
Nakita ko yung isang doctor, tinawag ko siya.
"Doc! How's the condition of my husband?" Natatakot talaga ako.
"Uhm. I'm sorry ma'am. Your husband is dead. Uh, ma'am, are you having a relation with the lady riding in the white car?"
Ano? Tama ba pagkakarinig ko? Hinde! Hindi 'to pwede! Buhay pa si Christian! Buhay pa siyaaa! Yung babae! Yung babae ang may kasalanan! Siya ang may kasalanan kung bakit namatay si Christian! Langya siya!
"Who is the lady?!"
"Emilie Chrysostomo ma'am."
Emilie? Familiar. Siya ba yung dating gusto ni Christian?!
"How's her condition?"
"She's also dead"
Buti naman. Sigurado 'kong sa impyerno na ang bagsak ng babaeng yon! Tngina niya!
"Thanks."
Pagkatapos ng mga ilang araw sa ospital, pinayagan na 'kong lumabas.
Nalungkot ako ng sobra. Gusto ko ng sumunod kay Christian kung nasaan man siya ngayon, pero kailangan kong maging buhay para sa baby namin.
Kailangan 'kong maging malakas.
--- END OF FLASHBACK ---
Umiiyak na naman ako. Sinindihan ko ang kandila at nilapag ang mga bulaklak sa tapat ng puntod niya.
Dun na muna kami kumain at umalis din kami.
Pinuntahan ko rin naman ang puntod ni Emilie, pero di ko siya binigyan ng kung ano.
"Buti nga sayo."
Yun nalang nasabi ko.
THE REAL ENDING.
.......................................................................................................................................
txt sa pag babasa thank you so much po talaga :)
