Chapter 1

88 16 2
                                    

Saturday morning

Agatha POV

Kasalukuyan akong nagwawalis sa aming bakuran ng tinawag ako ni nanay .

"Nak , pwede bang mamalengke ka muna"

"Yun lang ba 'nay? Sigi po ba"

May katandahan na kasi si nanay kaya hindi na niya kayang mamalengke pa sa malayo. Agad-agad 'kong kinuha 'yung bisekleta sa loob ng bahay. Hindi kami mayaman oo literal na hindi pero it doesn't mean na hindi na kami pwedeng makisalamuha sa mayayamang tao.

Dalawa na lang kami ni nanay dito sa inuupahan naming bahay. Wala na si tatay at nag-iisa lang naman akong anak. Ang pinagkakaabalahan ni nanay ay ang magtahi. May kinikita naman kami kahit konti. At nagsusummerjob naman ako.

*pedal* pedal* pedal*

Hoo ! Kapagod buti na lang hindi matrapik. Hays salamat at malapit na ako. Kahit hindi sinabi ni nanay kung anong bibilhin ko alam ko naman ang paborito niyang ulam.

---

"Manang , eto nga po oh" turo ko sa mga gulay

"Ikaw pala yan Agatha , ilang kilo ba iha?"

" 'Yung mabibili lang po ng trenta pesos wala pa kasi 'yung sahod ko manang kaya eto lang po pera ko"

"Ay konti lang mabibili niyan iha" malungkot na sabi ni manang

"Manang , pwedeng pautang muna promise po babayaran ko kaagad pag may sahod na ako hehe"

"Haha ikaw talagang bata ka , sige" ngiting niyang sabi

"Salamat manang" nag-ngitian naman kami

"Agatha , kailan pala pasukan niyo?" tanong ni manang habang nilalagay sa plastic ang mga pinamili ko

"Hala oo nga manang ! Sa lunes na pala 'yun" natataranta kong sagot. Shems

"May gamit kana ba ? Kung wala pa may tinda akong school supplies dito"

"Sakto ! Pero manang wala akong pambili"

Expect The Unexpectedly LoveWhere stories live. Discover now