Agatha POV
Matapos ang orientation ay agad-agad nila kaming dinismiss. Iniwan ko na si Charles doon. Hindi na ako nagpaalam sa kanya dahil busy siya sa pagpipicture sa mga teachers.
Actually, inannounce nila kanina na half day lang namin. May meeting daw sila kaya wala kaming klase.
At ano pa nga ba ang inaasahan niyo? Siyempre, magparty-party ang mga estudyante. First day of class tapos half day? Sayang ang makukuhang knowledge!
Naglalakad ako ngayon palabas ng university. Lahat ng nakakasabay ko ay puro kinikilig ang naririnig ko mula sa kanila. Kahit saan man ako dumaan pare-pareho ang sinasabi. Kesyo, magaling daw si Alison. Kesyo gwapo raw. Oo na! Nyeta! Nilagay ko na lang ang aking earphones.
Napahinga ako ng maluwag dahil tanging itong kanta na lang ang naririnig ko. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.
Pero hindi pa rin mawawala sa isipan ko si Alison. Matalino kuno na! Mayaman pa! Dancer na nga! Singer pa! Aba! Sobra-sobra naman yata 'yun. Hindi naman niya deserve 'yun! Ang sama ng ugali! Lord , bawiin niyo po 'yun. Ibigay niyo na lang po sa mas deserving.
Napatigil ako nang may kotseng tumigil sa daraanan ko. Dumungaw ang mukha ni Charles sa window ng kanyang car. Tinanggal ko ang aking earphones.
"Agatha, wanna ride?" alok niya sakin
Dahil sa pagtawag ni Charles sakin. Nagulat ako nang nagsilapitan ang isang grupo ng mga babae dito sa gawi ko.
"Gosh! Did you heard that?"
"Of course! I'm not deaf!"
"So tell me, who's that girl?"
I stared at them coldly. Hindi naman sila nagpatinag lalo lang silang napangisi at mas lumapit pa sila sakin.
"You bitch! Who the hell are you?" duro sakin ng babaeng mukhang leader nila. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa.
I crossed my arms.
"And you, who are you?" I raised my left eyebrow at her.
Nagulat siya dahil sa ginawa ko. I heard her friends murmured.
"What did you say?!" galit niyang tanong.
Psh. Bingi lang!
"Ang sabi ko, sino ka rin?" pag-uulit ko na may diin
"Omaygad! Hindi niya kilala?"
"Sshh, shut up. Let's watch them. Come on. Makinig ka na lang pwede?"
Mas lalo pa siyang lumapit sakin. Konti na lamang ang agwat namin. Pinipigilan siya ng mga kaibigan niya. Pero hindi siya maawat.
"Stop it! Pauline!" pigil ng kasama niya sa kanya. Pero hindi niya ito pinakinggan.
Pauline? Nice name.
Nagtuloy-tuloy siya sa paglapit sakin at napapaatras ako.
"How dare you to answered me like that huh?!" tinaas niya ang kanyang kamay
Go on , slap me Pauline. I'm not scared.
"Don't you dare touch her Pauline!" pumagitna samin si Charles.
YOU ARE READING
Expect The Unexpectedly Love
Teen FictionHuwag pangunahan ang love, because "Love just happened unexpectedly"