Agatha POV
"Nay, alis na po ako" lumabas na ko ng bahay
"Ingat nak!" sagot niya sa akin.
"Kayo din po nay! Tawagan niyo po ako pag may problema kayo ha!" sigaw ko pabalik. Hindi ko na siya hinintay makasagot.
Pupunta ako ngayon sa mansion nila mam. Pinapatawag nila ako doon. I don't know why.
Sumakay kaagad ako ng jeep.
---
"Mam bakit niyo po ako pinatawag? May kailangan po ba kayo?" lumapit ako kay mam na nagpupunas ng glass.
Tumigil siya sa pagpunas at humarap siya sakin.
"Ah yes. Iha, may family gathering kasi kami ngayon at napag-usapan namin na dito sa bahay ito gaganapin. At kailangan ko ng tulong mo para sa paghahanda"
Pinulot ko 'yung isa pang punas at humarap kay mam.
"Oo naman po mam. Saan ba ako magsisimula?"
"Bumili ka ng mga sangkap ko sa pagluluto. Okay lang ba iha?"
"Opo mam. Nasaan po 'yung listahan ng mga ipapabili niyo?"
"Kunin mo kay manang Hiding. Nandoon siya sa may pool area naglilinis" sabi ni mam sakin saka inabot ang pera.
Ibinaba ko ang punas at nagpagpag ako ng kamay sabay kuha ng pera.
"Sigi po"
Wew. Mabilang nga 1, 2, 3, 4..... 20 thousand? Grabe, nakakatakot namang hawakan 'to. Nilagay ko na agad sa aking pitaka.
Pumunta na ako kay manang Hiding. Apat ang kasambahay nila mam dito at panlima ako.
"Manang, nasaan po 'yung listahan ng mga kakailanganin sa pagluluto?"
Tumingin siya sa akin at may nilabas siyang sticky note sa kanyang bulsa.
"Ito Agatha. Gusto mo ba ng makakasama?"
"Manang, kaya ko na'to" I smiled at her.
"Sige ingat ka"
I nodded.
---
Hinatid ako ni manong Bobby (driver nila mam) dito sa SM.
Nagdiretso ako sa baggage counter para ilagay ko 'yung bag. Mahirap na baka pagkamalan ka nilang magnanakaw.
Pumunta ako sa pwesto ng mga carts at kumuha ako ng isa. Tutal marami naman akong bibilhin kaya hetong pinakamalaki na lang ang paglalagyan ko.
YOU ARE READING
Expect The Unexpectedly Love
Fiksi RemajaHuwag pangunahan ang love, because "Love just happened unexpectedly"