Chapter 2

46 14 2
                                    

Agatha POV

"Nak , gising na simba tayo tapos mag-eenroll ka pa" tawag ni nanay sa  likuran ng pinto.

"Sige po nay"

Haaay. Antok pako. Nagpagulong-gulong ako dito sa kama. Pilit kong tumayo sa pagkakahiga. Gusto ko pang matulog. Argh!

---

Simbahan

Dasal dito , dasal doon. Haaayy sarap ng feeling. Nagpapasalamat ako kay Lord dahil sa mga blessings na binibigay niya. Pinagdarasal ko din na sana gumaling na ang sakit ni nanay. At sana matanggap ako sa university mamaya. Thank you Lord muah !

---

"Sampaguitaaa ! Bili na po kayo! Sampung pesos lang !" Sigaw ng batang nagtitinda

"Nay , bili tayo sampaguita"

"Sige nak. Tatlo bilhin mo"

Pumunta ako sa batang babae. Kawawa naman ang dungis ng itsura niya. Pero di pa rin nawawala ang pagka-cute niya .

"Bunso , pabili nga ako ng tatlo" ngiti kong sabi sa bata

"Sige po ate ganda" ngiting sagot ng bata habang tinatanggal ang pagkakatali sa sampaguita.

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya

"Ena po ate" sabay bigay niya sakin ang tatlong sampaguita

"Ay salamat ena"sabay kurot sa kanyang pisnge. Kakyut e

"Salamat din po ate ganda hihi balik po kayo ha" masigla niyang saad

I nodded and smile.

"Nay eto po oh" bigay kay nanay sampaguita. Nilagay naman kaagad ni nanay sa kanyang bag.

"Nak , mauuna na pala ako ha. Mag-eenroll ka pa"

"Ay oo nga ! Sigi po nay ingat po kayo ha" pamamaalam kay nanay sabay halik sa kanyang pisnge.

"I will nak" ngiti niyang sagot. At nagsimula na siyang maglakad palayo.

---

Sumakay kaagad ako ng jeep papunta sa university. Kinakabahan ako kasi to be honest , di naman talaga ako belong sa university na iyon e. Iba't-ibang klase ng tao ang makakasalamuha ko doon. The students there are good at general knowledge and confident. Because students take an active part in debate competitions and other activities. Their communication skills are highly developed and they are quite expressive because of the nice environment.  Pero , dahil sa humors na narinig ko noon karamihan raw sa  kanila ay mga salbahe at walang modo porket mayayaman na daw sila.

Expect The Unexpectedly LoveWhere stories live. Discover now