Chapter 13

13 12 0
                                    

Agatha POV

I stretched my arms widely in the air and I felt the softness of the bed. I also smell the pillows that I am hugging right now. Hmm, ang bango-bango

"Kriing! Kriing!"

Napabangon ako dahil sa lakas ng tunog ng aking cellphone. Pikit-mata kong kinukuha ang cellphone sa side table ng kama. Pilit kong sinisilip kung sino 'yung caller. Sht! 14 missed calls? Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino 'yung tumatawag, si Nanay. I immediately answered the call.

"Hello po nay?" sinuklay ko ang aking buhok gamit ang mga daliri.

"Uuwi ka ba ngayon anak?" may pag-aalala sa boses na sabi ni nanay.

"Oo naman nay. Bakit may problema ba kayo?"

"OO!" nagulat ako at nailayo ko ang cellphone sa aking tenga. Nanginginig ang aking kamay.

"Anong oras na oh! Gabing-gabi na! Nasaan ka ba? Sino ang maghahatid sayo dito sa bahay? Magcocommute ka ng ganitong oras?!" galit na aniya ni nanay.

Gabing-gabi na? Tinignan ko ang screen ng aking cellphone. What the heck! Alas-otso na?! Natataranta akong bumangon.

"A-ah e-eh nay, h-hello? Yuhoo? Nay? Chappy nay! Chappy! Chappy!" I ended the call. Sorry nay.

Tannina! Ibig sabihin 5 hours akong tulog? Hindi ko na natulungan si mam sa pagpeprepare! Sinabi ko pa namang saglit lang ako matutulog!

"Sht! Sht! Sht!"

Takbo-lakad akong pumasok sa cr. Mabilis kong binuksan ang faucet at naghilamos.

Ano na ang gagawin ko ngayon? Wala na akong mukhang ihaharap kay mam. Wala akong naitulong sa kanya.

Kung dito na lang kaya ako magpapalipas ng gabi? As in hindi ako lalabas ng room na ito. Sa lamang ako lalabas kapag umaga na. Tapos idadahilan ko na lang kay mam na napilay ako dahil sa pamimili sa SM at hindi ako makalakad. Hays! Tae! Gasgas na'to!

Pero paano naman si nanay sa bahay kapag dito ako matutulog? Nag-aalala na 'yun panigurado. At baka sabihin niyang nagwalwal ako. Napasabunot ako sa aking buhok.

Pero alangan namang lalabas ako dito, paano kapag nakasalubong ko si mam diyan? Baka pagalitan niya ako at matanggal pa ako sa trabaho. Halo-halong emosiyon ang nararamdaman ko ngayon.

Napahawak ako sa aking pisngi at humarap sa salamin. Mag-iisip muna ako ng plano. Isip! Isip! Isip! Ting!

Alam ko na! Lalabas ako dito nang nakatakip ang buhok ko sa aking mukha parang 'yung multo sa The Ring. At 'pag nangyari 'yun, tatakbo sila sa takot kasi ang alam nila isa akong multo! At 'pag nakatakbo na sila may chance na akong makatakas!

Talino ko talaga!

"Kruu!" huni ng aking tiyan.

Gutom pala ako? Nagkibit-balikat na lang ako. Ah eh bahala na!

Expect The Unexpectedly LoveWhere stories live. Discover now