Chapter 15

18 12 0
                                    

Marth POV

Galit ako, galit na galit. Ang ayaw na ayaw ko sa lahat ay pinaglalaruan, pinagtatawanan, at pinaghihintay ako! That freaking girl!

So that girl is working in Tita's house? Wala ba siyang mga magulang? Paano siya nakapasok sa university? Damn it! Bakit ko ba siya iniisip! She's stupid and nonsense!

Wala akong pake kung may mangyaring masama sa kanya doon. 'Yan ang bayad ko sa kanya dahil doon sa ginawa niya sakin kanina at napahiya pa ako kay Tita.

And that old lady! Driver ba ako? Ni hindi ko nga kilala kung sino 'yung babaeng 'yun! Nakakainis! Hindi talaga ako nakakapalag sa kanya! Labag sa kalooban ko ang ginawa ko kanina. Sinuntok ko ang manibela ng aking sasakyan.

Pagkabalik ko sa bahay nila Tita nakita kong nag-aabang sakin si mommy. I can sense here that she's worried.

---

Agatha POV

Parang bangkay na ako nang makarating ako sa bahay. Namanhid ang buong katawan ko dahil sa pagod, sakit, galit, takot, at lamig. Lunod na lunod ako sa ulan. Akala ko hindi na ako makakasurvive.

Nanginginig ang aking kamay at paa nang katukin ko ang pinto.

"N-nay buksan--"

Bumungad ang nag-aalang mata ni nanay. Tumigil ang mata ko sa hawak niyang cellphone. Kanina pa niya siguro ako kinocontact kaya lang lowbat cellphone ko.

Agad-agad ko siyang niyakap pero tinanggal niya ang kamay ko.

"Bakit ngayon ka lang ha?" diretsong tanong niya.

Namuo ang luha sa mga mata ko at anytime pwede na itong bumagsak.

"So-sorry nay, nakatulog ako kina mam" napipiyok kong sabi.

Ang kaninang galit na mga mata niya ay napalitan ng awa at pag-aalala.

"Sino ang naghatid sayo anak? Bakit basang-basa ka? May nangyari ba?" dire-diretsong tanong niya.

"Nay, hinatid ako ni manong bobby kaya lang nasiraan kami kanina diyan sa kanto. Tsaka wala kaming mahingian ng tulong kanina kaya nilakad ko na lang. Sorry nay, kung pinag-alala ko kayo" pagsisinungaling ko.

Hinila niya ako sa loob at may kinuha siyang twalya.

"Ganun ba anak. Kamusta pakiramdam mo? Hindi ba masakit ang katawan mo? Anlayo kaya ng kanto mula dito"

Masakit nay, sobrang sakit.

"Okay lang ako nay" ngiti kong pilit.

---

Morning

I wake up with a strange feeling nanghihina at nahihilo ako. I could not open my eyes. I tried to called my mother but no sound came out. Am I dreaming?

Expect The Unexpectedly LoveWhere stories live. Discover now