Chapter 18

10 9 0
                                    

Agatha POV

"Hoooy! Gising na!"

Naramdaman ko ang paghila niya sa paa ko.

"Aw! hahaha ano ba! Tatayo na ako hahaha. Tama na tin hahaha" gumulong-gulong ako sa kama.

"Tatayo ka o kikilitihin ulit kita?" nakapamaywang niyang tanong.

"Tatayo na"

Hay nako.

---

"Agatha, mag-ayos ka nga!" salubong sakin ni tin matapos akong magbihis ng uniform.

"Ayos na ayos naman ako ha" sabay sabit ko ng bag ko.

"Magliptint ka nga! Kahapon nakaliptint ka ngayon hindi na? Psh" kunot na kunot ang noo niyang sabi.

"Oo na! Hays" bumalik ulit ako sa salamin at nagliptint.

"Paikliin mo pa ng kaunti 'yang skirt mo!" sigaw ulit niya sakin.

Dahil sa gusto kong tumahimik na siya sa kakasatsat sinunod ko ang utos niya. Tinaas ko pa ng kaunti ang aking palda.

"Perfect! Mukha ka ng korean! Ge, shoo! Pasok na!" pagtataboy niya sakin.

Grabe! Matapos niya akong mautus-utusan! Nakakahiya naman sa kanya.

"Okay, babush! Nay, papasok na po ako!"

Nagsimula na akong maglakad papunta sa sakayan ng jeep.

---

Marth POV

Ayos na ayos ang uniform ko ngayon. Pati buhok ko at nagpabango ako ng todo. Gusto kong magpaimpress kay Siesie. Excited na akong pumasok.

Bumaba na ako at sakto nakasalubong ko si mom palabas sa kanyang kwarto.

"Ang gwapo naman ng baby namin"

"Yes mom" I smiled widely.

"Bakit ang aga mo ngayon baby? Kumain kana ba?" lumapit siya sa akin at inayos niya ang uniform ko.

"Mom, kakain na lang po ako doon sa university. Sabay daw kami ni Charles"

"Okey. Parang masaya ka yata ngayon ha baby, I can sense it"

"Of course mom" sabay akbay ko kay mom at naglakad kami papunta sa kotse ko.

---

Charles POV

Maaga akong nagising dahil maaga ko daw susunduin si Ac. Naglalakad ako ngayon papunta sa kotse ko.

Expect The Unexpectedly LoveWhere stories live. Discover now