Agatha POV
Napakalaki talaga ng university na ito. Ang lawak ng auditorium nila. Maraming students ang nandito ngayon sa loob. May JHS, SHS, at College. Talagang pinaghandaan nila ang orientation na ito, kita naman sa mga designs and set-up ng stage. May mga instruments din na pangbanda na nakaayos. Kasalukuyan akong nakaupo sa bleachers ng nag-iisa. Haay, miss ko na 'yung mga dati kong kaibigan.
"Excited na ako"
"Pati rin ako. Kyaaahh!"
Excited? Na mameet 'yung ibang teachers? Ako hindi!
Asan kaya si Charles? Nobayan! Tumingin-tingin ako sa palagid baka sakaling makikita ko siya.
"Honey, stop it"
"No, I want to bite you"
"Hihihi, later"
Ano bang klase ng estudyante ang nandito? Tss
"STUDENTS, THIS ORIENTATION IS PROVIDED BY OUR SCHOOL DIRECTOR. HOPE YOU WILL ENJOY! LATER WE WILL INTRODUCE TO YOU ALL OF THE TEACHERS HERE" sabi ng babaeng emcee
*clap*clap*clap*
"Yuhoooo!"
"Mga ayduls!"
Ingay lang ang naririnig dito sa loob.
"Hey, Agatha? Are you alright? Wala ka bang kaibigan kaya mag-isa ka lang nandito?" anang familiar na tinig ng lalaki habang nananitili akong nakapalumbaba.
"Hi Charles, oks lang ako. Sayang! Di kita klasmeyt kanina" sabi ko
"Uhm ye, I heard classmate kayo kanina ni Marth"
"Oo. Ginugulo niya ako. Ganun ba talaga 'yun?" bumalik lahat ng alaala ko kanina kung paano ako ipahiya ni Alison sa klase. He makes my blood boil!
"Pagpasensiyahan mo na Agatha, ganun talaga 'yun since then."
"Bakit di niyo isumbong?" kunot-noo kong tanong
"Sinusumbong, kaso walang nagbabago dahil hindi masyadong pinapagalitan ng parents niya"
"Hinahayaan nila?"
"No, binabantayan naman nila bawat galaw ni Marth" paglilinaw niya
"Ah" I nodded
"Sino 'yung kausap ni Charles?"
"Mukhang close na close talaga sila"
YOU ARE READING
Expect The Unexpectedly Love
Teen FictionHuwag pangunahan ang love, because "Love just happened unexpectedly"