Halos mapaluha siya dahil sa kaniyang mga nalaman "Kaya naman pala ganun nalang kagaan ang pakiramdam ko sa batang 'yun kasi anak pala siya ng yumao kong kapatid na si Rosalinda."
Ilang beses siyang napasinghap habang pinagmamasdan ang litrato ng nakakatanda niyang kapatid.
"Masyadong mapaglaro ang tadhana. Akala ko tuluyan na akong makakalayo sa kanila pero ano ito ngayon?"
Nakakalat sa lamesa ang mga impormasyong nakuha niya sa sariling pag iimbestiga. Nalaman niyang Ina pala ni Janine Tejero ang kaniyang Kapatid na si Rosalinda Tejero.
Mayroon siyang student record ng kaniyang mga pamangkin. Kinuha niya ito sa Unibersidad na pinapasukan ng dalaga at ang kay John Ronald naman ay nakuha niya sa paaralan nito.
Namamasukan siya sa Unibersidad nila Janine bilang isang propesor at may kaibigan naman siyang guro mula sa paaralan nila John Ronald kaya ganun nalang kadali sa kaniya makuha ang mga student records ng mga ito.
Nalaman niyang pumanaw na rin ang asawa ng nakakatanda niyang kapatid dahil sa sakit sa atay at ang nag ampon sa kaniyang mga pamangkin ay ang mabuti nilang kapit bahay noon na si Dennise Villalva.
Magkahalong konsensya at takot ang kaniyang nararamdaman. Nakokonsensya siya dahil iniwan niya ang kaniyang mga pamangkin, at natatakot dahil sa nakaambang na panganib para sa kaniya dahil sa oras na malapit siyang muli kina Janine ay paniguradong masasangkot nanaman siya sa problema nito.
Simula nang malaman niya ang tungkol sa sumpa ay natakot na siyang dumikit sa kaniyang kapatid kaya mas pinili niyang magpakalayo layo at piliting kalimutan ang lahat para sa sariling kapakanan.
Lumuwas siya patungong Maynila, binago ang kaniyang apelido at nagbago ng propesyon mula sa pagmemedisina ay pinili niyang maging propesor.
"Patawarin mo ako Ate, ayokong masangkot sa sumpa. Ayoko pang mamatay. Ayoko pang mamatay."
Bumuhos ang kaniyang mga luha. Naaawa siya sa kaniyang pamangkin ngunit ayaw niyang ipahamak ang sariling buhay.
Nalaman niya kasi ang sumpa sa kanilang lahi. Wala siyang pinagsabihan kahit sino. Wala siyang nagawa at hinayaan ang tadhana na kumilos.
"Sa kaniyang kaarawan, papanaw siya sa oras na pumatak ang ikalabindalawa ng umaga."
Nagdadalawang isip siya kung sa ikalawang pagkakataon ay hahayaan niya nalang na may buhay na mawawala para tuluyan nang mawala ang sumpa o sa pangalawang pagkakataon na ito ay gagawa na siya ng paraan para maligtas ang buhay ng kaniyang pamangkin.
Napatingala siya sa altar kung saan nakadisplay ang litrato ng puong maykapal. Humingi siya ng tulong at patawad sa Diyos.
Kailangan kong tulungan sila Janine. Kailangan may gawin na ako para maligtas ang nakararami.
"Tatanggapin ko na, na mamatay na ako. Tutal matanda narin naman ako at alam kong kapag tutulungan ko si Janine, marami siyang magagawang kabutihan kaysa saakin."
Niligpit niya ang lahat ng mga nakakalat. Nagmadali siyang lumabas sa kaniyang bahay. Hindi man niya alam kung nasaan ngayon si Janine pero gagawin niya ang lahat matunton lang ang dalaga.
"Kailangan ko siyang iligtas."
***
"Bye ma! John, wag kang magpapasaway ha? Mag iingat kayo dito. Godbless." Humalik siya sa pisngi ng kaniyang Ina at Kapatid bago tuluyang sumakay sa Van nila Abigail.
"Ikaw rin, Anak! Mag iingat ka. Enjoy your day! Godbless you. Lagi kang magtext o tumawag ha?" Pahabol ng kaniyang Ina.
"Opo!" Kinawayan niya ang mga ito.
"I'm so excited na!" Sabi ni Abigail na nakasakay sa passenger seat ng Van.
Pinaandar na ng Family driver nila Abigail ang Van na kanilang sinasakyan patungo sa resthouse nito sa Batangas.
"Gusto kong agad magswimming kahit pa malamig." Masayang sambit ni Rico.
Napatingin lang si Janine sa labas ng sasakyan. Napabuntong hininga siya at pilit na binura ang takot na nararamdaman.
Birthday namin 'to. Kailangan kong mag enjoy.
"Ganto guys, pagdating natin mamaya, magpapahinga lang muna tayo, bukas maglolocation trip, sa day 3 magiispend tayo ng araw sa tabing dagat doing some activities and refreshments." Pag aanunsiyo ni Abi.
"Omeged! Excited na akes! Bakla? Marami bang Papi dun?" Tanong ni Reymundo sa malanding tono.
Nagtawanan naman ang lahat, "Maraming Papi dun, Baks kaya don't worry. Mag eenjoy ka!"
"Sure 'yan bakla ah? Baka naman mabokya ako dun?"
"Hindi 'yan."
Ilang sandali ang lumipas, nagkaroon na sila ng sari sariling mundo. Si Abi busy sa kaniyang hawak na cellphone, panay ang paghanap ng magandang anggulo para sa pagkuha ng litrato,
Si Reymundo naman ay busy sa pakikipagchikahan sa mga kapwa niyang beke gamit ang social media. Si Diana, nakatulog habang si Carlos naman ay nakangiti habang pinagmamasdan ang dalagang natutulog.
"Puputulin ko na talaga 'yang malilikot mong kamay. Kanina pa 'yan ha! Naiinis na ako." Iritang bulong ni Mika sa kasintahan.
Panay kasi ang paggalaw ng kamay nito sa loob kaniyang suot suot na damit. Hindi mapirmi sa iisang tabi.
"Shh... hindi kasi ako makatulog e. Sige na."
"Manahimik ka! Wala ka talagang pinipiling lugar noh? Kahit saan puro libog."
Sumama ang hitsura ni Kurt, "Grabe ka naman. Pasalamat ka nga sayo ko lang 'to ginagawa e." Kunway nagtatampo niyang saad saka dumistansya ng kaunti kay Mika.
"Hay nako. Bahala ka. Matulog ka na nga lang diyan."
Sinamaan lamang siya ng tingin ni Kurt at hindi na sila nagpansinan. Sa kabilang dako naman, hindi mapigilan ni Rico ang mapangiti habang pinagmamasdan ang nahihiyang hitsura ni Janine.
Hindi sila nag iimikan. Panay lang ang iwasan ng mga tingin ngunit sa t'wing magkakatinginan sila ay para bang may kuryenteng dumadaloy sa buong sistema ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
Genel KurguTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...