THIRD PERSON'S POVMatapos higupin ng lagusan si Manika at Chowy sumunod naman sila Minato at Demonice. Bago sumara ang lagusan ay may ilang mga ghoul ang napasama, Napaaga ang pagdating nila dahil sa spell na ginawa ng hari ng mga Ghoul.
Galit na galit siya ng malaman na nakatakas ang bata. Ngayon ay wala na siyang magagawa para makasunod sa mundo ng mga tao dahil kahit siya ay hindi umabot sa lagusan.
Ang mga bantay ng templo na sina Master coco, Lady Sein at Master Aoi ay gumamit ng spell para mailipat sa ibang lugar ang mga sagradong libro na ngayon ay gutay-gutay na, wala silang ibang pwedeng gawing tulong sa mga batang nagpunta sa ibang mundo hindi ito sakop ng kapangyarihan nila, ang makakaya nalang muna nilang gawin ay ang pagbabantay sa mga iniwan nitong bayan at protektahan laban sa pananakop ng mga Ghoul.
Sa Mundo naman ng mga tao ay biglang nagulat si Jin dahil sa bumalik sa dati ang mga punong naghahasik ng lagim. Masama ang kutob niyang baka may nangyayaring kaguluhan sa Mundo ng Aura. Hindi niya alam pero parang may mali sa mga nangyayari.
Nagteleport siya papunta sa bahaging burol ng paaralan, sa likod nito ay may masukal na gubat at isang napakataas na burol kung saan makikita mo lahat ang nasa syudad ng mga tao ang Capital City ng Terris.
Inobserbahan niya ang kapaligiran nararamdaman niya ang pagbukas ng isang portal. Napadilat siya ng maramdamang huminto ang oras.
"May nagbukas na naman ng portal,pero bakit? bakit hindi ko kayang gumawa ng portal pabalik?" Kinakabahan siya sa kung anong maaring epekto ng pagbubukas nito sa mundo ng mga tao dahil hanggang ngayon hindi niya pa'rin nakikita ang natuklasan niya sa librong nabasa.
"Sisiguraduhin kung walang sinuman ang pwedeng maghasik ng lagim sa mundong ito." He whispered.
-----
Manika's Pov
"Aaahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!"
*Blag*
*Blag*
*Bogsh*
"Ouch... ang sakit aw. aw."Namimilipit kung saad.
Nakahiga ako ngayon at nakapikit dahil sa sakit na nararamdaman ko, hindi ko alam kung anong nangyari. Ang naaalala ko lang ay hinigop ako ng lagusan.
te-teka! si Chowy! Ang baby ko!
"CHOWYYY!" Bigla kung sigaw sabay dilat at bangon.
Nagulat naman ako sa mga nakita ko ano to? bakit, Bakit ang daming taooo? Asaaan akooo? oh no!
(Si manika po ay nasa gitna ng atrium kung saan may ginaganap na cosplay event sa isang Mall dyan po siya bumagsak mula sa portal.)
"Wooow pare! fallen Angel oh!"Turo ng lalaking nakatayo sa harapan ko bigla naman akong nalito dahil sa kahina-hinalang reaction niya ng makita ako. Mabilis akong tumayo.Nagtaka naman ako sa mga suot ng mga nakapalibot na tao sa'kin.
"Na-Nasaan ako?"mahina kung bulong na animo'y sarili ko lang ang kinakausap.
"Oo nga pare! parang totoong warrior ng online games! yung mobile legends? pati na sa CABAL kamukha niya mga babaeng character dun waaa ang ganda!"Na-aamaze na sabi ng lalaki sa kanya at napalakas ata ang pagkakasabi nito na nagtawag ng atensyon sa mga taong nanonood ng kanya-kanya din' mga idol sa anime.
Para naman akong tuod na di alam ang gagawin aalis na sana ako dahil natatakot ako sa mga reaksyon nila.
Lord help me po naguguluhan na ako.
"Miss!!pwedeng papicture? Ang ganda ganda mo kasi eh!"Saad ng babaeng bigla nalang akong hinawakan sa braso kaya wala akong nagawa kundi tumango.
Pero anong Picture? eh? Pinaharap ako ng babae dun sa maliit na kahon na hawak ng lalake at sinabihan ako na iheart shape ko daw yung mga daliri ko. Dahil ayoko ng gulo ay sinunod ko nalang ito. Mas nagulat ako dahil bigla nalang umilaw yung maliit na kahon (Flash po ng phone yan haha! )
![](https://img.wattpad.com/cover/151883004-288-k934174.jpg)
BINABASA MO ANG
Fortress Dimension
FantasyJ O U R N E Y T O E A R T H ? * May error sa pagkakasunod ng chapter sa kwentong to pakitingnan nalang po kung alin chapter ang kasunod ng Chapter 2, May abnormalities ata haha. Sa phone lang kasi ako nag-aupdate.