CHAPTER FOUR: REALITY HURTS

4 0 0
                                    

MANIKA'S POV

Dahan dahan kung binuksan ang sulat,

Halos pinaglumaan na ito ng panahon

Bakit walang nagsabi sa'kin na napunta pala si BlUE dito noon ?

wala siyang sinabi sa akin.

Library to nila Minato so..

Ibig sabihin..

Te-teka... si MINATO....

Hindi kaya magkasama sila nung mga panahong biglang naglaho si Blue ?

tiningnan ko ang hawak hawak kung sulat at pinagpag ito gawa ng alikabok.

ang sulat ay nakapangalan kay MINATO.

Nabasa na niya kaya to ?

*LETTER*

Minato,

Baka sa panahong mabasa mo to, ay nasa mundo na ako ng mga tao.pasensya na at hindi ako nagpaalam sayo o kahit sa mahal ko, ikaw na ang bahalang magsabi sa kanya Hindi ko na gugustuhing makita pa ang mukha niya dahil alam kung hindi siya sasaangayon sa kagustuhan ko..may mahalagang bagay lang akong kailangan kumpirmahin sa mundong yun bago bumalik sa ating mundo, Para din to sa kaligtasan ng lahat ng tao.

Akala ko kasi matatapos na ang lahat ng to pag nasa atin na ang isa sa mga bato. May mga masasamang nilalang pa pala na ni kahit ang bato ay di na sila kayang pigilan.

susubukan kung buksan ang Portal ngayon.

Sana mabasa mo pa ang sulat na to.

May napansin din kasi akong kahinahinalang bagay na nakasunod sa akin kanina pa.

ito na din siguro ang paraan para mapigilan ko siya .

ingatan mo sila Lalong lalo na ang aking Prinsesa.

BLUE

----

Hilam sa luha ang aking mga mata pagkatapos mabasa ang sulat

sinasabi ko na nga ba may hindi tama .. anong gagawin ko ?

susundan ko siya sa mundong yun ? ni hindi ko alam kung paano mabuksan ang portal na yun.

At hindi pepwede na mapahamak si CHOWY. Alam kong may iba pang paraan para makapunta doon.

gagawa ako ng paraan sa lalong madaling panahon.

Baka nakulong na siya doon o may masamang nangyari sa kanya kaya hindi siya nakabalik.

Dali dali kung itinupi ang sulat at nilagay sa aking bulsa dapat na mabasa to ni Minato dahil baka may ideya siya.

Lumabas ako ng silid aklatan na yun baka gising na ang bata.

Tinawag ko ang isa sa mga clone ko na nakaantabay sa labas ng Templo.

Agad itong nagteleport sa harapan ko.

"Master... " Anya.

Fortress DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon