Manika's PovNakapangalumbaba akong nakatingin sa labas ng templo.
Opo Templo.. .
Tingin ko safe naman yung pinagdalhan sa'min ni Minato.
Sa ngayon hindi sapat ang kapangyarihan ko para iligtas si Chowy, hindi ko alam kung hanggang kailan ang pagtatago namin.
Kumikilos na ang mga Ghoul.
I sigh.
Hinawakan ko ang maliit na kamay ni chowy na ngayon ay natutulog sa tabi ko.
'Baby wag kang mag alala.. Po-protektahan ka ni Mimi kagaya ng ipinangako ko sa Mama mo. '
Hinalikan ko ang noo ng bata.
Ang cute cute talaga ng pamangkin kung to.
Tumayo ako at inayos ko ang pagkakakumot sa kanya.
Napagod siguro kakalaro kanina
Papagabi na din naman.Lumabas ako ng kwarto.
Tama kailangan kumilos na din ako,Pag-aaralan ko yung mga spell na pwedeng pang protekta kay Chowy.
I'm not a wizard but atleast mapag aaralan ko.
Hindi pwedeng kay Demonice lage ako naka asa.
Speaking of that fairy ayun busy sa kakahanap ng mga kasamahan para sa pakikipaglaban namin kung sakaling lusubin kami ng mga Ghoul.
Naiimagine ko na mga itsura nila nakakadiri talaga.
Haaay.
Tuloy tuloy ako sa paglalakad.
Papunta ako sa Library
I'm sure marami akong matututunan doon.
'Hmmm... Hmmm.. '
Nagha-hum ako habang naglalakad sobrang tahimik kasi tapos ang laki pa ng templo.
Nagmamasid lang ako sa mga nadadaanan ko.
Hindi eto yung templo na sobrang ganda,actually parang Hunted Temple na nga to di na napapangalagaan ni Minato sa tagal ba naman na mag -isa lang siya dito at wala pang kasama.
Pero Infairness yung kapangyarihang bumabalot dito hindi pa din nagbabago mula pa sa mga sinaunang ninuno ng lugar na to ang barrier na nakapalibot dito.Teka nga..
Kanina pa ako palakad lakad saan ba ang Library nila?
Jusko ha ang layoo na.
Then I saw a small passage.
Papunta sa baba yun.
Baka ito na yun.
Pero bakit naman dito pa lokasyon ng library nila?
Ay bahala na
Teka bago pala yun kailangan may maiwan sa tabi ni Chowy baka magising yung bata at hanapin ako.
Huminga ako ng malalim at nagchant ng spell.
Asul na kalangitan...
Hiwaga mo'y aking kailangan..
Damhin mo ang nais kong iparamdam...
Puso ay nagnanais siyang protektahan..
Kakambal ang nais ialay..
I Call thy Wind
I call thy fire..
I want a clown that will protect his Life!
Ele.. Oreee ! Ele.. oreee ! Run the Clock I command!Yumuko ako at Sinugatan agad ang kamay ko gamit ang dahon na gawa sa kutsilyo.
Then a big smoke covered the whole place.
BINABASA MO ANG
Fortress Dimension
FantasíaJ O U R N E Y T O E A R T H ? * May error sa pagkakasunod ng chapter sa kwentong to pakitingnan nalang po kung alin chapter ang kasunod ng Chapter 2, May abnormalities ata haha. Sa phone lang kasi ako nag-aupdate.