"May nakakakilala ba sa biktima?" Tanong ng pulis sa mga taong nakapaligid.
"Ngayon lang po namin nakita ang babaeng 'yan dito." Tugon ng isang binatilyong lalaki.
Kalunos lunos ang nangyari sa katawan ni Theresa. Nagkalat sa malamig na kalsada ang parte ng kaniyang katawan at naliligo sa sariling dugo.
Kanina pa nag iimbestiga ang mga pulis ngunit wala silang makalap na impormasyon. Ang tanging impormasyon lang na nakuha nila ay ang tungkol sa insidente ng pananagasa.
Base sa mga nakasaksi, papatawid na si Theresa sa kalsada nang bigla nalang siyang sagasaan ng isang itim na sasakyan. Mabilis ang takbo nito kaya tumalsik ang katawan ng kaawa awang babae.
Hindi agad napansin ng mga nakakita kung nasaan tumalsik ang katawan nito kaya wala silang nagawa. Saka lamang nila natunton ang katawan nito nang makaalis ang truck na nakaatras dito at ang itim na sasakyan na nakasagasa naman ay agad na umalis para makatakas.
Pagkatapos kuhaan ng litrato ng mga SOCO ang katawan ng kaawa-awang babae ay ipinagsama sama nila ito saka isinilid sa sisidlan.
"Mahirap imbestigahan ang kasong ito dahil wala man lang niisa sa inyo ang nakakaalam ng plate number ng nakasagasang sasakyan. Nakolekta na rin namin ang gamit niya base sa nakuha naming impormasyon, wala namang kahinahinalang bagay. Ang nakapagtataka, parang intensyon talaga ang pagkakasagasa sa kaniya." Ayon ng isang pulis.
"Sige na isakay niyo na 'yan sa sasakyan. Ididiretso na ang katawan sa laboratory para sa isang autopsy." Utos ng nakakataas na pulis.
Nagsisakayan na ang mga pulis sa kanilang mga police mobile at ang lasog lasog na katawan naman ni Theresa ay isinakay sa ambulansya.
"Nakakakilabot naman! Mukhang hindi pa ata ako makakatulog nito mamayang gabi."
"Oo nga Mare!"
"Sino kaya ang babaeng 'yun? Bakit sinagasaan siya?"
"Baka may kaaway."
"Hay nako! Tara na! Hindi ko na kayang sikmurain ang mga kaganapan dito."
Nagsilaalisan na ang mga taong nakisagap ng mga pangyayari. Bago umalis ang lahat ng pulis ay pinalibutan muna ng dilaw na bagay ang paligid na pinangyarihan ng krimen.
"John, pakibantayan 'yung sinaing sa kusina. Lalabas lang ako saglit para mamili dun sa palengke."
"Sige po." Tugon nito habang ang mga mata'y nakatuon sa panunuod.
Lumabas ng bahay si Dennise dala dala ang kaniyang pitaka at isang bayong. Tumungo siya sa tricycle-lan saka sumakay patungo sa pupuntahang palengke.
"Oh ito na po Manong." Nag abot siya ng bayad sa tricycle driver nang makarating na sila sa palengke.
"Mag iistock nalang siguro ako ng medyo marami rami para naman hindi na ako pabalik balik dito sa palengke." Bulong niya sa sarili habang sinusulyapan ang pera sa loob ng kaniyang pitaka.
"Nakakatakot talaga 'yung mga nangyari kanina."
"Diyos ko. Wag mo na nga 'yang ikwento baka maalala ko nanaman 'yung mga nakita ko kanina."
"Ayoko na rin maalala 'yun."
Bahagyang napahinto siya sa kaniyang paglalakad dahil nais niyang mapakinggan ang mga nag uusap kung saan-saan. Hindi naman sa pagiging tsismosa pero ika nga nila, "curiosity kills the cat".
"Magsiayos na nga kayo baka mamaya hindi tayo makabenta niyan." Suway ng isa pang tindera.
Lumapit siya sa mga babaeng nakatipon, "A-ano pong nangyari kanina?"
Napaharap sa kaniya ang isang babaeng nasa edad trenta, "hay nako, hindi mo naabutan, may babaeng nasagasaan sa bandang likuran nitong palengke."
"Grabe! Nadurog 'yung katawan ng babae. Kawawa!"
Napakunot ang kaniyang noo, "S-sino?"
"Wala ngang nakakakilala dun sa babae kasi parang baguhan lang siya dito. Tsaka narinig din namin sa pulis na parang intensyong daw ang pagkakasagasa sa kaniya."
Bahagyang nag iba ang kaniyang pakiramdam. Hindi man niya kilala ang babaeng nasagasaan pero alam niya kung gaano kabrutal ang pagkakapatay dito.
"Sige salamat." Saad niya saka itinuloy ang paglalakad papasok sa palengke.
***
"Dito ka nalang humiga sa kama. Nakakaawa ka naman." Sambit ni Rico saka siya tumayo dala dala ang dalawang piraso ng unan.
"Ikaw na nga dyan. Sanay naman na ako sa ganito." Pagtanggi ni Janine.
Kakatapos lang nilang maghapunan at ngayon ay oras na ng pagtulog. Alas dies pasado na ng gabi ngunit ang dalawa ay hindi parin natutulog dahil lamang sa kaartehan nilang dalawa.
"Ikaw na nga. Wag matigas ang ulo Janine."
"Dito na nga lang ako. Tigas ng ulo e."
Inis na tinignan ni Rico ang dalaga. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso pagkuway napabuntong hininga.
"Sige, walang hihiga sa kama. Sa papag nalang ako, ikaw dyan sa sofa. Nakakahiya naman sayo." Napairap siya sa kawalan. Humiga siya sa malamig na papag ng kwarto katapat ni Janine.
Iniiwasang tignan ni Janine si Rico ngunit napapadako ang kaniyang mga paningin sa binata. Naawa siya sa hitsura nito at alam niya rin ang maaaring maging epekto ng paghiga sa papag.
Napabuntong hininga ang dalaga. Okay, panalo kana!
"Oh sige na! Sige na! Ito na! Ako na ang hihiga sa kama." Pabalagbag siyang tumayo sa kinahihigaang sofa at nagmartsa patungo sa kama.
BINABASA MO ANG
Head [Revising Soon]
General FictionTaong 1950 nang isinumpa ni Angelita ang pamilya nila Vicente Tolentino dahil sa kalunos lunos na ginawa nito sa kaniyang asawa. Dati'y isa siyang makaDiyos ngunit dahil sa mga nangyari ay nag iba ang kaniyang paniniwala. Sinisi at kinamuhian niya a...