08: Comeback

12 1 0
                                    

Eryl Jasmine Valencia

Bakit kaya biglang nagtext si Dreane? I tap the message to read it.

From: Dreane The Dreamer

      How's College life?

She just want to know how my day was.

So I made a reply for her.

To: Dreane The Dreamer

      Its fine. How about you? How's school? Life? Or you maybe want to inform me where have you been?

Sent!

A minute passed and my phone rang. Dreane is calling so I immediately answer the call. Baka masita ako ng librarian at maban pa ako rito.

“Oh, musta na?” wala talagang hello-hello sa babaeng 'to.

“I called you because of two things.” narinig ko siyang tumikhim sa kabilang linya.

“First, I want you to look over for Dino. J Menloluko is preparing for his comeback.” nangunot ang noo ko. Why Dino? Why does he want to Dino? Anong kinalaman ni J kay Dino? Maliban sa naging biktima rin siya nito ay wala na akong makitang dahilan.

“I know you already have your conclusions in mind but please. Look over for him. By the way. Can you get my card? Idaan mo nalang sa store.”

“Sige, tatapusin ko lang ang dino-download ko tas pupuntahan na kita. Wala na akong klase eh. ” Pabulong kong sagot sa kanya. Delikado talaga yung librarian dito eh. Napatingin ako sa nasa screen at nakita kong tapos na ang dino-download ko.

“Sige. Be careful,Eryl.” pinatay na niya ang tawag at ako naman ay iniligpit na ang laptop ko. I saw Dino standing behind me.

“Hello Dino. Pwede mo ba akong samahan kina Dreane?” I am asking him to come with me because of what Dreane said. He is the only friend that I have as of now and Dreane is still a stranger who owns my trust.

“Talaga? Tara. Bilisan mo na!” Nagmamadali niyang sabi saka nagniningning ang mga mata niya.

Napangisi lang ako saka tuluyang ipinasok ang laptop ko sa bag ko.

Palabas kami ni Dino sa library nang matunugan kong may sumusunod nanaman sa akin. Its him again. The boy I saw at the JuiceMeow.

“Dino, Can you do me a favor?” I asked him.

“Can you please stay safe? Stay alive and gay. ” I said na ikinangiti niya. Mukhang maasar ako dahil sa sinabi ko.

“Are you going to confess your love for me?” napiling ang kanyang kamay na parang sinaunang dalagang Pilipina na hindi makabasag pinggan.
“Pasensya na Ginoo. Ang puso ko ay para kay Dreane na. Magbalat ka na lang ng patatas kase parating na si Miss Minchin.” Huh? Nangunot ang noo ko sa piangsasabi niya.

“So you like here?” I asked him.

“Oo, binabasted na kita pare.” binatukan ko ang loko.

“Sira ka talaga. I just want to say that she likes me more than you.” pang aasar ko sa kanya na siya namang ikina gulat niya.

“Nagmahangin ka ba? Eryl Jasmine Valencia nasaan ka? Bakit nagmahangin ang kasama ko ngayon?” hinawakan niya pa ako sa magkabilang balikat saka inuyugyog ng kaunti.

“There's always---”  biglang niyang binitawan ang balikat ko ang nag-sign of the cross.

“Hay. Salamat naman bumalik na ang dating Eryl. Akala ko nainvade na tayo ng mga alien eh. Mukhang hindi ko kakayanin ang mahanging Eryl. Okay na ako lang ang mahangin sa ating dalawa.” ngumiti siya saka inunahan ako sa motor ko. Palakad lang akong sumunod sa kanya because running is not my thing.

- - - - - - - - - -

“Anong maio-offer ko para sa inyong dalawa?” Dreane asked at para namanv bombilyang nasindihan si Dino.

“Okay lang sa amin yung isang galon ng Ice Cream yung pistachio? Tyaka Coke ah. May noodles ka rin yung seafood na spicy? Tyaka yung Lays niyo na malaki cheese flavor tyaka may mga kanin din kayo noh? Pwede na sa akin yung dalawang ganoon. Yung chicken. Masarap daw yung chicken niyo rito sa All Day eh.” nakangiti siya habang nagsasalita at patuloy lang sa pagtawa si Dreane.

“Dino, Chill ka lang. That's too much don't you think?” saway ko sa kanya pero nginitian niya lang ako.

“It's okay Eryl. Treat ko na sa inyo dahil first day niyo sa college dahil sa mga dadaan na araw marami na kayong gagawin.” napakamot pa si Dreane sa ulo niya saka tumawag ng staff niya.

“Rike! Halika rito saglit.” tawag niya sa lalaking may katangkaran na may nakaukit na nameplate niyang “Rike”

“Pwedeng pakisamahan si Dino sa pagkuha ng mga gusto niyang pagkain? Akong bahala sa bills. Salamat” tumango lang yung Rike saka tumayo si Dino. Binelatan pa ako na parang batang inaasar ang kalari dahil umayon sa kanya ang tadhana.

“Dino is in trouble. J will kill him because of you. ” Seryosong sabi niya habang nakasunod ang tingin kay Dino na masayang pinapakyaw ang mga tinda niya.

“Bakit si Dino? Why him?” tanong ko.

“Selos. Sinaksak niya si Dino. Tatlong araw mula ngayon magkakaroon ng Jail-break. I want you to look over for Dino. Hindi ka na niya muna sasaktan dahil uunahin na niya si Dino. Galit si J, Eryl. If he didn't get Dino. He will get you.” sabi niya sa akin habang inilihis ang tingin sa glass kung saan kitang-kita ang nasa labas. Napaisip tuloy ako.

Paano kung ako ang unang namatay noong gabi rito sa All Day? Edi hindi na manganganib ulit ang buhay ni Dino ngayon. Buhay ko ang iniligtas noon.  Buhay din ang kinukuha ng tadhana ngayon. Ito na ba yung bayad? Lahat nga siguro may consequence.

“Hindi ka ba nag-aaral?” I asked her. Umiling lang siya.

“Tapos na ako. Last year pa.” kaswal na sabi niya. Pero akala ko kaedad ko lang siya?

“Ilan ka na? Akala ko magkaedad lang tayo!” I asked with a hint of shock in.my voice.

“22 lang ako Eryl. Tyaka hindi mo talaga mahahalata dahil baby face ako.” humagikgik siya saka ko naman.siya pinanliitan ng mata.

“Nga pala. Makwento ko lang si Rhein Concordia, siya ang principal namin.” nakanguso kong kwento na siya naman ikinabigla rin niya.

“Yung may ari ng JuiceMeow?” tumango ako sa kanya.

“You didn't dream about that?” I asked. Umiling lang siya.

“Mga bagay na magiging highlight lang sa mangyayari simula nang pakielaman ko ang tadhana. Parang may kung ano sa sistema ko na nabago. Parang sinasabi na ng ability ko na. “You finally gave in to me.” ” Tumawa siya habang kinukwento sa akin iyon.

Napaisip naman ako. Bakit kaya nagkakaganoon? What does that mean?

Damsels 03: The Tale Of ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon