Eryl Jasmine Valencia
Sinulyapan ko ang lalaking sinasabi ni Dreane. May dogtag nga siya at mukha siyang wala sa sarili dahil sa lalim ng eyebags niya sa mata.
“Don't stare too much. He might get alarm.” mabilis kong inilihis ang tingin ko kay Dreane.
“Nagmamadali ka talaga siguro kanina.” ngumisi ako saka tinignang muli ang buhok niya na ang ilan ay halatang buhol-buhol pa na parang kakatayo lang niya sa kama.
“Huh?” takang tanong naman niya.
“Baliktad T-shirt mo.” bulong ko sa kanya.
Kaya agad siyang kumaripas papuntang banyo. Nasagi rin ng paningin ko ang lalaking nakachekerd na sumunod sa direksyong pinuntahan ni Dreane.
Mabilis siya kumilos pero naabutan ko siya kahit lakad takbo lang ang ginagawa ko. And there I caught that boy entered the comfort room for girls. Walang masyadong tao sa pasilyo which is dapat meron dahil juice bar ito. Diba dapat madalas umihi ang mga costumer non dito? O nataon lang na walang tao ngayon?
Pumasok na rin ako sa pangbabae nang may narinig akong...
BLAM!
Isang malakas na hampas kaya bumilis ang tibok ng puso ko at dhmiretso na sa loob.
“Dreane!” sigaw ko sa kanya at isang kalampag lang ang narinig ko sa bandang dulo ng cubicle.
Kaagad kong sinipa ang pintuan ng huling cubicle at doon ko nakita si Dreane kasama ang lalaking naka checkerd. Nakahawak ang kaliwang kamay niya sa bibig ni Dreane at ang kanang kamay niya naman ay nakapulupot sa bewang ni Dreane. Without any hesitation. Sinugod ko ang lalaki at hinawakan sa may kwelyo saka pinaulanan siya ng suntok. I am not uttering any word. Not expressing any emotions. But I have one goal. Ang suntuking ang lalaking nagtangkang manyakin si Dreane.
“Sir! Sir! Tama na po!” Sigaw ng isang lalaking nagtatangkang umawat sa akin kahit kulay lila na ang kaliwang mata ng lalaking kanina ko pa sinusuntok.
“Ako po ang manager ng JuiceMeow. Calm down sir. Please.” Tumayo ako na wala pa ring ekspresyong pinapakita sa lalaki. May kaliitan ito nakapolo siya at nakasalaming kuwadrado.
“Maria! Pakitulungan nga si sir...” napatingin siya sa sahig hudyat iyon ng pagtatanong niya kay boy checkerd saka dumating ang babaeng naka uniform na tinulungan si Chekerd.
“Robbie... R-robbie ang p-pangalan ko.” pautal-utal niyang sabi habang pinupunasan ang dugo na dumungis sa pangit niyang mukha.
“Can we proceed to my office Mr. Robbie and Mr.?” nagtaas ang dalawa niyang kilay. Tinatanong niya ang pangalan ko.
“Eryl ang pangalan ko.” Tumango lang siya at naglakad kasunod niya. Isang hagdan na may sampung baitang ang papunta sa opisina ng lalaking ito. Nasa likod ko rin si Dreane sumusunod dahil malaking parte siya ng insidenteng ito.
Binuksan niya ang pinto at bumungad sa amin ang isnag kwartong nagsisilbing pader ag mga bookshelves at mga libro. Mukhang by genre ang mga libro niya rito.
“You love books?” I asked to the manager. Nakaengraved ang pangalan ni Rhein sa salaming may bakal.
Rheinier Concordia
“Yes, and some of them are mine. By the way I am Rhein Concordia. Ang may ari ng JuiceMeow.” kaswal na sabi niya sa amin at pinagdikit niya ang dalawa niya ang mga kamay niya na wari mo'y magdadasal.
“Eryl, Why did you hit Robbie?” he asked.
“Because he'a trying to take advantage of her!” turo ko kay Dreane na lalong gumulo ang buhok dahil sa nangyari.
“You did, Mr.Robbie? ” Tanong ni Rhein kaya naman tumango si Robbie.
“Babae lang naman siya eh. Anong laban niya?” humalakhak si Robbie na umalingawngaw sa apat na sulok.ng silid na ito.
“Are you okay Mr. Robbie?” tanong ni Rhein sasagot na sana siya nang biglang may kumatok.
“NANDYAN NA SILA! NANDYAN NA.ANG MGA KALABAN! Para sa bayan lalaban ako HAHAHAHAHAHAHAH!” Wicked and mad. Iyan ang pwede kong ilarawan kay Robbie ngayon.
“I think we have to call to the police.” mahinahong sambit ni Rhein. Pulis? It will be better kung hospital ang tawagan niya.
“Don't wonder kung bakit pulis ang tatawagan ko.” Sabi ni Rhein nna ikinabigla ko. How does he know that---
“Are you a mind reader?” tanong ko. Pero umiling siya habang kausap ang mga pulis sa telepono.
Paliwanag mula sa nangyayari ngayon ang sinabi niyang detalye. Pagkalipas ilang minuto ay ibinaba na niya ang tawag. Kasabay non ang pagtingin niya kay Robbie ngayon. Sobrang tahimik ni Robbie ngayon na nakaupo lang. Weird naman ang change mood niya.
“Normal na iyon sa tao kapag natrigger mo ang memorya niyang iyon.” Prente siyang nakaupo ngayon sa upuan niya. Mukha siyang mayor habang kami naman ni Robbie ang nagkakabaranggayan dahil nag-away. Teka trigger?
“Do I really gave you the aura of that?” he asked.
“You really are not a mind reader?” Tanong na ikinangisi ko. Gusto kong malaman kung marami pang katulad ni Irene ang may ganoong kakayahan. That mind reading ability that I gave her. That ability disconnected us.
Umiling siya saka ako tinignan sa mata.
“I am not. I'm just observing things up kaya nakakapagconclude ako ng mga bagay na nasa isip ng isang tao.” ngumiti siya sa akin. “Why do you want to ask. You look eager that my answer would be “yes” ”he chuckled and I just looked at Dreane.
“Uh, Ikaw yung babae sa ilalim diba? You can testify to the police later. Kaya mo ba?” tanong ni Rhein kay Dreane na ikinatango lang nito.
“Nga pala, you say that natrigger? Bakit? Anong meron?” I asked.
“He looks like he was on a war before. Maybe kahit tapos na iyong gera na iyon ay ang ala-ala nito sa kanya ay nanatili sa puso niya.” para niyang iniscan si Robbie.
May kumatok ng tatlong beses at bumukas ang pinto. “Nandito na po ang mga pulis” sabi ng isang babae.
“Officer, ayan po si Robbie.” turo niya kay Robbie na nakatingin ng diretso sa mga pulis na kadarating lang. Tapos non ay tumayo siya sa may pintuan.
Parang kinukutuban ako ng masama.
“Sino ang sumuntok sa kanya?” the police asked so I raised my hand. Saktong pagkataas ko ng kamay ko ay bigla na lang hinablot ni Robbie ang baril saka itinutok sa ulo niya na ikinabigla naming lahat.
BINABASA MO ANG
Damsels 03: The Tale Of Butterfly
Ciencia FicciónThis is the Last book in Damsels. Sabi nila, You can't change the future because you haven't seen it. You can't change it because it is already written on the walls and no one can break the walls of destiny. What if I saw what destiny's planning to...