Dos

8 5 0
                                    

Gaze Montero

Hila-hila ko ang maleta ko habang hinahanap yung binigay na address ni Rain,ang sabi nya dun daw ako tutuloy pansamantala. Kanina pa rin ako tinitignan ng mga taga-dito na para bang ako na ata ang pinaka-tangang tao dito sa mundo para lumipat dito.

Huminto ako ng makita ko yung "RS 501" sa may gate. Eto na siguro yun pumasok ako sa loob,hanggang balikat lang ang taas ng gate at ilang lakaran lang ay mararating na ang main door ng bahay. Dalawang palapag lang ang bahay at simple lang ang estilo sakto lang eto sa pang-isahan o pang-dalawahang tao.

Pumasok  na ko sa loob at agad na ni-lock ang pintuan. Nilibot ko ang kabuuan ng bahay,medyo malawak ang sala at may 32 inch na flat screen tv sa sentro nito. Ilang lakad lang ay mararating na ang kusina. Sunod kong pinuntahan ay ang second floor habang hila-hila ang maleta, tama nga ako isa o dalawang tao lang ang pwedeng tumira dito. Dalawang kwarto lang ang meron dito sa bahay na toh.

Pumasok ako sa isa sa mga kwarto at nilagay sa gilit ang maleta saka pabagsak na humiga sa kama. Ah nakakapagod ang araw na toh,bukas ko na lang siguro puntahan yung university na papasukan ko sa susunod na mga araw. Ipipikit ko na sana ang mata ko ng tumunog yung cellphone ko. I sigh before answering the call.

"Oh bakit?"

"(Anong bakit? Nandyan ka na?)"tanong ni Dada sa kabilang linya

"Kararating ko lang"

"(Thank God)"mahinang sabi nya

Kunmunot naman ang noo ko dahil sa reaksyon nya OA talaga ng babaeng toh.

"Anyway yung mga gamit na sinabi ko sayo kelan ko makukuha?"tukoy ko sa mga gagamitin para sa misyon.

"(Hmm.. 2 days pa makakarating dito sa Agency tapos syempre di naman namin agad mapapadala dyan sayo agad-agad kasi busy kami,So expect mo na lang na apat o limang araw pa ang hihintayin mo.)"

"What? Hoy Dada baka nakakalimutan mo this our main misyon"inis kong sabi

"(Hoy ka rin babaita baka rin nakakalimutan mo na ikaw lang ang gagawa ng misyon na yun)"sigaw nyang sabi kaya na-ilayo ko yung cellphone sa tenga ko.

Ngumiwi ako ang tinis ng boses nya kahit kelan.

"Pag ako di nyo tinulungan mumultuhin ko kayo isa-isa"pananakot ko sa kanya

"(Don't me Gaze alam mong di ako naniniwala dyan)"

"Yeah right"

"(Sige na,chineck ko lang talaga kung buhay ka pa. Babush)"

"Aba't--"

Makaka-ganti rin ako pagkatapos ng misyon na toh,just wait pandak sisiguruhin ko na bwi-bwisitin ka ni Jack ng husto pag naka-balik na ko.

I sigh before closing my eyes and the darkness eat my surroundings.

I crossed my legs and roamed my eyes on every corner of this room. Ganito na lang ba lagi ang mangyayari sakin? Laging maghihintay? Nakaka-asar ganito ba katagal ang proseso dito sa university na to?

"Ms. Montero. I'm sorry for the wait we're just having a little trouble but rest assured that you'll be a student here starting this day"paliwanag nito at ngumite sakin
Ngumite rin ako more like ngiwi dahil kanina pa ko bagot na bagot sa loob ng kwartong toh,ang dilim-dilim pa. Kina-carreer talaga nila ang pagiging bampira nila ha.

"Anyway,thank you for enrolling here at our school. Eto nga pala ang susi ng locker mo nandun na rin ang aklat at school uniform na gagamitin mo"

"Thank you" sabi ko at yumuko sabay kinuha sa kamay nya ang susi

Abudcted By A VampireWhere stories live. Discover now