Ilang oras na ba akong nakatayo sa harap ng gate na to? Gaano ba sya katagal maligo at magbihis? Marahas akong napabuga ng hangin at nagpasyang umalis na ng sa wakas ay bumukas na ang gate at lumabas ang dark blue na kotse.
Ini-labas nya ang ulo nya sa bintana."Bilisan mo late na tayo!" sigaw nya sakin. Napairap ako sa hangin sya pa talagang may ganang sabihan ako nyan eh sya nga yung may kasalanan kung bakit late na naman kami. Inis akong pumasok sa passenger seat at tinignan sya ng masama.
"Ang bagal mo talaga" inis kong sabi nginitian nya lang ako at saka pinaandar ang sasakyan ng mabilis. Dapat lang dahil kung hindi malilintikan na naman kami.
"Tigilan mo nga yang kakabusangot mo,mamaya di na bumalik sa dati yan"pang-aasar nya sakin
"Sino ba naman kasi ang matutuwa kung late na naman tayo. Gosh ate isang oras at kalahati kang tumambay sa banyo" inis na sabi ni Joanne sa likod tumawa lang si Danice sa sinabi ng kapatid nya. At mas binilisan pa ang pagpapatakbo sa kotse,hanggang sa pumasok ang sasakyan sa underground papuntang secret base ng Trifias.
*BEEP*BEEP*
Napatingin kami sa may kanan at isang pulang kotse ang na sa gilid namin,sumimangot agad ang muka ni Dada (Danice's nickname) ng makilala kung sino ang driver nito.
"Wazuup!" Ngiting bati nito samin kaya ngumiti rin kaming dalawa ni Joanne
"Hi Kuene" ganting bati ni Joanne na halatang inaasar ang ate nya
"Tsk"
Binilisan ng husto ni Dada ang pagpapatakbo pero sinasabayan sya ni Kuene,maghilig sa karera ang lalaking yan.
Narinig pa naming tumawa ito ng malakas at inungusan na kami, napailing na lang ako dahil sa ginawa ng ulopong na yun mas lalong nabwesit itong driver namin.
"Bwesit" sabay hampas sa manibela
Nakita ko sa rearview mirror ang pag-sign of the cruz ni Joanne at sinabing
"May our soul rest in peace,forevah!"
Binato ko naman ito ng kumpol na tissue sa muka.puro kalokohan. Huminto ang kotse sa tapat ng itim at mataas na gate,bumaba agad ako at itinapat ang scanner sa mata ko.
"Welcome back, Agent Star"bati ng machine sa akin Star is my codename hindi ko na pinalayo sa panggalan ko. Gaze Montero is my name.
Kusang bumukas ang gate at nilakad ko na lang papasok sa loob nakita ko agad ang sasakyan ni Kuene pero wala na sya sa loob. Saka lang pumasok sa isip ko deypsheyt late na nga pala kami. Mabilis pa sa aso akong tumakbo papasok ng elevator at pinindot ang 8 button. Nakita ko ring nagmamadali na yung dalawa.
"Bruha antayin mo kami"sigaw ni Dada
"No way! Ayoko ng magkapasa ulit ng dahil sayo lagi akong nagkakaroon nun"ganting sigaw ko at ngumiti ng matamis saka sumara ang elevator.
Nakahinga ako ng maluwag ng wala pang isang minuto ay na sa 8 floor na ko. Lumabas na ko ng elavator at bumungad sakin si Risk na nakataas ang paa sa lamesa nya habang nanunuod na naman ng may kinalaman sa Japanese, habang si Thunder ay prenteng nakaupo sa couch at umiinom ng kape. Si Rain naman busy sa kaka-type sa pinaka-mamahal nyang laptop.
"Wala pa sya?" Tanong ko sa kanila habang papunta sa lamesa ko
"Na sa 10th floor may inaasikaso"sagot ni Rain
Napatango ako at pabagsak na umupo sa swivel chair buti nandun sya.
"Yung dalawa?" Tanong ni Risk ng hindi tumitingin sakin nakatutok kasi yung mata nya sa cellphone nya