Gaze Montero
Days,Weeks and Months has passed pero hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang mga salitang sinabi ng mga lalaking yun.
Nang dahil dun ay may nabuong katanungan sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaunting takot nang banggitin nilang mamakatulong ako. Hindi ko gusto ang ibig sabihin nun.
Ilang buwan na ring di na nagpakita si Trojer hindi ko alam kung bakit. At isa pa sa pinagtataka ko natigil ang mga balita tungkol sa nawawalang dalagang babae. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga pagbabagong nangyayari ngayon lalo na sa university.
Hiniwalay nila ang mga tao sa mga bampira at lobo. Kung dati magka-kasama pa sa isang klase ang lahat ng uri ngayon ay nakahiwalay na kami sa mga ito.
At madalas ko na ring nararamdaman na may nagmamatyag sakin,oo nga't dati pa nila akong minamanmanan. Pero iba ito sa una dahil pakiramdam ko binibigyan nila ako ng proteksyon.Simula sa pag-alis ko ng bahay hanggang sa pag-uwi galing ng university. It's creeping me out.
Tahimik lang akong naka-upo sa kama habang nakatutok sa laptop. Hindi pa rin nila ito nakikita pero habang tumatagal wala naman akong napapala sa mga device na toh. Puro tsismis ang nasasagap ko, imagine mga lalaki pa ang nagtsi-tsismisan bilog nga talaga ang mundo mga kababayan.
Dahil sa bagot ay sinara ko na lang ang laptop,at humiga sa kama. Mahigit limang buwan na ko dito at isang malaking himala ng walang nsngyari sakin yun ang sabi ni Dada. Linggo-linggo akong tumatawag sa kanila para makibalita at maka-pagkwentuhan kama.
Minsan kapag tumatawag ako isa sa mga naging deskusyon namin ay kung kelan ako babalik ng Panagia. At palaging humahantong sa sigawan at sapakan ang nangyayare dahil pinipilit ni Dada na pabalikin na ko sa Trifias. Gustuhin ko mang bumalik paniguradong pababalikin din nila ulit ako dito sa Satorias.
At kapag bumalik ako sa Trifias na di tapos ang misyon ko ay isa yung malaking kahihiyan. Hindi ako ganung klaseng tao,hindi ko tinatakbuhan ang mga misyong tinatanggap ko. Mas gugustuhin ko pang mamatay habang nakiki-paglaban kesa tumakbo na parang isang duwag.
' You sweet talk me again, yo
I don't wanna be friends, no
Why am I such a fool when it comes to you?
A, B, C, D, E, F.U.'Umupo ako ng kama ng tumunog ang phone ringtone ko. Kinuha ko yung phone ko sa side table at sinagot ang tawag.
"(PANAGUTAN MO KOOOO. TAENAA. T-TEKA BITAWAN MO YAN. HAYP KAA)"
Agad kong nailayo ang cellphone sa tenga ko,dahil pakiramdam ko nabasag eardrums ko sa pag-sigaw nya.
"Hello?"
"(Punyetaaa Jack isagad mo!.. Sagad na sagad na nga eh)"napasinghap ako sa narinig ko. Anak ng tokwaa! Nawala lang ako gumagawa na sila ng kababalaghan.
"Ho'y Danice Anne Perez anong kababuyan yang ginagawa nyo ni Jack"
"(Papatayin talaga kitaaa. Bilisan mo ng matapos na.. Ba't ba atat na atat ka wala ka namang lakad)"
Aba't mga damuhong toh di man lang ako pinapansin,di ba nila alam na kausap nila ako.
"HOY JACK! DANICE ANONG GINAGAWA NYONG DALAWA?"
"(Sheeyt Gaze tumahimik ka di maabot ni bulldog)"
"ANO? ANONG DI MAABOT"
"(Ang hirap taena.Pinag-papawisan na ko oh )"
