Gaze Montero
Tama talaga ang hinala kong magkakapasa ako kaya long sleeve ang suot ko ngayon kahit sobrang init. Jusme naka aircon naman kami pero tagaktak parin ang pawis ko. At sobrang sakeeet ng buong katawan ko especially yung likod ko dahil sa pagtama ko sa puno kagabi.
Kulang din tulog ko dahil sa letseng likod ko,hindi ako komportableng matulog nang nakadapa kaya naman nadagdagan na naman si eye bags.
I sighed. Tamad kong sinusundan ng tingin yung kamay ng orasan na naka-kabit sa itaas ng white board. Absent pa yung damuhong Trojer,pero okay lang atleast hindi ako masyadong makaka-galaw. Pati ngayong araw talaga ay tinamaan ako ng malas, period of the month ko ngayon kaya mas trip ko talagang umupo na lang dito kahit magdamag pa yan.
Tumunog na ang bell hudyat ng break time na, hindi agad ako tumayo dahil parang di ko kakayanin dahil sa nara-ramdaman ko. Damn makaka-ganti din ako sayo bubwit. Lintek lang ang walang ganti. Madiin kong ipinikit ang mga mata ko at pilit na ininda ang sakit ng likod at puson ko.
Hindi ako OA kung yung iba hindi sumasakit yung puson nila pag-meron sila pwes ibahin mo ko. Kung iku-kumpara ko ang kurot sa singit ni Danice sakin mas masakit pa rin talaga ang sakit ng puson ko.
Yung tipong mamimilipit ka sa sakit kulang na lang yung posisyon mo ay katulad ng isang fetus baby na nakabaliktot.
"Sheeeyt!" Mahinang daing ko bongga talaga ang combination ng menstruation at ng body aches na akala mo sinusunog ang katawan ko. This is the best day evaaaah (note the sarcasm please)
Tahimik na ang buong classroom dahil alam kong ako na lang ang nandidito ngayon. Napangiwi ako ng kumirot ang puson ko at tagiliran ng sabay. Faaak ang sakeet. Torture ito. Sinusumpa ko talaga ang araw na to at sisiguraduhin ko na makakaganti ako sayo bubwit. Walang-wala yung mga sugat na natamo ko dati sa nararamdaman ko ngayon.
Suddenly biglang lumamig yung buong room. Ahh pumasok pala sya. Naramdaman ko ang pag-upo nya sa tabi ko dahil dun na amoy ko na naman ang panlalaki nyang amoy. Ipinilig ko ang ulo ko para makita ko sya. Binuksan ko ang mga mata ko at nahuli ko syang nakatingin sakin habang nakakunot na naman ang noo nya.
"G-gusto kong umuwi"mahina at nauutal na sabi ko at ang gago tinaasan lang ako ng kilay nya na para bang sinasabi nyang 'pake alam ko'
"Pahatid sa bahay" sabi ko sa mahinang boses,dama ko ang lamya at sakit sa boses ko
"Then why are you here?"
"Uhh for attendance?"balik kong tanong. Nakita ko ang pag-iling nya at saka napabuntong hininga bago tumayo sa kina-uupuan nya nya at walang sabing binuhat ako,buti na lang at hindi katulad ng nakaraan ang ginawa nya dahil kung binuhat nya talaga ako na parang sako iipunin ko talaga lahat ng lakas na natitira sakin masuntok lang sya.
Isiniksik ko pa ang muka ko sa dibdib nya dahil sa nakaka-adik nyang amoy. I sighed heavenly. Pansin ko ang pagbu-bulungan ng mga bubuyog sa gilid,paniguradong marami-rami na naman akong matatanggap na "lableterss" nito. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hinayaang dalawin ng antok,saka ko na lang iisipin kung ano ang mangyayari sa susunod.
****
Nagising ako na magaan na ang pakiramdam ko. Pansin ko rin na nasa kwarto ako,panu nya nalamang dito ako nakatira? Oh well, babangon na sana ako ng kama ng mapansin kong iba na ang damit ko. Natigilan ako at tinitigan ang damit na suot ko ngayon,kinapa-kapa ko pa ang dibdib ko at ang katawan ko."OHMYGHAAAAAAAAD!!!"
"WHAT THE HELL! S-SINONG NAG-BIHIS SAKIN? AT.... AT.... JUSKOOOOO ANG DANGAAAAL KO"ngawa ko habang yakap-yakap ang katawan ko