Gaze Montero
Magdamag akong gising dahil sa nangyari kagabi. Nang mga sandaling yun alam kong hindi na ako ligtas,marahas akong napahilamos ng muka gamit ang mga palad ko.
"Gaze let's go" rinig kong sabi ni Rain sa may pintuan. Inangat ko lang tingin ko sa kanya at kita ko ang gulat sa mga mata nya.
"What the hell? Bakit ganyan ang mata mo?"
"Pake mo"asar kong sabi
I'm pretty sure na ang laki ng eyebags ko at medyo namumula ang mga mata ko. Damn it, hahanapin ko talaga ang gagong yun,kasalanan nya kung bakit ganito ako ngayon.
"Di na ko sasama kaw na lang"tamad kong sabi kay Rain saka bumalik sa pagkakahiga
"Ano pa nga ba,matulog ka bangag" hindi ko na pinansin ang sinabi nya dahil totoo naman yun. Narinig ko ang pagsara ng pintuan ng kwarto ko bumuntong hininga ako saka ipinatong ko ang braso ko sa noo ko,inaantok talaga ako pero di ko kayang ipikit ang mga mata ko dahil kada pikit ko ay nakikita ko ang mata ng lalaking yun kagabi.
Ako na ba talaga ang susunod? Bumangon ulit ako at dali-daling pumasok sa banyo,hinubad ko lahat ng damit ko at binuksan ang shower. Hinayaan kong nakatali ang buhok ko habang tumutulo ang malamig na tubig galing sa shower. Isinandal ko ang noo ko sa pader at mariing napapikit. Sa pagpikit ko ay nakita ko na naman ang pares na mga matang nakatingin sakin. Kulay pula ang mata nito at mah halong ginto sa gitna,my breath hitched ramdam ko ang pagkaka-kilanlan ng mga matang yun habang nakatingin sakin.
Isang tao lang ang pumapasok sa isip ko sa tuwing naaalala ko ang mga matang yun. Those familiarity in his eyes the way he stares, I know it's him. Binuksan ko ang mga mata ko at sinimulang sabunin ang buong katawan ko pagkatapos ay binanlawan ang sarili. Binalot ko ang twalya sa katawan ko bago lumabas ng banyo dumeretso agad sa closet at pumili ng ng susuotin saka nagbihis.
Nang matapos ay umupo ako sa kama at nakatitig lang sa pader. Gusto kong kumilos pero pakiramdam ko may pumipigil sakin. Gumulong-gulong ako sa kama na parang bata,huminto din ako pagkatapos ng ilang minuto dahil nahihilo ako sa ginawa ko. I'm bored,pinalobo ko ang pisnge ko ng paulit-ulit sabay tutusukin ang magkabilang pisnge.
Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto at napahinto ang tingin ko sa orasan na nakalagay sa side table. Nanlaki ang mata ko ng makitang ala-una na ng hapon,sheeeyt ganun ba ko ka-bangag at di man lang namalayan na may araw na.
Tumayo ako at nagma-madaling tumakbo palabas ng kwarto na sa may hagdan na ako ng maamoy ko ang pamilyar na pabango na ilang buwan ko ng hindi naaamoy. Nahigit ko ang hininga ko ng mapansin ang isang lalaking prenteng naka-upo sa sofa. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at lumapit sa kanya,nilingon nya ako na may ngise sa kanyang mga labi. Bigla akong kinabahan kusang umatras ang mga paa ko pagka-kita ko sa ngise nya. Pero balewala ang ginawa kong pag-atras dahil wala pang isang segundo ay na sa harap ko na sya at isang dangkal na lang ang layo ng muka namin sa isa't-isa.
"You're coming with me"bulong nya na syamg nagpagulo sa sistema ko.
"W-what?"
"Whether you like it or not" marahas nyang hinawakan ang kamay ko at dun na ko na alarma,pinihit ko ang kamay ko para makawala sa pagkaka-hawak nya pero sadyang mahigpit ang pagkaka-hawak nya sa kamay ko. Sisipain ko sana ang tuhod nya ng iniwas nya yun,tinignan nya ko ng masama habang kagat-kagat nya ang labi nya. Napalunok ako dahil sa ginawa nya.
"Don't even try" sabi nya at basta na lang akong binuhat katulad ng pagbuhat nya sakin dati limang buwan ng nakakaraan. Malakas kong pinag-susuntok ang likod nya pero parang epekto yun sa kanya.