Narrator's P.O.V
"Such a cryaby" sabi nang binata sabay umiling-iling.
Natigilan ang dalaga ng makitang palapit sa kanya ang binatang Abrantes. Halata sa muka nito na tuwang-tuwa ito sa sitwasyon nya ngayon. Napapikit sya sa inis,sa lahat ba naman ng pweding makakita sa kanya sa sitwasyong ito ay ang damuhong Abrantes.
'Hustisya!' Sigaw ng dalaga sa kanyang isipan.
Tuluyan na itong nakalapit ng wala man lang pakialam sa mga palakang nakakalat sa sahig at walang pasabing binuhat sya na parang sako.
Napatili sya sa ginawa nito,hinampas nya ang likuran ng lalaki ng malakas. Dahil pakiramdam niya masusuka sya ng wala sa oras sa ginawang pagbuhat nito sa kanya.
"Muka ba akong bigas ha? Inform mo naman ako kung may balak kang buhatin ako"inis na sabi nya at hinampas ulit ang likuran nito.
"You're welcome" maikling sagot nito sa paos na boses.
Uminit ang kanyang pisnge. Naamoy nya ang panlalaki nitong pabango na syang nagpadagdag ng pamumula ng kanyang pisnge.
'Ang bango sheeyt.' sabi ng isang parte ng kanyang isipan.
'Wag mong amuyin ng husto ma-uulol ka' sabi ni Cerebellum
'Ang yummy ng likod' singit ni Cerebrum
'Laswa ng mga toh' singit rin ni Brain Stem
'Shh.. ano ba nag-eenjoy pa ko" saway ng dalaga sa tatlong epal na parte ng utak ko.
Nakahinga ng maluwag ang dalaga ng makalabas sila sa locker room ng mga babae. Ibinaba na rin sya agad ng binata.
Lihim na napanguso ang dalaga dahil dito.
'Eih gusto ko pa dun'
Tinitigan sya ng maigi nang binata,umiwas sya ng tingin dahil pakiramdam nya ay nanlalambot ang mga tuhod nya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.
Peke syang umubo.
"Salamat" sabi ng dalaga at yumuko ng kaunti. Dali-dali syang tumalikod sa binata at lumakad ng mabilis at hindi na ito nilingon pa.
Napangisi ang binata sa inasta ng dalaga. Ramdam nya kung paano sya pasimpleng inamoy ng dalaga kanina habang buhat niya ito. At nakita nya rin ang pag-nguso nito ng ibinaba nya ang dalaga. Napapa-iling sya sa tuwing naaalala ang reaksyon nito kanina.
"Crazy"
Nakauwi ng maayos si Gaze sa bahay niya at nagma-madalaing umakyat sa pangalawang palapag para kunin ang mga gamit na kakailanganin nya. Nung nakaraang araw pa dumating ang mga ito pero di nya agad napag-tuunan ng pansin dahil sa kakasunod nya kay "damuhong Trojer". Oo sinusundan nya dahil nagbaba-sakaling baka may makuha syang impormasyon, pero sa kasamaang palad kahit katiting na impormasyon man lang ay wala syang nakuha.
Napabuntong-hininga sya saka umangat ang tingin sa orasan na naka-dikit sa pader.
'6:47 na pala'