Prologue

13 4 0
                                    

Malalim na ang gabi.

Bilog na bilog ang buwan at walang mga bituin.

Napabuntong hininga ako at pumasok na sa loob ng kwarto isasara ko na sana ang sliding door ng makarinig ako ng kaluskos galing sa speaker ko sa gilid nang kama. Tinignan ko agad ang gubat medyo malayo ito sa bahay pero kitang-kita ito pag-nakatayo ako sa terrace. Nagsisimula na naman sila paniguradong may hindi na namang magandang balita bukas tsk.

Tuluyan ko ng isinara ang pinto sunod kong sinara ay ang kurtina pero natigilan ako ng mapansing may bulto ng tao na nakatayo sa labas ng terrace,ang mga pulang mata nito na may kahalong ginto sa pinaka-sentro ng kanyang mga mata ang nakatingin sakin.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa paraan ng pagtingin nya sa akin, nagsimula ng manginig ang mga tuhod ko pero hindi pa ko tuluyang bumabagsak.

Hindi ko makita ang muka nito dahil nakatalikod sya sa buwan. Isang maharlikang bampira ang na sa labas ng terrace ko ang mga mata na nya mismo ang patunay nito.

"This can't be" bulong na sabi ko sa aking sarili

Ito ang unang beses na may pumunta sa bahay ko. Ako na ba ang susunod o nabisto na nila ako?

"You're next" malalim,malamig at nakaka-takot ang boses nito na syang naging dahilan ng pag-upo ko.

Tumayo ang mga balahibo ko braso at batok sa narinig,kumurap ako ng dalawang beses at sa pagmulat ko ay wala na ang lalaki sa teresa.

Bloodsuckers!

°°°°°°°°°°°°°°°°

-PatBingChuu

Abudcted By A VampireWhere stories live. Discover now