"Oooofff!" Nabigla ako nang may nakabangga ako habang nagmamadaling tumakbo papunta sa classroom. Akala mo may shooting ng isang action film. Pawang naging isang minuto ang pagkakahulog ko patalikod. Sinusubukan kong balansehin ang katawan ko. Napapikit na lamang ako at sinubukang ihanda ang aking sarili dahil lalanding na ako sa sahig. Pagkadilat ko, isang pares ng asul na mga mata ang nakatitig sa akin. Ang mga mukha namin ay napakalapit sa isa't-isa.
"Uhm, okay ka lang?"
Hindi ako tuluyang nahulog sa sahig dahil nasalo niya ako. Ramdam ko ang init na umakyat papunta sa aking mukha nang matauhan ako sa aming posisyon.
"Ah, okay lang." Sagot ko sa kanya habang tinukod ko ang isa kong kamay para makatayo. Tinignan ko ang paligid upang makasigurong walang nakakita sa eksenang nangyari. Nakahinga ako nang maluwag dahil walang tao sa may hallway sa ngayon.
"Salamat." Sabi ko sa kanya habang inaayos ko ang uniporme ko.
"Sa susunod mag-iingat ka." Wika ng lalaki habang naglalakad na papalayo sa akin. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay na pawang nagpapaalam.
Saglit kong pang pinagmasdan ang lalaking iyon. Napaisip ako kung sino siya dahil hindi ko pa siya nakikita sa eskwelahan. Napatingin ako sa aking relo at nagpanic. Malelate na nga pala ako. Kailangan ko na magmadali. Bakit kasi ang layo ng building C sa building E?
Oo nga pala, ako si Ezra Santibañez. 17 years old. Grade 12 sa South Eleanor Academy. Ako lang naman ang 2 year Chairman ng High School Student Council, consistent with Highest Honors, and the current Vice President ng HS Classics.
Napahawak ako sa magkabilang gilid ng pintuan namin sa classroom nang makarating ako. Hinahabol ko ang hininga ko.
"Bessie! Hinabol ka ba ng aso? You're a mess!" Wika ni Pearl sabay abot ng facial tissue sa akin.
Pearl Ricaforte, 18 y/o, grade 12. My best friend since the world began. Drama Club President. Pareho kaming ABM Strand ang kinuhuka.
"Feeling ko kasi malelate na ako. Sabi ng relo ko 10:51 na." Sagot ko habang pinupunasan ang mukha ko."
"You're always 10 minutes earlier in whatever you do Ezra. Your watch is 10 minutes early so you're not yet late." Natatawang sinabi ni Pearl sa akin
Umupo na kami ni Pearl sa mga upuan namin. Yumuko at ipinatong ko muna ang aking noo sa lamesa.
"It's only been 2 weeks since the school started. Stressed na stressed ka na." Sabi ni Pearl.
"Best, baka nalimutan mo na ako si Wonder Woman." Sagot ko kay Pearl habang nakayuko pa rin.
"Even Wonder Woman needs some rest."
Nagsipasukan na ang iba naming mga kaklase maya-maya lamang at unti-unting umiingay ang aming classroom.
May kumalabit sa aking kanang bakikat. Pagkalingon ko, nakita ko si Pearl na kausap ang kanyang katabi. "Pearl ikaw ba yung kumalabit sa akin?"
"Malamang multo iyon." Inikot niya ang kanyang mga mata at ngumisi.
Pagkalingon ko naman sa aking kaliwa ay nakaharap ko si Patrick. Napakalapit na ng mga mukha namin.
"Good morning, beautiful." Hinalikan niya ako ng mabilis sa aking labi.
Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya.
"A-a-a-aray!!!"
Patrick Reynan Torres, 18 y/o. Ang Knight in Shining Armor ko. President of HS Classics. Consistent with Highest Honors din.
"Deserve mo yan." Nginitian ko siya at ngumiti na lang din siya sa akin.
Dumating na si Sir Kristoff, ang aming Accountancy teacher. Pumasok din si Ms. Jenny na mula sa Admissions Office.
BINABASA MO ANG
Breach of Contract
Teen FictionNagbabalik ang tambalang Patrick Reynan Torres at Ezra Santbañez. Ano ang mga nakahaing pagsubok ang kanilang haharapin? Malalampasan ba nila ito o masisira ba ang kontratang kanilang pinanghahawakan. Subaybayan ang kanilang kwento sa Breach of Cont...