Ezra Santibañez's POV
Half day lang ang mga klase ngayong araw na ito. Kailangan itayo at ihanda na ang mga booth ng bawat lumahok sa 1st South Eleanor Academy Festival. Ramdam na ramdam ko na ang kaba at excitement.
Una kong pinuntahan ang pwesto ng Astronomy Club. Sineset-up na ang Stardome na gagamitin para bukas.
"Ate Ezra, buti na lang talaga nabigyan pa rin tayo ng pwesto." Saad ni Joy.
"Hindi ko rin naman pababayaan ang Astronomy Club." Ngumiti ako sa kanya.
Inabutan ako ni Joy ng dalawang ticket para sa Star dome. "May tig-dalawang complimentary tickets ang mga members para sa star dome. Nakadiscount naman tayo sa renta nun dahil sa tito ni Kiko."
"Hi Ate Ezra!" Bati ni Gelyn sa akin. "Mukhang busy na busy ka ha."
"Medyo na lang ngayon kumpara sa mga nakaraang araw. Sana lang hindi magkaroon ng malaking problema dito sa Festival. Maraming oras ang ginugol ng mga estudyante para dito."
"Oo nga po eh. Sana maging memorable itong festival na ito lalo na sa inyo."
"Salamat Gelyn. Oh, maiwan ko muna kayo ha. Itext o tawagan niyo na lang ako kapag may kailangan kayo."
Sa may bandang gitna ang booth ng HS Classics. Wala naman masyadong kailangan gawin sa booth ngayon pero ngsisimula na kaming tumanggap ng mga request. Umupo ako sa tabi ni Patrick upang tignan ang mga nagpalista. "Andami na palang nag-request."
"Oo nga eh." Sagot ni Patrick.
"Kanino mo nga pala ibibigay ang ticket mo sa Star dome?"
"Sa iyo dapat. Pero alam kong may ticket ka na eh."
"Pwede mo naman sa akin ibigay. Para sabay tayong manood. Ibibigay ko na lang yjng akin kay Larry. Alam kong kakailangan niya iyon."
Hinawakan ni Patrick ang kamay ko at sinabing. "Will you watch the stars with me tomorrow?"
"Oo naman." Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa labi.
"Ehem."
Lumingon kaming dalawa at nakita namin sina Randolph, Louie at Carlo. "Kissing booth ba ang trip ng Classics?"
Nagtinginan lang kami ni Patrick at tumawa.
"Napadaan kayo dito?"
"Magpapalista sana ako eh." Saad ni Carlo
"Ako rin." Dagdag ni Randolph "Si Loiue para daw kay Shakira."
"Shakira? Sino iyon?" Tanong ko sa kanila.
Nagtawanan sila maliban kay Louie. "Huwag mo silang intindihin. Loko loko talaga ang mga iyan."
"Ezra, we're 100% sure magugulat ka kapag nakilala mo ang girlfriend ni Louie." Inakbayan ni Carlo si Loiue. "Di ba ipapakilala mo bukas kay Ezra si Shakira?"
"Actually, nameet mo na siya dati. Hindi mo lang alam na si Shakira na iyon." Wika ni Randolph.
"Hay naku, umalis na nga kayo dito. Magkita na lang tayo mamaya para sa praktis." Pinaalis na ni Patrick ang tatlo matapos silang magpalista.
"Pat, iikot pa ako ng grounds eh. Kailangan ko pa icheck ang iba. Baka may kailangan pa."
"Sige, mag-ikot ka na. May last praktis din kami para sa performance namin sa stage bukas."
Oo nga pala, ang Light Music Club nga pala ay tutugtog sa stage para sa festival.
"Basta bukas ha, yung sa star dome." Dinampi ni Patrick ang labi niya sa akin kamay.
Nagpaalam na ako sa kanya at umikot sa SEA grounds. Nakita ko si Pearl na tila pauwi na.
"Pearl, uuwi ka na?"
"Oo after ng last practice nila sa LMC. Magdidinner kami ni Carlo sa bahay eh. Nagtext siya na malapit na silang matapos."
"Ah, sige. Aantayin ko pa rin naman matapos ang mga gagawin ngayong araw na ito kaya mukhang gagabihin ulit ako."
"Baka malowbat ka na naman ha. O ihahatid ka ulit?"
"Ni Kenji? Sabi sa iyo nagkataon lang iyon nung ginabi ako. At saka..."
"At saka?"
"Malabo naman na magkagusto iyon sa akin."
"Anong malabo? Hay naku Ezra."
"Malabo na magkagusto ako sa kanya. Kilala mo ako Pearl. Hindi ko magagawang iwan si Patrick."
"Dahil sa arrangement?"
"Pearl naman," nagulat ako sa sinabi ni Pearl. "Parang wala kang tiwala sa best friend mo."
"Concerned lang ako sa'yo at kay Patrick."
"Salamat Pearl." Niyakap ko siya. "Baka magpadala na ng search and rescue si Carlo. Puntahan mo na siya."
Nagpaalam na ako kay Pearl at nagpatuloy sa pag-ikot sa grounds.
BINABASA MO ANG
Breach of Contract
Novela JuvenilNagbabalik ang tambalang Patrick Reynan Torres at Ezra Santbañez. Ano ang mga nakahaing pagsubok ang kanilang haharapin? Malalampasan ba nila ito o masisira ba ang kontratang kanilang pinanghahawakan. Subaybayan ang kanilang kwento sa Breach of Cont...