Ezra Santibañez's POV
Ilang araw na lamang ay magsisimula na ang 2-day SEA Festival. Abalang-abala ang mga council members, volunteers at mga clubs na makikilahok.
"Ate Ezra, full na po lahat ng booths natin. May ilang clubs pa na sasali." Saad ni Cielo.
"Eh kung iextend natin dito banda sa may East?" Itinuturo ni Larry ang bakanteng parte sa gilid ng grounds.
"Ilan pa ba ang sasali?" Tanong ko kay Cielo.
"Bale 3 na lang." Sagot ni Cielo. Chineck niya ang mga proposals ng mga grupo. "Yung basketball varsity balak nila gumawa ng shooting booth. Ang Literature Club naman, framed Calligraphy notes ang inooffer. At yung Astronomy Club nahuli sa pagsecure ng slot."
"Ha? Hindi ba sabay na ipinasa ni Patrick ang sa Astronomy Club at HS Classics?" Kinuha ko ang proposal ng Astronomy Club. "O sige Cielo, yung bakanteng gilid lagayan din natin ng booths. Dalawang slots lang ang kasya doon. Ilagay mo ang Basketball Club at Literature Club doon."
Nagsimulang magsketch si Cielo sa mayy parteng East side habang tinignan ko ang kabuuang grounds layout ng festival. Punung-puno na ito. Ngunit may nakita akong lugar sa may West side na maaring lagyan pa ng booth at itinuro ito kay Cielo. "Dito, pwede nating ilagay ang Astronomy Club."
Tumango si Cielo at nagsimula nang magsketch sa may West side.
"Larry, Mervick, kumusta yung mga ginagawa ng volunteers natin?"
"Bale ready na lahat ng tarpaulin, at mga posters malapit nang matapos ng mga volunteers." Sagot ni Larry. "Buti na lang artistic ang mga nakuhang volunteers ni Mervick."
"Ako pa ba pagdududahan mo? I have a good pair of eyes."
"You mean you always hit on the good looking guys." Kantsaw ni Larry sa kanya.
"Excuse me. Lapitin lang talaga ako ng mga good looking guys no! Especially the cute Mr. Japanese guy."
"Kahit maubos ang mga babae sa SEA, hindi lalapit sa iyo si Kenji." Pang-aasar ni Larry.
"Che!" Umalis si Mervick at pumunta sa kabilang room kung saan nagtratrabaho ang mga volunteers.
Kinalabit ko si Larry na nakatingin sa pintuang pinasukan ni Mervick. "May gusto ka kay Mervick, ano?"
"Sa palagay mo bakla ako?" Tumindig ng matikas si Larry. "Huwag kang ganyan Ezra, baka mahalikan kita."
"Wow." Nagulat ako sa sinabi ni Larry. "Pero, hindi naman sa pinagdududahan kita, o ano. Iba kasi ang asta mo kapag si Mervick ang kausap mo.
"Baka namamalik mata ka lang." Sagot ni Larry sa akin habang inaayos niya ang ilang mga gamit sa lamesa.
Nagkibitbalikat ako at sinabing, "Siguro nga." Iniwan ko si Larry at pumunta sa silid kung saan nagpipinta ang mga volunteers.
"Ezra, okay ba ang mga gawa ng volunteers natin?" Nakangiting sinabi ni Mervick.
"Malapit na palang matapos ang mga ito." Wika ko habang iniikot ang kwarto upang tignan ang mga gawa ng mga volunteers. "Mukhang magiging makulay at masaya ang ating festival ha."
"Siyempre naman!" Hinila ako ni Mervicm papunta sa sulok kung saan nagpipinta si Kenji. "Siya ang pinakamaraming naibigay na tulong. Ang galing pa niyang humawak ng paint brush."
Totoong nakakamangha ang gawa niya. Halatang may control siya sa kanyang kamay. Tumingala si Kenji sa akin at ngumiti.
Napatawa ako nang makita ko ang mukha niya.
"Ba't ka naman natawa? Pangit ba gawa ko?" Tanong si Kenji.
"Pfft! Maganda gawa mo." Sagot ko. "May pintura ka lang sa pisngi mo."
"Dito?" Ipinahid niya ang may pintura niyang kamay sa kanyang pisngi. Nadgdagan ang kulay sa mukha niya.
Natawa na lang din si Mervick sa nangyari. Kumuha siya ng tisyu at pinahiran ang pisngi ni Kenji.
"Ayan, gwapo ka na ulit."
Ngumiti si Kenji matapos punasan ni Mervick ang kanyang pisngi. Kinindatan niya ito pagkatapos.
Halatang kinilig si Mervick kaya't umalis na siya sa harap ni Kenji. Natawa na lang ako sa naging reaksyon ni Mervick sa ginawa ni Kenji.
Umupo ako sa tabi ni Kenji at sinimulan ko siyang kausapin. "Ikaw talaga, pinakikilig mo naman masyado si Mervick. Ganyan ka ba sa lahat?"
Umiling si Kenji habang siya ay nakangiti. Pinagpapatuloy niya ang kanyang ginagawa.
"Hindi daw. Eh nung unang araw mo nga dito eh kumindat ka rin nung nagpakilala ka sa klase."
Tinignan ako ni Kenji at inilapat ang paint brush na may pintura sa aking ilong.
Nahampas ko siya bigla nang hindi nag-iisip.
"Mahilig ka talagang manghampas ano?"
"Sorry reflex lang."
Iniabot ni Kenji ang kanyang panyo at pinunasan ang ilong ko.
"Mukhang naiistorbo na kita. Tapusin mo na yan para makapagmirienda ka na."
Tumayo na ako at inanunsyo din sa ibang mga volunteers ang tungkol sa mirienda. Unti-unti ay natapos nila ang kanilang ginagawa at pumunta na sa may hallway kung saan nakaset-up ang mga pagkain at inumin.
"Ezra, hindi ka ba kakain?" Tanong ni Austin.
"Okay lang ako, unahin lang muna natin makakain lahat ng volunteers. At marami naman iyan. Alam kong hindi ako mauubusan."
******ding!******
Text messagePatrick: tara na dito sa club room. Meeting natin sa Astro Club.
Ezra: Okay, sige.
******************"Austin, Cielo, kayo na muna bahala sa mga natitirang gagawin. At Mervick, pauwiin mo na ang volunteers pagkatapos maclear ang work area. Magpatulong ka na lang din kay Larry."
"Ako na ang bahala. Mang-aasar lang din naman si Larry." Nagsimula nang nagligpit si Mervick nang hindi kinausap si Larry.
Tinignan ko si Larry at sinenyasan ko siya gamit ang mga mata ko na tulungan si Mervick.
"Sige, mauuna na ako. Kung may kailangan kayo o tanong text niyo lang ako."
BINABASA MO ANG
Breach of Contract
Teen FictionNagbabalik ang tambalang Patrick Reynan Torres at Ezra Santbañez. Ano ang mga nakahaing pagsubok ang kanilang haharapin? Malalampasan ba nila ito o masisira ba ang kontratang kanilang pinanghahawakan. Subaybayan ang kanilang kwento sa Breach of Cont...