Patrick's POV
Unti-unting napupuno ng mga tao ang grounds ng SEA. Makikita mo ang mga security na nakakalat sa paligid upang makasiguro sa seguridad ng mga bisita at estudyante.
Nasa may backstage kami nila Louie at Carlo. Si Randolph, hindi pa namin nakikita.
"Brod, tawagan mo na nga si Randolph. Malapit na tayo tumugtog." Wika ni Loiue sa akin.
Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa at naglakad papunta sa labas. May text galing kay Layla
**********************
Text Message
Layla: Galingan niyo sa pagtugtog. Lalo ka na! ^_^
**********************Di ko muna nireplayan ang message. Kailangan ko na kasing tawagan si Randolph.
Nagriring na ang phone niya pero hindi niya ito sonasagot. Sinubukan ko siya ulit tawagan at sa wakas ay sumagot din.
"Hello, brod! Tara na dito. Malapit na tayong tumugtog."
"Hello." Babae ang sumagot sa kabilang linya. "Hindi si Randolph ito. Iniwan niya ang phone niya sa akin eh. Pero sabi niya sa akin papunta na siya ng backstage."
" Ah ganoon ba. Sige salamat."
Pagbalik ko sa loob, nandoon na pala si Randolph.
"Nasaan phone mo?" Tanong ko sa kanya.
"Iniwan ko kay Bianca. Ipinapavideo ko kasi yung performance natin."
Inakbayan ni Carlo si Randolph. "Kayo na no?"
"Tutugtog na tayo. Magready na tayo." Pag-iwas ni Randolph.
"Uiii! Binata na siya."
"Carlo, hayaan mo na si Randolph." Pagsuway ko kay Carlo. "Mamaya mo na yan asarin. Baka masira pa pagddrums niyan."
Tinigilan na ni Carlo ang pangungulit kay Randolph.
Pagkatawag sa amin ay nagset-up kaagad kami ng aming mga gamit habang nagsasalita ang mga host.
"Ang next performers natin, siyempre galing pa rin sa Light Music Club." Wika ng babaeng host.
"Itong mga naggwagwapuhang lalaking ito ay 5 years nang magkakasama sa club at sa banda." Dagdag ng baklang host.
"Tama ka diyan. Sila ang isa sa mga sikat na bandang nabuo sa LMC."
Maraming adlib ang ginawa ng mga host hanggang matapos namin ayusin at itono ang mga gamit namin.
"Let's now give a round of applause for Quintessence!"
Rinig namin ang palakpak at hiyaw ng mga nanonood. Ang ibang mga taong nasa mga booth ay nakikipulong malapit sa stage.
Nagsimula nang magpatunog ng gitara si Louie habang binibigyan ni Randolph ng beat sa drums. Si Carlo naman ay nagdadagdag ng magandang tunog mula sa kanyang bass.
"Magandang hapon South Eleanor Academy!" Hiyaw ko sa micropono. "Maraming maraming salamat sa pagsuporta sa 1st SEA Festival."
Sumigaw pabalik ang mga tao.
Nagsimula na kaming tumugtog at nakikisabay pa sa pagkanta ang mga tao.
"Salamat sa mainit na pagtanggap sa amin!" Ramdam ko ang tuwa ng mga nanonood. "And this will be our last song for today."
"Wonderful Tonight"
(Performed by Babyface originally by Eric Clapton)It's late in the evening
She's wonderin' what clothes to wear
She puts on her make-up
And brushes her long blond hairAnd then she asks me, "Do I look all right?"
And I say yes, you look wonderful tonightWe go to a party
And everyone turns to see
This beautiful lady
walkin around with meAnd then she asks me, "Do you feel all right?"
And I say yes, I feel wonderful tonightI feel wonderful because I see the love light in your eyes
And the wonder of it all is that you just don't realize how much I love youIt's time to go home now
And I've got an achin' head
So I give her the car keys
And she helps me to bedAnd then I tell her
As I turn out the light
I say my darlin', you are wonderful tonight
Oh, my darlin, you are wonderful tonightBumalik na kami ng backstage at pumunta na muli sa harap ang mga hosts. Hinila ako ni Randolph sa gilid para kausapin. "Yung request ko okay na ba?"
"Oo. Dalhin mo na lang siya sa may booth kung sakali."
"Paglabas ko dito pupuntahan ko na siya. Magtetext ako sayo kung papunta na kami."
"Rereplayan muna kita bago ka pumunta ha. Baka kasi mamali tayo ng timing."
"Sige."Nagmadaling lumabas si Randolph. Isinilid ko naman ang gitara ko sa bag at lumabas ng backstage. Nabigla na lang ako nang may sumalubong sa akin.
"Hi Patrick ang galing mo." Hinalikan ako ni Layla sa aking labi.
Natulala na lang ako sa nangyari. Maraming tao ang nakakita. Malamang makakarating ito kay Ezra.
"Anong ginagawa mo?" Galit kong tanong sa kanya.
"Binati lang kita. Ang galing mo eh."
"Layla, alam mo naman na may girlfriend ako."
Inikot ni Layla ang kanyang mata at sinabing, "and she's too good to be true. Mas sasaya ka sa akin." Akma niyang hahawakan ang braso ko pero iniwas ko ito.
"Layla, huwag ngayon. Maraming tao dito."
"Oh, you want it in private."
"Yes. I mean no!" Huminga ako ng malalim at sinabing. "I need to go." Iniwan ko siya sa kanyang kinatatayuan.
BINABASA MO ANG
Breach of Contract
Teen FictionNagbabalik ang tambalang Patrick Reynan Torres at Ezra Santbañez. Ano ang mga nakahaing pagsubok ang kanilang haharapin? Malalampasan ba nila ito o masisira ba ang kontratang kanilang pinanghahawakan. Subaybayan ang kanilang kwento sa Breach of Cont...