Patrick Reynan Torres' POV
"Ezra, sunod na lang ako sa inyo ni Pearl sa canteen. Dadaan muna akong locker room."
Sa may locker room habang naglalagay ako ng mga gamit ko ay may lumapit sa akin.
"Hi Patrick." Bati ni Layla Bridget Guanzon. New grade 11 ABM student dito sa SEA.
"Ba't andito ka?" Tanong ko sa kanya.
"Uhm, pwede ko ba kayong iinvite ng banda mo na tumugtog ulit doon sa bar?"
"Ano kasi, Layla."
Hindi pa ako tapos nang magsalota siya. "Sige na. Nakakaenjoy kayong panoorin eh." Humakbang papalapit sa akin si Layla. "At alam ko rin namang nag-enjoy noong gabing iyon."
Napalunok ako sa sinabi niya. "Ah ganoon ba? Kakausapin ko muna mga kaibigan ko tungkol diyan. Malamang okay lang naman basta huwag yung malapit sa exams."
"Akin na cellphone mo."
"Ano ka holdapper?"
"Hindi no! Ilalagay ko lang number ko, text mo ako kaagad kapag pumayag sila."
Nagdalawang isip ako bago ko iabot ang phone ko kay Layla. Nangangiti siya habang tinatype ang number niya nang biglang tumunog ang cellphone niya.
"Ayan meron na rin akong number mo. Para mapaalalahanan kita tungkol sa invitation ko." Nagpaalam na siya at umalis.
Pumunta na ako ng canteen para sabayan kumain sina Ezra at Pearl. Nandoon na rin sina Carlo, Louie at Randolph.
"Tagal mo naman yata?" Pag-uusisa ni Louie.
"Matagal ba iyon?" Tanong ko kay Louie.
"Patrick! Tara dito. Ibinili na kita. Mahaba ang pila eh, baka kasi gutom kana." Tinatapik ni Ezra ang bakanteng upuan sa tabi niya.
Ngumiti ako at umupo sa bakanteng upuan. Hinawakan ko ang kamay ni Ezra at nagpasalamat.
"Hay naku Patrick, maswerte ka dyan kay Ezra at inaalala ka." Wika ni Carlo.
"May, ibig bang sabihin iyang sinasabi mo Carlo?" Tinaasan ng kilay ni Pearl sa Carlo.
"Aba siyempre maswerte ako sayo my Bae!"
Marahang hinampas ni Pearl si Carlo, "akala ko may ibang ibig sabihin iyon eh."
Nagtawanan kaming magkakaibigan.
"Oo nga pala, hindi ba may transferee sa ABM?" Tanong ni Louie.
"Ah oo, yung breezy na si Kenji." Natatawang ikinekwento ni Pearl ang pagpapakilala ni Kenji sa klase. "Yung mga babae at bakla sa klase, sobrang kinilig sa pagkindat niya."
"Baka ikaw, kinilig din?" Tanong ni Carlo.
"Oo naman. Nakatingin siya sa akin eh." Wika ni Pearl. "Bakit nagseselos ka?"
"Hindi." Sagot ni Carlo habang nakangiti sa harap niya.
"Ay, sayang naman." Pagbibiro ni Pearl.
Nang matapos kaming kumain, humiwalay si Ezra at Pearl mula sa aming tatlo.
"Randolph, kamusta na nga pala kayo nung nililigawan mo?" Tanong ni Carlo.
"Siyempre ako ang dakilang kuya," sagot ni Randolph habang nag quoquotation gamit ang mga daliri.
"Kayo na?"
Tumawa na lang si Randolph at nagkibitbalikat.
"Aba, malihim ka ha. Magkwento ka!" Pangugulit ni Carlo.
"Oo nga, sabihin mo na sa amin." Wika ni Louie.
Inakbayan ko si Randolph at binulungan. "Hindi mo kailangan ikwento sa kanila dahil sa akin mo lang iyon ikwekwento."
Tinutulak ako ni Randolph. "Ah basta, magiging kami kung magiging kami. Huwag niyo akong alalahanin." Ngumisi si Randolph. "Iyang si Louie ang alalahanin niyo."
"No need to worry guys! Me and Shakira are already happy together. Hinding hindi niya ako iiwan," sagot si Louie sa kanila.
Pinagbabatukan namin si Louie.
"Sino ba namang nasa tamang katinuan ang makikipadate sa gitara niya?" Tanong ni Randolph
Nagtawanan kaming apat.
"Hayaan na natin si Louie. Talagang meant to be sila ni Shakira," banat ni Carlo. "Katabi pa niya yun kapag natutulog eh. Nakakainggit."
Patuloy kaming nagtatawanan at nagkwekwentuhan hanggang sa maghiwahiwalay na kami sa kanikaniyang classrooms.
Ezra Santibañez' POV
Nang matapos kaming magkakain, niyaya muna ako ni Pearl na magwashroom.
"Bessie, ano magandang ibigay kay Carlo?"
"Hmm, ano okasyon?"
"Birthday niya na next month. Wala naman daw handaan, pero sabi niya sa akin, kakain daw kaming dalawa sa labas. Nakakahiya naman sa kanya kung wala akong ibibigay."
"Bigyan mong bass guitar."
"Eh, meron na siya nun eh."
"Malamang nagjojoke lang ako. Aba seseryosohin mo ba iyon kung sakali?"
"Pwedeng oo, pwede hindi." Nagbuntong hininga si Pearl habang tinitignan ang sarili sa salamin.
"Alam mo Pearl, mas kilala mo si Carlo kaysa sa akin. Ikaw mas makakasagot sa tanong mo."
Pagkatapos namin mag-ayos ni Pearl ay bumalik na kami ng aming classroom.
BINABASA MO ANG
Breach of Contract
Teen FictionNagbabalik ang tambalang Patrick Reynan Torres at Ezra Santbañez. Ano ang mga nakahaing pagsubok ang kanilang haharapin? Malalampasan ba nila ito o masisira ba ang kontratang kanilang pinanghahawakan. Subaybayan ang kanilang kwento sa Breach of Cont...