Patrick Reynan Torres' POV
Nakasampung text na ako kay Ezra at hindi pa siya nagrereply. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi ko siya makontak.
"Ezra naman, nasaan ka?"
**The subscriber cannot be reached. Please try again later.**
7:30 na ng gabi, nasa school pa kaya siya?
Lumabas ako ng bahay at nagmaneho papuntang SEA. Kinausap ko ang guard sa may parking. Kilala naman si Ezra sa school kaya alam kong masasagot ako ng guard kung sakali.
"Kuya, nakauwi na ba si Ezra?"
"Ah, hijo oo. Kanina lang past 7 na. Hindi nga siya sinundo nung driver nila eh. Sumabay siya doon sa parang intsik o koreano o hapon na estudyante."
Mukhang si Kenji ang tinutukoy ni kuya. "Ah, ganoon po ba? O sige po, pasensya na sa abala."
"Walang anuman, ikaw pa ba?"
Nagpaalam ako sa guard at bumalik ako sa aking kotse. Binuksan ko ang makina nito at napaisip ako kung bakit kasama ni Ezra si Kenji. May nililihim ba sa akin si Ezra?
Sinubukan kong tawagan ang phone niya. Sa wakas nagriring na.
"Hello, Ezra!"
"Patrick! Pasensya ka na nalobat ako kanina."
"Ah, ganoon ba?" Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano nang malaman kong nakauwi na siya. "Papunta ako diyan sa inyo ngayon."
"Ha? O sige, pumunta ka lang, sabihan ko na lang sila na pagbuksan ka ng gate."
Ibinaba ko na ang phone ko at tumungo na sa bahay nila. Habang nagmamaneho, iniisip ko kung kokomprontahin ko ba siya. Kung anu-ano ang naglalaro sa aking utak. Karamihan, hindi magandang bagay. Hindi ko mawari kung bakit nga ba sila magkasama hanggang alas siete ng gabi sa school.
Pagdating sa kanila ay sinalubong ako ni Ezra sa may sala nila.
"Kumain ka na?" Tanong ni Ezra sa akin.
"Paano ako makakakain kung hindi kita makontak?"
"Sorry na." Nagpuppy dog eyes si Ezra sa akin. "Alam ko na! Para hindi ka na talaga magalit sa akin, sabayan mo na ako magdinner. Hindi pa ako kumakain eh."
Pumayag ako at sinundan ko siya sa kanilang dining room.
"Nasaan sila tito at tita?" Tanong ko sa kanya.
"Team building daw eh."
"Ah ganoon ba? Samahan na lang kita dito."
Tinignan ako ng masama ni Ezra.
"Samahan lang kita hanggang sa antukin ka na, uuwi din ako. Takot ko lang sa mga magulang mo."
"Dessert gusto mo?" Pag-aalok ni Ezra.
"May mas tatamis pa ba sa mga labi mo?"
Inikot niya ang kanyang mga mata. "Ewan ko sa'yo!" Nakita ko rin namang ngumiti ang dulo ng kanyang bibig.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa kanilang veranda. Magkatabi kaming umupo sa bench at tumingala sa langit.
"I hate summer stars." Ika ni Ezra.
"Alam ko." Sagot ko sa kanya. "Dahil mahirap silang kabisaduhin?"
"Oo, at masyado din silang magulo."
"Ganoon ba?"
"Marami silang nag-aagawan ng liwanag. Tipong wala silang pakialam sa iba."
Hinawakan ko ang kamay ni Ezra na nakapatong sa kanyang hita. Nagkatinginan kaming dalawa.
"Ezra." Inilagay ko sa likod ng kanyang tenga ang nakaharang niyang buhok. Hinawakan ko ang kanyang pisngi at marahan ko siyang hinalikan. Napakalambot ng kanyang labi. Nalimutan ko ang galit at inis na nararamdaman ko kanina. Mas tumindi ang paghahalikan namin nang ibalik ni Ezra ang halik. Mabigat sa kalooban kaming tumigil upang maghabol ng aming mga hininga.
Ipinatong ko ang noo ko sa kanya at sinabing "I love you Ezra." Hinalikan ko siyang muli ng mabilis.
Inilapit niya ang kayang labi sa aking tainga at bumulong, "I love you more Patrick." Marahan niya itong kinagat. Hinalikan niya ang aking pisngi, ilong at aking labi.
Lumipas ang oras na nakapatong lang ang ulo ni Ezra sa aking balikat. Hindi kami nag-uusap ngunit gumagaan ang kalooban ko dahil alam kong nasa tabi ko siya. Nilalamon ako ng kasiyahan sa mga oras na ito. Hanggang sa pasado alas dies na at kailangan ko nang magpaalam sa kanya.
BINABASA MO ANG
Breach of Contract
Teen FictionNagbabalik ang tambalang Patrick Reynan Torres at Ezra Santbañez. Ano ang mga nakahaing pagsubok ang kanilang haharapin? Malalampasan ba nila ito o masisira ba ang kontratang kanilang pinanghahawakan. Subaybayan ang kanilang kwento sa Breach of Cont...