Chapter 3.3: Preparations

121 5 0
                                    

Ezra Santibañez's POV

Mukhang okay naman ang Astronomy Club. Kahit na nahuli yung pagpasa ng proposal para makapagreserve ng booth, ay handa pa rin ang mga gagawing activities para sa festival.

***** ding! text message****
Kenji: Ang sarap nung muffin ^_^

Ezra: Talaga? Hindi ako nakakain eh. Andito ako ngayon sa meeting namin sa Astronomy Club.

Kenji: Gusto mo ipagtabi kita?

Ezra: Meron pa ba?

Kenji: Oo, kinuha ko na ngayon. Ilalagay ko na lang sa desk mo dito sa council room.

Ezra: Yey! Thanks :*

Kenji: :*

Ezra: AY! WRONG EMOJI!!! :)

Kenji: Haha. :)
****************

Mukhang napakabreezy talaga nito ni Kenji. Isinilid ko na ang phone ko sa bulsa ko at nakinig na sa iba pang mga sinasabi ni Kiko.

"Okay. Dahil mukhang ready na ang mga kailangan at gagawin natin para sa festival. Magkita-kita na lang tayo sa thursday afternoon sa pagseset-up ng booth."

Nagsitayuan na ang karamihan nang matapos ang meeting.

"Bessie! May gagawin ka pa ba? Dinner tayo." Pag-aalok ni Pearl sa akin.

"Kailangan ko lang daanan ang gamit ko sa council room. Halos tapos na ang ginagawa dokn kaya pwede ko na silang iwan."

Hinawakan ko sa balikat si Patrick na tila ay nakatulala. Nabigla siya at lumingon sa akin.

"May problema ka ba Pat?"

"Problema?" Tingnan ako ni Patrick. "Ah, wala, wala. Masyado lang tayong busy kaya medyo lumulutang ang isipan ko minsan. Pasensya nga pala kasi hindi ko naipasa..."

Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sinabi, "huwag ka nang mag-alala." Pumwesto ako sa likuran niya at minasahe ang balikat niya. "Nagawan naman ng paraan eh." Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Ezra! Tara?" Pag-aaya ni Pearl.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Patrick

"Dinner."

"Eh? Ikaw lang niyayaya ko." Sumimangot si Pearl sa akin.

"Ah sige, baka magtampo na yang best friend mo." Kinuha ni Patrick ang bag niya at isinabit ito sa balikat niya. "Bye Ezra, ingat ka." Hinalikan ako ni Patrick sa noo at umalis na siya.

"Ako lang ba iyon o madaling kausap si Patrick ngayon?" Tanong ni Pearl sa akin.

Nagkibitbalikat lang ako at niyaya si Pearl na pumunta muna ng council room. Habang naglalakad ay nagkwekwentuhan kami tungkol sa festival. Excited na si Pearl lalo na at unang beses mangyayari ang festival at nasa SEA pa siya.

"Pwede ka naman pumunta ng festival kahit college ka na." Wika ko.

"Ewan ko lang kung makakapunta ako. Mukhang sa malayo ako mag-aaral eh."

"Gaano naman kalayo ang malayo?"

"Like kabilang mundo layo?"

"OMG Pearl!" Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat. "Parang hindi ko maiimagine na hindi kita makita. Ever since Nursery magkaklase na tayo kahit na noong grade 2 lang tayo naging malapit. Pwedeng-pwede nga tayo magbigayan ng Loyalty Award eh."

"Oo nga eh." Nagbuntong hininga siya. "Eh, dapat mag-aaccountacy ako pagkatapos ng senior high. Pero ang gusto ko talaga ay maging isang Direktor ng Pelikula."

Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. "Alam ko na kayang kaya mong abutin ang pangarap mo. Hanga nga ako doon sa dinirect mong play sa Drama club eh."

"Sana nga ganoon lang kadali iyon. Iba ang kompetisyon sa labas."

"Hay naku! Basta susuportahan kita sa pangarap mo. May ilang buwan pa tayong magkasama kaya huwag ka muna mag-alala."

Naabutan kong nilolock ni Austin ang council room nang kami ay dumating. "Austin! Huwag mo ilock." Dali-dali akong tumatakbo papalapit sa kanya. "Naiwan ko bag ko sa loob. Naandoon ang susi ko."

"Ah ganoon ba?" Binuksan muli ni Austin ang room at nagpaalam na.

Ang mga papel, folder at iba pang mga gamit na nakakalat kanina ay maayos nang magkapatung-patong. Tanging ang muffin at note na lang ang nasa may gitna ng aking lamesa.

"Ui! Masarap yata yan," sambit ni Pearl.

"Sabi nga nila masarap eh, buti pinagtabi nila ako." Hinati ako ang muffin at iniabot kay Pearl ang kalahati. Pagkaubos ko ng muffin, binuklat ko ang mensaheng iniwan ni Kenji.

************************
Ezra!

Ang sarap ng muffin! Kakainin ko na nga din ito dapat eh. Nga pala, pinakialaman ko yung table mo. Ang gulo kasi eh. Para hindi ka na magtagal dito sa room. Huwag kang mag-alala, tinulungan ko lang sila Mervick na ayusin ang makalat mong lugar kaya walang nawala diyan. Nag-eenjoy ako.

<3
*************************

"Ui bessie! Ano yan?" Nababasa pala ni Pearl ang hawak kong sulat.

"Iniwan lang na note sa akin. Inayos na daw nila gamit ko para hindi na ako magtagal dito. Siguro naisip niya na baka gabihin na naman ako dito sa council room at hindi ko matawagan ang driver ko."

"Eh sino naman nagsulat niyan at paano nakauwi noon?" Pag-uusisa ni Pearl.

"Tara na Pearl at kumain na tayo. Gutom na ako eh."

Tinitigan ako ni Pearl.

"Please?" Pagpapacute ko sa kanya. Hindi na niya akong pinilit pang magkwento.

Breach of ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon