Patrick Reynan Torres's POV
"Natext mo na siya?" Nangangambang tanong ni Kiko sa akin, ang aming Presidente sa Astronomy Club.
"Oo, papunta na daw siya."
Nagsimula na kaming mag-usap patungkol sa gagawin sa festival. Hindi pa nga namin alam kung matutuloy kami dahil yung proposal lang ng HS Classics ang nasubmit ko noong nagpareserve ng booth. Nakita o lang kaninaang umaga sa bag ko ang naiwang proposal ng Astronomy Club.
"Let's just hope for the best. Sana lang ay may good news na dala si Ezra sa atin. Kung hindi, lagot din tayo sa kanya." Determinado si Kiko na ipagpatuloy ang mga last minute planning namin. "So, yung mga telescopes iseset-up lang natin sa labas ng booth kung sakali."
"Yung star dome, pinapadeliver ko the day before the festival. Sila na din daw magseset-up nun." Saad ni Joy, ang VP namin.
"What if magbigay tayo ng promo sa dome? Like buy 5 tickets get one free?" Suggestion ni Gelyn. "Mas makakahikayat tayo ng mga tao kapag ganoon."
"Pwede din naman." Sagot ko sa kanya.
"Oo, kailangan natin ng ganyang promo." Wika ni Kiko, "oo nga pala Gilbert, yung walking poster natin okay na?"
Kinuha ni Gilbert ang card board poster na ginawa ng mga members. Isinuot niya iyon at minodel sa grupo. "Ayos ba?"
"Ayos na ayos! Ikaw na lang din ang magsuot niyan ha!" Sabi ni Pearl sa kanya.
"Oo nga Gilbert, bagay sayo eh." Pagsang-ayon ni Gelyn.
"Gusto ko rin naman umikot sa Festival."
"Huwag kayong mag-alala, magsschedule tayo. Bale dalawang tao iaassign natin kada tatlong oras para may back-up." Tumayo si Kiko sa may board upang isulat ang mga pangalan ng mga miyembro na magpropromote ng club sa mga takdang oras.
Nagtinginan kami nang bumukas ang pinto. Kakarating lang ni Ezra galing sa council room. Tila ang hirap lunukin ng laway ko habang nakikita ko siyang lumalapit sa akin. Umupo siya sa gitna namin ni Pearl.
Walang nagsasalita sa grupo. Tila nakikiramdam kami kung sino magtatanong kay Ezra kung nabigyan ba ng pwesto ng booth ang club. Napansin yata ni Ezra ang nakakabinging katahimikan kaya binali niya ito. "Sa may west side ang booth natin. Malaki ang space doon dahil kailangan natin iyon para sa dome. Buti na lang ay hindi namin sinagad ang grounds ng academy, kundi, hindi tayo makakapagparticipate sa festival."
Nakahinga ng maluwag ang lahat sa mabuting balita na sinabi ni Ezra maliban sa akin. Kasalanan ko na hindi naipasa agad ang proposal.
"Iyon nga lang, hindi masyadong pansinin ang pwesto natin. Kailangan mag-effort para makahikayat tayo ng mga tao sa booth."
Naglakad papunta sa harapan si Gilbert. "Bale ito yung naisip naming walking poster."
"Mag-aassign na lang tayo ng mga tao kada tatlong oras para magpromote ng bokth activities natin." Dagdag ni Kiko.
Halos sampung minuto pa lang ang lumipas, si Ezra ay abala sa pagtetext at pagrereply sa phone niya. Inayos ko ang aking pagkakaupo upang masilayan ko sa kanyang balikat at ilang mensahe sa kanyang phone.
***** text message****
Kenji: Ang sarap nung muffin ^_^Ezra: Talaga? Hindi ako nakakain eh. Andito ako ngayon sa meeting namin sa Astronomy Club.
Kenji: Gusto mo ipagtabi kita?
Ezra: Meron pa ba?
Kenji: Oo, kinuha ko na ngayon. Ilalagay ko na lang sa desk mo sa council room.
Ezra: Yey! Thanks :*
Kenji: :*
****************Tinigil ko na ang pagbabasa. Bakit bigla nakakaramdam ako ng inis? Nagseselos ba ako? Gusto kong magwala. May nangyayari na ba sa likod ko kapag hindi ko kasama si Ezra?
Isinuklay ko ang kamay ko sa aking buhok. Hindi ko nagustuhan ang nabasa ko sa phone niya. Pero kapag kinonpronta ko siya, malalaman naman niya na sinisilip ko ang pagtetext niya.
BINABASA MO ANG
Breach of Contract
Teen FictionNagbabalik ang tambalang Patrick Reynan Torres at Ezra Santbañez. Ano ang mga nakahaing pagsubok ang kanilang haharapin? Malalampasan ba nila ito o masisira ba ang kontratang kanilang pinanghahawakan. Subaybayan ang kanilang kwento sa Breach of Cont...