3 - Mayflower 1609

90.8K 4.2K 677
                                    

The short story that will be posted here will be dedicated to Airene Mallari. Thank you for helping me during the muting days! 

3- Mayflower 1609

Today is our university cultural festival. Napakaraming tao na ang nagkalat na mukha namang nag-e-enjoy sa mga booth na ginawa naming mga estudyante.

"Paging Airene Mallari, please proceed to Class 3B room." Napamura ako sa narinig ko.

I thought it's my break?

Kanina pa akong bantay sa booth namin.

We made up a concept, it's a mask booth. We made a small labyrinth inside our classroom with exhibits of old mask, na ginaya pa namin mula sa iba't-ibag bansa.

Nagmamadali na ako sa paglalakad nang may mabangga akong babae, dahil sa lakas ng impact namin sa isa't-isa ay kapwa kami natumba.

Ang dami niyang gamit kaya tinulungan ko siya.

And then I saw a keychain with a ship image. Sa likuran nito ay may pangalangang Anton Valle.

"Oh sorry," agad inagaw sa akin ng babae ang keychain.

"Sorry rin nagmamadali kasi ako," sagot ko.

Tipid na tumango sa akin ang babae at nagmadali na itong umalis sa harapan ko.

I just shrugged my shoulder. Hindi siya dito pumapasok.

"Kuya! Yung balloon ko nasa tree! Di ko maabot!"

"Wait there little kid, may customer pa ako." Hinihila ng batang babae na may summer hat at sunflower sa kanyang tenga ang schoolmate ko na nagtitinda ng balloon.

"Kuya 'yong balloon ko!"

"Anthony! Ang dami pa ditong bata, naghahanap ng balloons!" sigaw ng ibang schoolmate ko.

The guy named Anthony is now torn between the little girl and the other customer.

"A-Ako na, where is your balloon?" naagaw ang atensyon ng batang babae sa akin.

Itinuro niya ang puno sa akin. Dahil matangkad ako ay agad kong naabot ang lobo.

But the moment I step on the land after jumping I saw the little girl looking away. Nang sundan ko ito ay nakita kong nakatitig na siya sa schoolmate kong si Anthony at sa babaeng nakabanggaan ko kanina.

Anthony is giving her red balloon but the woman is a little bit shock. What's wrong?

"H-Here is your balloon,"

"Thank you Ate!"

Nagtataka pa ako habang nakasunod sa akin ang bata.

"Why are you following me?"

"I want to visit your booth!"

"Wala kang kasama?"

"I am alone, but it's okay. Hindi naman ako ang maliligaw." Kumunot ang noo ko sa sinabi ng bata.

Nakarating kami sa classroom, sinabi ng kasama ko na ako muna ang sumama sa sunod na batch na papasok.

Wala akong pinagpilian at sumunod na ako. Nang mahanay na ang lahat ay nagpaliwanag na ako sa mga papasok at sila na ang pinauna kong maglakad.

"Ate! Ate," she's pulling my uniform.

Nanlaki ang mata ko nang may hawak siyang maskara pero wala ito sa mga ginawa namin.

"Ate may sasabihin ako sa'yo, can you bow down?" kahit nahihiwagaan na ako sa bata ay sumunod ako.

Nanlaki ang mata ko nang isuot niya ang maskara sa akin.

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon