Chapter 92

6K 265 55
                                    

The short story is dedicated to Julia Alyssa P. Sanchez. Thank you for helping me during the muting days!

Chapter 92

Every time that I had a crush, I made sure that he'd know it immediately. Ako kasi iyong tipo na gustong binibiro ng lahat sa tuwing dadaan si crush habang nagtitilian at nagkukulitan.

I usually get attracted to shy-type boys. Gusto ko kasing sila iyong nahihiya sa tuwing inaasar ako ng mga kaibigan ko. I want to further see their reactions every time that there's an eager girl who wants their attention.

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang interes ko sa mga lalaking mahiyain. Maybe because I am their complete opposite, and I am curious about what would be the possibility if someone interactive might try to get their interest?

I know that I shouldn't bother someone's peace of mind, but I am willing to take the responsibility naman. Lalo na't mabilis naman ako ma-fall, mabilis lang din akong ma-fall out.

Well, I could say that I've never been in love, but I've been attracted multiple times. Minsan nga ay napapagsabihan na ako ng mga kaibigan ko tungkol sa mga nagugustuhan ko. They're too unbelievable for my type, let's say I'm too beautiful for them, at inaasahan ng lahat na higit pa sa mga lalaking nagugustuhan ko ang dapat pag-aksayahan ko ng oras.

"Julia Alyssa!"

Nahampas na ni Elaine ang balikat ko. Hindi ko na sana gustong tanggalin ang pagkakapangalumbaba ko at pagtulala roon sa crush ko na kakapatong pa lang ng tray ng pagkain sa table niya kaso masakit talaga ang hampas niya.

"Tulala ka na naman riyan! Hindi mo ba alam na takot na sa 'yo ang isang iyan?"

Umirap ako at muling pinagmasdan si Yul. "Hindi noh! He's just shy. Alam kong type niya rin ako."

"Type back ka? Talaga? Tingnan mo naman, Julia! Sobrang nakayuko na sa pagkain para hindi mo tingnan. He's uncomfortable!"

"Hmm... bakit kaya ayaw niya sa akin?"

Elaine rolled her eyes. "Come on, you're annoying as fuck. Ginulo mo ang tahimik at payapa niyang buhay. Hindi niya gusto ang babae. Tantanan mo na siya, girl. Why not give attention to those cool boys? My gosh! Ang daming nagpapapansin sa 'yo."

"They're not my type."

"Kaysa naman kay Yul. Wala kang pag-asa sa kanya. He loves his phone than women. Enough na, girl. Pinapagod mo lang ang sarili mo."

I never listened to Elaine. Ginawa ko ang lahat ng klaseng pagpapapansin kay Yul nang halos dalawang taon, pero hanggang sa maka-graduate kami, hindi niya man lang ako pinansin.

To be honest, it didn't just hurt my pride. Dahil nang sandaling huling beses na kaming magkasalubong sa campus at handa na akong batiin siya, hindi man lang niya sinalubong ang mga mata ko. I was hurt.

I was really that annoying, huh?

***

Kaya nang sandaling may nag-abot sa akin ng kape nang isang beses akong kumakain mag-isa ako sa isang coffee shop, wearing a smart glasses, white coat and an expensive watch with the most familiar face, I almost fainted.

"Y-Yul..."

"Julia, how are you?"

Inalok ko agad sa kanya ang upuan sa harapan ko. He finally accepted it after all those years that I tried to invite him to eat or drink with me. I was just waiting for my friend to arrive.

"H-Halos hindi na kita maalala, Yul... how are you?"

Sinubukan kong habulin ang nangyayari sa buhay niya nang mga unang taon na naghiwalay kami ng school, hindi ko akalain na magdo-doktor pala siya.

"Julia...if we can—"

"Julia, babe!" lumawak ang ngiti ko at bahagya kong itinagilid ang tingin.

Nakangiting lumapit sa akin si Mark at marahan siyang humawak sa balikat ko. Iyong mga mata niya'y diretsong tumingin kay Yul.

"Thank you for the coffee, Yul. I'm getting married," inangat ko ang isa kong kamay kung saan naroon ang singing.

Tipid na ngumiti si Yul at nagpaalam na sa amin. Agad pumuwesto si Mark sa upuan ni Yul at nag-usap kaming dalawa na parang walang nangyari.

I wonder why my heart suddenly arched...

Maybe he's really my first love, but definitely not the last. 

Ocean of FeathersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon