The short story is dedicated to Bernalyn Duenas. Thank you for helping me during the muting days!Chapter 36
He's the brother of my bestfriend. Kung sana ay katulad kami ng mga nababasa ko na gwapo ang kuya niya, sikat sa school at pinagkakaguluhan ng maraming babae magiging masaya siguro ang buhay ko.
Pero sobrang layo sa katotohanan.
Because my bestfriend's brother is far way different from that. He's a nerd with his weird outfit and annoying damn attitude!
Mabuti sana kung gwapo ang leche! Hindi naman! Tapos ang sama ng ugali sa akin?
Sinabi pa nito sa akin na bad influence raw ako sa kapatid niya. Like seriously? Kasalanan ko ba na gusto nang manamit ng maayos ni Gia. Not her nerd type, just like him!
Ang ganda na sana ng pangalan niya, yung mga tipong bad boy pero gwapo? Tapos gano'n!
Ilang beses ko nang ginulo at sinuklay ang buhok ko habang iniisip ang pwedeng mangyari na naman sa magiging engkwentro namin ni Gin.
W-Why? Because my mother asked him to teach me my math subjects! Our mothers are bestfriends! See? See?!
And the worst here is, akala ng mga magulang namin, sobrang bait niya. That I am the one who's always being rude to him, kahit ang totoo ay siya itong mainit ang dugo sa akin kahit wala naman akong masamang ginagawa sa kanya.
Inihanda ko na ang mga libro na kailangan namin. Hindi pa man ako naghahati sa hagdan pababa, nakita ko nang mukhang aalis pa si Mama.
"Where are you going, Ma?"
"May lakad kami ng mga tita mo, madali lang kami. Behave, okay? Dadating si Gin ngayon hindi ba? Huwag mo siyang aawayin, Bernalyn!"
"Alright." I said with my rolling eyes.
Humalik sa ibabaw ng aking noo si Mama, inihatid ko siya sa may terrace. Eksaktong sasakay na siya sa kotse namin nang makita kong papasok na sa gate ang kotse ni Gin.
Gwapo ang kotse, ang may-ari?
Kumaway si mommy sa kanya bago ito tuluyan pumasok sa sasakyan. Hindi na ako kumibo sa aking pwesto, nanatiling nakakrus ang aking mga braso habang nakasandal sa pintuan.
Kunot na kunot ang noo ni Gin nang lumabas ito sa kanyang kotse.
"Pwede ka naman hindi pumunta kung ayaw mo."
"Let's just get this done."
Kusa na siyang pumasok sa bahay at nilampasan ako. I rolled my eyes and mimicked his let's get this done keme niya.
Naghihintay na siya sa lamesa, padabog pa akong naupo at tamad niya lang akong sinulyapan.
"What is wrong with you?"
"Ako pa ang tatanungin mo niyan? Hindi ba at ikaw ang may problema sa akin?"
Hindi ako nito sinagot at binuksan niya na ang libro. Nagsimula na siyang magpaliwanag sa akin at wala na itong pakialam kung nakikinig ako sa kanya o hindi.
Habang nagpapaliwanag siya, hindi ko maipaliwanag kung bakit sa mukha niya lang ako nakatingin at hindi sa libro. This is the first time that I tried to look at him this long.
"What's with the weird outfit really?"
"Listen."
"Do you by chance doing it on purpose?" hindi ko napigilan ang sarili ko nang saglit kong hawiin ang buhok niyang malapit sa kanyang salamin.
"W-What the hell!" napatayo ito at napaatras sa ginawa ko.
Ngumisi ako. It's easy for him to act rude when I'm being mean, but when I'm trying to be friendly... hmm...
Interesting.
"Oh, I'm sorry, my bad... come here. Let's get this done." Ginaya ko nga ang sinabi niya.
He's quite hesitant, pero hindi rin nagtagal ay tumabi ito sa akin. Ngayon ay nagsisimula na siyang pagpawisan.
Now, I got your weakness.
Hindi pa man siya naghahati sa pagpapaliwanag nang mabilis akong humalik sa pisngi niya. This time he fell from his chair.
Pulang-pula ang mukha nito habang nakahawak sa pisngi niya.
"W-What is wrong with you! Y-You molester woman!"
I grinned at him. "You're cute, idiot."
BINABASA MO ANG
Ocean of Feathers
Short StoryCollection of short stories dedicated to my angels. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.