The short story is dedicated to Yoon Nicah. Thank you for helping me during muting days!
Chapter 109
What's difficult of being the rich girl? It's quite complicated find a good boyfriend. Madalas kasi ay iniisip nang marami na dahil anak mayaman ako ay gusto ko na rin ay mayayamang lalaki.
Of course, let's be practical. Kung mayaman ka na, bakit ka pa hahanap ng mahirap? But it wasn't as easy as that.
I am still a student and I am aware that those boys are just rich because of their parents' money. Kaya kahit kailan ay hindi ako napapahanga sa anak mayamang lalaki na may iba't ibang kotse na dala o kaya'y grabeng gumastos at manlibre sa kanilang mga kaibigan.
As if they earn that money. I am not attracted to boys with golden spoon, siguro dahil alam kong katulad ko ay madali lang sa amin ang lahat at lahat ng bagay ay hindi na namin kailangang paghirapan.
I actually like someone who's not actually rich but has a clear potential of hard work, goal, and consistency. Iyon nga lang alam kong ang katulad ko ang hindi niya tipo sa buhay.
"Are you stalking him again, Nicah?"
Nakanguso na ako habang nakatitig sa Instagram account niya. Kasalukuyan kaming nakadapa sa kama ko ng kaibigan kong Mikaella.
"Bawal pa? His account is private and he accepted my request. We're friends."
"Uhuh?"
I continued to scroll down. He posted his childhood picture and he looked too adorable. Lyle is my classmate from one of my subjects, but he's quite popular in his department kaya kahit hindi ko siya ka-department at isang subject lang kami magkaklase ay kilala ko na siya. He doesn't have a girlfriend dahil lagi niya raw sinasabi na pag-aaral muna ang focus niya.
"I like him, Mikaella. Should I make a move on him?"
"You'll be rejected. Hindi lang iilang babae ang nag-try, Nica. Huwag ka nang sumubok."
Mas humaba ang nguso ko sa narinig sa kaibigan ko. Sumubsob na ako sa unan ko at binitawan ang phone ko.
"But I like him. I like how hard-working he is."
Ramdam kong ilang beses niyugyog ni Mikaella ang balikat ko. "I will real talk you, Nica, I don't think he will like you, aside from that your parents will not approve of him. Hindi kayo—" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Mikaella at nag-angat na ako ng ulo sa kanya.
"What? Should I date those spoiled brats like me? Hindi nga marunong kumita ng pera ang mga iyon at puro yabang! I like Lyle, he's kind, responsible, intelligent—"
"But poor," dagdag ni Mikaella.
Mariin akong napapikit sa sinabi niya. "I am not after someone's pocket or status."
"Okay, let's say na hindi ka nga roon natingin, paano naman ang mga taong nakapalibot sa inyo? Do you think those people will not humiliate him for having you? He's an intelligent guy, alam na niyang ganoon ang mangyayari kapag sinubukan niyang tanggapin ang bawat mayayamang babae na type siya."
Umupo na ako sa kama ko at pinagmasdan ko ulit ang Instagram account ni Lyle. Kung alam lang niyang may babaeng gustong-gusto siya.
"Should I chat with him instead?"
Umirap siya sa sinabi ko. "Bahala ka na nga."
Hindi ko na pinigilan ang sarili ko. I chatted with him and said hi. I waited for him to reply, but I just received a seen mode on him.
Tawa nang tawa si Mikaella sa akin. Dahil sa pagkairita ko I unfollowed Lyle and tried to avoid him or watch him at school. But one time, when I was alone inside a coffee shop, I saw his group.
Siguro ay hindi nila napansin na nasa gilid ako dahil nagagawa na nilang pag-usapan ang mga ka-department ko, some of them are my friends, until the conversation stopped with my name.
"How about Nica, Lyle, wala ka ba talagang type sa department nila?
"I don't have time to notice girls. I am focus to build my dreams, at hindi tumingin ng mga babae."
Malakas na sigawan ang narinig ko mula sa kaibigan niya, napairap na lang ako. Hihigop na sana ulit ako nang kape nang mapansin ko na parang may nakatingin sa akin, at muntik na akong masamid nang magtamang saglit ang mga mata namin ni Lyle.
Nagmadali na akong tumayo at tumalikod sa lamesa nila. Pero hindi ko inaasahan ang sasabihin niya. "Lyle is pretty but she's out of my league."
BINABASA MO ANG
Ocean of Feathers
Short StoryCollection of short stories dedicated to my angels. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.