The short story is dedicated to Alene Mae P. Balancar. Thank you for helping me during muting days!
Chapter 141
The sun was scorching hot. I couldn't stop fanning myself as if that would do anything in this blasted weather. I felt like my make-up had already melted. I kept wiping the sweat on my forehead and neck. I also had this urge to wipe my underarm but I stopped myself since we were inside the church.
Wala na nga akong maintindihan sa sinasabi ng pari dahil sa sobrang init.
Napalingon ako sa mga pinsan ko na may hawak na maliit na fan at kapwa sila nakangisi sa akin dahil hindi agad dumating ang order ko.
As if that fan could do more than my fanning, alam ko naman na naiinitan pa rin naman sila.
"Poor mo naman, girl," buo sa akin ni Iya.
I rolled my eyes. "Kahit sampu pa na ganyan ang bilhin ko, girl, hindi ko man lang ramdam sa bulsa ko."
"Bakit naman kasi ang late mo na mag-order alam mo naman na ngayong Saturday ang kasal, Alene."
"Nagkamali ako ng tingin sa calendar, e. Shut up na kayo, patay tayo sa lay minister."
Pero huli na ang lahat, lumapit na sa amin iyong isang lay minister at kunot na kunot ang noo nito sa amin. "Mga hija, kung hindi ninyo kaya na tumahimik sa loob ng simbahan ay lumabas na muna kayo."
Mabuti sana kung kami lang magpipinsan ang nakarinig noon, pero narinig na rin iyon ng ilang bisita na um-attend ng kasal.
Halos hindi na kami magkatinginan ng mga pinsan ko at taimtim na kami nagddasal.
Matapos ang kasal ay saka lang kami nag-usap at tipid kaming natawa sa isa't isa. "Grabe naman kasi ang mga pagka-marites," bulong sa amin ng pinsan namin na lalaki na dumaan sa upuan namin.
I thought it was just a usual wedding day. Hindi na rin naman bago sa magpipinsan namin ang um-attend dahil marami na kaming pinsan na ikinasal, but when I saw one of the unexpected visitors, nawala na iyong ngiti sa mga labi ko.
What was he doing here? Relative ba siya ng bride?
Iyong dalawang cousin ko ay napalingon sa akin nang makita nila si Seven. "Why is he here?"
"Alam mo ba ito, Alene?"
Huminga ako nang malalim at umiling sa mga pinsan ko. I thought I'd enjoy the food, but it was all tasted so bland. Ganoon siguro talaga kapag may tao ka na hindi gusto makita bago kumain.
I knew that he was trying to catch my eyes, but I'd been avoiding eye contact. Kaya nagulat na lang ako nang lumabas ako sa comfort room at naghihintay siya roon.
"Alene . . ."
Huminga ako nang malalim. "Wala na tayong dapat pag-usapan, Seven. Tapos na tayo."
"I can explain."
"Explain? Bigla kang nawala at walang paliwanag at ngayon bigla ka magpapakita? Para saan? Gago ka pala."
"I'm sorry . . ."
"Okay. Fine. Leave me alone."
Tatalikuran ko na siya nang bigla ulit siya nagsalita. "I got sick— very very sick. I got scared that I'd become your burden. You were chasing your career; you look so happy and get all your dreams. I don't want to slow you down, Alene."
Tumulo na ang luha ko at humarap ako sa kanya. "Then thank you for thinking of me, hindi mo man lang naisip na masasaktan ako? But anyway, wala na akong pakialam. Thank you, at least alam ko na."
Hindi ko na pinahaba pa ang usapan. Hindi pa man ako nakalalayo sa kanya ay may biglang may tumawag sa phone ko. It was Charles. "Babe, sunduin mo na ako rito. Sumakit bigla ang ulo ko."
"Alright. Wait for me, babe."
BINABASA MO ANG
Ocean of Feathers
Short StoryCollection of short stories dedicated to my angels. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.