Mariin siyang nakatingin sa akin habang hindi naman ako makatingin ng diretso sa kaniya.
"Wala naman akong magagawa diba? Ikaw naman talaga ang magdedesisyon dahil hawak mo naman ang puso ko."
Napayuko ako dahil sa sinabi niya.
Tumulo ang kanina ko pang pinipigilang luha at mas lalo lang sumakit ang dibdib ko.
Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa bago ko napagdesisyunang magsalita.
"Pero Augustus," simula ko.
Nagtama ang mga mata namin at nabasa ko sa kaniya ang pagkamuhi, sakit, takot, kalungkutan at pagmamakaawa.
Napalunok ako at yumuko nalang muli dahil hindi ko na din kayang ituloy ang sasabihin ko.
Hindi madalas magpakita ng emosyon si August kaya hindi ako sanay na makita siya na ganito.
My dear friend, my lover looks so vulnerable that I can't even look at him any longer.
"Bakit?" tanong niya.
Lumapit siya sa kinauupuan ko at tumapat sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga hindi pa natutuyong luha doon.
Tinitigan ko lang siya at nakita ko ang luha na pumatak sa mga mata niya. Pumintig ang sakit sa dibdib ko dahil sa nakikita.
"Bakit di na baby?" parang batang tanong nito bago napaupo sa harapan ko.
Nilagay niya ang braso niya sa kandungan ko at yumuko dito.
"Dati baby tawag mo sakin, bakit ngayon di na?"
Niyakap ko siya habang umiiyak dahil pakiramdam ko huli na ito. Sinulit ko ang bawat sandali na meron kami kahit ilang minuto lang.
How can a man this mighty becomes a baby in front of me?
How can I leave him if he's acting this way?
Matapos ang ilang sandali ay tumayo na muli siya. Kitang-kita ko ang pamamaga ng mga mata ni August mula sa pagiyak.
Hinawakan niya ang kamay ko saka hinalikan ang likod ng palad ko. Pagkatapos ay itinapat niya ang kamay ko sa dibdib niya, doon ay nararamdaman ko ang matinding pagkalabog ng puso niya.
"Shaf, kailan kaya ito mabubuo ulit?" madamdaming tanong nito at ngumiti ng tipid.
Napalunok ako at marahang binawi ang kamay ko. Tumayo ako at matapang na hinarap siya.
"Hindi tayo titigilan ng tadhana hangga't di niya nakukuha ang gusto niya," pagpapaintindi ko sa kaniya.
He just stared at me as if he doesn't care about anything.
"Magiging maayos ka din, mawawala din ang pagmamahal natin sa isa't isa," pangungumbinsi ko.
Lumapit pa ako sa kaniya at tinapat ko ulit ang kanang kamay ko sa dibdib niya.
"Gagaling din 'to."
Tinapat ko naman ang kaliwang kamay ko sa dibdib ko.
"Pati ito, gagaling din."
Nilapit ko ang muka ko sa niya at saka siya hinalikan, hindi iyon tumagal at lumayo na kaagad ako.
"Pero hindi ngayon. August, bigyan muna natin ng oras ang ating mga sarili."
Tinignan ko siya na punong-puno ng pagmamahal bago ako tumalikod.
Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay nagsalita siyang muli.
"Hindi ko maintindihan kung bakit lagi ka na lang tumatakbo tuwing nasasaktan ka. Lagi mo nalang tinatapos ang lahat kapag hindi mo na kaya."
Nagulat ako sa realisasyon niya tungkol sa akin, na kahit sa sarili ko hindi ko maamin.
Dahil dito'y hinarap kong muli siya at sa pagkakataong ito ay iba na ang nabasa ko sa mga mata niya.
Determinasyon.
"Maaring ganiyan ka na talaga at hindi ko na kayang alisin iyan sa iyo. Pero pinapangako ko na sa susunod na magkikita tayo, hindi ka na tatakbo," he said and then he lovingly smiled at me.
"Dahil hinding-hindi ka na masasaktan sa piling ko."
BINABASA MO ANG
Let's Call It A Day (Sandoval Series #1)
RomanceKapag naglalaro ng tagu-taguan ang mga bata, kung sino ang unang sumuko ay siyang talo. Kapag sa marathon, kung sino ang huminto sa pagtakbo ay hindi makakamit ang premyo. Kapag mahaba ang pila sa jeep at tirik na tirik ang araw, kung sino ang sisil...