Kabanata 5
DeterminationNagmamadali akong bumaba ng hagdan habang buhat buhat ko ang malaki kong backpack. Late na naman kasi kami nagising ni Sahara, nakailang missed calls na pala si August.
"Sahara! Bilisan mo na!" Sigaw ko.
"Oo ito na." Narinig ko pa ang pagbagsak ng susi.
Pareho kaming tarantang taranta na. Alas cuarto kasi ng madaling araw ang usapan namin, para sana hindi kami mahirapan sa byahe pa La Union, kaya lang anong oras na din kami natulog kakasukat ng mga damit sa susuotin namin.
Pagbukas ko ng main door ay tumambad doon si August na akmang bubuksan na ito. Busangot na siya at halatang inip na inip dahil sa amin.
"Sorry na!" Agad ko siyang sinalubong ng yakap.
Hindi naman siya sumagot at inabot nalang ang mga dala ko.
"Camera?" Tanong niya.
"Here," saktong dating ni Sahara na dala ang lalagyan ng camera.
Luminga ako para hanapin ang sasakyan namin pero wala akong nakita.
"Anong sasakyan natin? Lalakad lang tayo?" I sarcastically asked.
Sinagot lang ako ng irap ni Sahara.
"Yung Wrangler niyo daw ang gagamitin natin. Yung kapatid mong bunso ang may pakana, sinabi sa Mommy niyo na gagamitin niya," pagpapaliwanag ni August habang gingilid ang mga gamit namin.
Ilang saglit lang ay lumabas na mula sa garahe ang sasakyan namin, dala ng isa naming body guard. Nang huminto ito ay pinagtulungan na naming ilagay ang mga gamit sa loob.
Nagpaalam lang kami sa ilang katulong at nagbilin na rin para sa bunso naming kapatid na siyang maiiwan, tumulak na rin kami.
"Seatbelt," paalala ni August nang palabas na kami ng Jairo Antoas, agad naman akong tumalima.
I am on the shot gun seat, habang si Sahara naman ay nasa likod at nakahiga, nakakumot at unan pa. Puyat rin kasi siya dahil sa ilang mga exams nung nakakaraan kaya talagang bagsak siya kaagad hindi pa man kami nakakalayo.
Sa Baguio kami dumaan para dumaan na rin sa isang fast food restaurant. Gising na gising na ang syudad kahit ala sinco palang.
Dalawa lang ang tao sa loob ng fast food at ilang mga crew na bumati sa amin nang pumasok kami at dumeretso kaagad sa counter, wala rin namang pila.
Namimili ako ng mga bibilin habang nasa likod ko si August ay nasa likod ko. Hindi ko alam bakit sumama pa siya, gayong alam ko naman ang oorderin niya.
Ayaw ko talaga siyang kasama kapag namimili ng pagkain dahil pabigat siya, laging nagkakamali ang babaeng nasa counter ng pag punch ng order namin dahil sa kaniya.
Bukod sa madami siyang gusto ay nakakaapekto din ang presensya niya. He jokes around most of the time, nawawala tuloy sa focus kapag babae ang nasa cashier.
At mas lalo kong ayaw siyang kasama kapag nagkakataon na may mga kakilala siya.
"Sir August!"
Palapit ang co-teacher ni August na kakikilala ko lang ilang araw ang nakakaraan. Ngiting ngiti pa itong bumati sa amin.
Pinakilala niya rin ang mga kasama niya, dalawang babae at isang lalaki na pinsan niya daw. Ngumiti lang ako bilang respeto.
Rebecca San Andres, pagkakantanda ko sa pangalan niya.
"Saan po kayo pupunta niyan?" Rinig kong tanong nito habang nag babayad ako.
BINABASA MO ANG
Let's Call It A Day (Sandoval Series #1)
RomanceKapag naglalaro ng tagu-taguan ang mga bata, kung sino ang unang sumuko ay siyang talo. Kapag sa marathon, kung sino ang huminto sa pagtakbo ay hindi makakamit ang premyo. Kapag mahaba ang pila sa jeep at tirik na tirik ang araw, kung sino ang sisil...