Kabanata 2

54 3 0
                                    

Kabanata 2
Akin

"Anong oras ang uwian mo Shafiera?" tanong ni Mommy sa akin habang kumakain kami ng agahan.

I checked my watch first before answering.

"Mga ala sinco po, Mommy."

Binalik lang niya ang tingin niya sa pagkain at tumango tango.

"Ikaw Kuya Sylas? Aalis ka?" tanong ko sa kapatid ko na tahimik lang na kumakain sa tabi ko.

Napangiwi lang ako nang hindi niya ako pinansin. Wala na naman sa wisyo ang kuya ko.

"Umuwi kayo ng maaga, dito maghahapunan ang mga Zapanta," anunsyo ni Mommy.

Agad na bumalik ang tingin ko kay kuya at napaismid nalang. Kaya pala.

Ilang minuto pa kaming tahimik na kumain. Walang nagsalita hanggang sa matapos kami.

Kaagad namang nilinis ng mga katulong ang pinagkainan namin. Nagpasalamat ako at lumabas na ng dining room.

May pasok ako ngayon sa ospital para anim na oras na duty kaya nagmadali na akong umakyat.

Pero wala pa ako sa kalahati ng hagdan nang tawagin ako ni Mommy.

"Po?"

"Sabihan mo na yung dalawa mong kapatid na kumain na kamo. Tanghali na naman silang gumigising."

Tukoy ni Mommy sa dalawa kong nakababatang kapatid. Isang nagaaral ng Pre-med at isang Senior Highschool student.

Napakamot lang ako sa ulo ko.

"Mom, madaling araw na nagsitulog yung mga yun."

Nagpatuloy nalang akong umakyat nang di niya ako sinagot.

"At Shafiera," pahabol muli nito.

Napahinto ako ulit at naiinis nang humarap ulit sa kaniya.

"Ano na naman?" Inis na tanong ko.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at tinitigan ako. Hindi siya nagsalita ng isang minuto kaya nainip na ako.

Akmang aakyat na muli ako nang sa wakas ay magsalita na si Mommy, pero parang gusto ko nalang tumuloy umakyat nang mapagtanto ko kung ano ang gusto niyang sabihin.

"Magkasama na naman kayo ni August kahapon a. Sinasabi ko sayo Shafiera ah, kaibigan ko ang Mama niyan. Kahit sino wag--"

Hindi ko na siya pinatapos at nagpatuloy na ako sa pagakyat dahil sa inis.

"Wag kang magalala, Mommy. Wala naman talagang pagasa," malungkot na bulong ko sa aking sarili.

Pinatunog ko ang alarm ng sedan ko at bumaling sa kapatid kong bunso.

"Ate, waffles ah!" Bilin nito bago inabot sa akin ang jacket ko.

"Oo na! Sige!"

Narinig ko pa siyang magbunyi bago ako sumakay sa kotse ko.

Tatlumpung minuto ang lumipas bago ako nakarating sa ospital na pinapasukan ko.

Alas otso pa naman ang duty ko kaya dumaan muna ako sa cafe sa tabi ng ospital para bumili ng inumin.

Iilan lang ang tao sa cafe kaya mabilis lang din ako nakalabas.

Pagdating ko sa reception ospital ay naabutan ko doon si Abigail na parang wala sa sarili.

"Oh anong nangyari na sayo?" bati ko sa kaniya.

Bigla siyang nabuhayan nang makita ako.

"Fiera, antok na antok pa ako," reklamo nito.

Let's Call It A Day (Sandoval Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon