Kabanata 3

53 2 0
                                    

Kabanata 3
Similarity

"Ate, wag ka na sad," sabi ng katabi ko na si Sahara.

Isang oras pagkatapos ng dinner namin ay bigla na lamang pumasok sa kwarto ko si Sahara—pang apat sa aming magkakapatid. Nakapajama na ito at handa nang matulog.

Nakayakap pa din sa akin ang pinaka clingy naming kapatid, habang pinapagaan ang loob ko.

"Alam mo ate, takas tayo!"

Hindi ako makapaniwalang tinignan siya.

"Ano kamo? Adik ka ba?" I chuckled.

Tumahimik kami ng ilang minuto, akala ko'y tulog na siya kaya nagulat ako nang agaran siyang umupo.

Nahampas ko siya dahil sa gulat. "Ano ba! Matulog ka na nga!"

Umiling iling siya. "Hindi ate! Takas talaga tayo!"

Seryoso siyang tumingin sa akin.

"Aalis si Mommy, Daddy at Kuya next week, narinig ko kanina na pinaguusapan nila. May overall board meeting sila sa Manila, isang linggo sila dun dahil hihintayin muna nila na makaalis si ate Meadow!"

Napaupo din ako dahil sa sinabi niya.

Hindi ako sigurado kung tama ba ang gagawin namin dahil paniguradong malalaman ni Mommy ito.

"Tara kasi ate! Wala akong pasok next week ng tatlong araw! Punta tayo nila August sa La Union!"

Ang likot likot niya kaya tumayo na ako at inabot ang lampshade. Bumaha ng liwanag kaya nakita ko na ang determinasyon sa muka ni Sahara.

"At paano tayo aalis at makababalik na hindi nila malalaman aber?" Nakapamaywang na tanong ko.

"Problema ba yun?"

She just smirked and stood up too.

Lumapit ang kapatid ko sakin at hinawakan ang magkabila kong balikat.

"Our youngest sister has only two major characteristic, genius and manipulative," she said.

"And she's the easiest to bribe too," she continued and winked at me.

Mayabang itong nagkibit-balikat.

Maya-maya ay tumalon na siya pahiga sa kama ko at nag aya nang matulog.

Kalalabas ko lang ng banyo nang magring ang phone ko. Nagvivibrate ito at nakapatong sa beside table ko, kaya bago pa malaglag ay tinakbo ko na.

Hindi ko na tinignan pa ang caller ID at sinagot na kaagad.

"Shaffy," sagot ng nasa kabilang linya.

Napatingin ako sa screen at si August pala ang tumawag.

"O-oh yes?" I asked stuttering.

Napaupo ako sa kama habang nagsasalita siya habang pinupunasan ang basa kong buhok ng tuwalya.

"Yung sasakyan mo na nasa ospital, dinaanan ko na, dadalin ko jan. Papunta na ako," he informed.

Tumango ako kahit hindi niya nakikita.

Sumagi sa isipan ko yung sasakyan ko. Nakalimutan ko na pala yun dahil sa mga nangyari kahapon.

"Sige, sige. San ka na?"

"Here."

As if on cue, I heard a car's annoying horn from downstairs. Napatayo ako at tumakbo palabas.

Pagbukas ko ng entrance door, ay nandoon na nga siya at nakasandal sa pula kong sasakyan.

Lumapit siya sa akin at inabot ang susi ng sasakyan ko.

Let's Call It A Day (Sandoval Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon