Kabanata 4
ArawNakabukas ang bintana at dinadama ko ang malamig na hangin habang nagbabyahe kami papunta sa bahay ni August.
Tag ulan na rin at mas lumalamig na ang panahon. Madalas na rin akong nakakapansin ng mga nakakalat na mga pulis at nakaantabay sa anumang hindi inaasahang pangyayari.
Sanay na rin ang mga mamamayan sa mga kinakailanganf pagsasaayos tuwing ganito ang panahon. Mayroon ding mga daan na sinasara at inaabiso na dumaan na lamang sa mas ligtas.
Magdamag din kasing umulan kaya sa alternative route kami dumaan. Paikot kami sa Crystal lake at kitang kita ang ganda ng tanawin.
Hindi naman malayo ang bahay ni August, ilang street lang mula sa University. Nang nakita ko na ang taniman ng mga strawberry ay kita na rin ang bahay niya.
Hininto ni August ang sasakyan niya sa harap ng gate, lumabas din siya para buksan ito. Habang ako ay nanatili lang sa sasakyan.
Wala ang mga magulang niya dito. Noon ay magkakasama talaga silang buong pamilya dito sa Jairo Antoas pero napag desisyonan ng mga magulang niya na umuwi na lamang sa hometown nila, sa Bulacan limang taon na ang nakakaraan.
Isang malaking sakripisyo ang ginawa ni August nang nanatali siya dito. Ayaw niya din naman kasi na itigil ang pagaaral niya, na noong panahon na iyon ay kapapasok niya palang sa kolehiyo.
Saglit lang ay bumalik na din si August at pinasok na ang sasakyan sa bakuran niya. May dalawa lang na palapag ang bahay nila, kulay puti ito at gawa sa bato ang ibaba habang kahoy naman ang itaas.
Marami ring tanim na bulaklak sa paligid. Kapag summer ay masarap magpahinga dito, tahimik kasi at may duyan din siya sa likod bahay na pinaka paborito kong parte nito.
"Kelan niyo ba plano na pumunta sa La Union?" Tanong ni August habang niluluwagan ang neck tie niya, nasa kusina kami.
"Sabi si Sahara may wala daw siyang pasok next week, ikaw ba?" Sagot ko sa kaniya nang hindi siya nililingon, nagtitimpla kasi ako ng hot chocolate.
"Ah oo! May nabanggit sa akin si Ica kanina na may ilang araw daw na bakasyon sa susunod na linggo ba iyon na nga," sagot niya.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at ang pagpiga ng puso ko, binuksan ko nalang ang overhead cabinet ay naghanap ng asukal.
Napansin siguro niya na may hinahanap ako kaya lumapit siya para buksan ang pangatlong cabinet at kinuha ang asukal para iabot sa akin.
Binuksan ko ang bote at tinantsa ang asukal ng inuminan niya. Hindi ko nilagyan ang sa akin dahil gusto ko ang natural na lasa.
"Magbihis ka na, sa sala nalang tayo," utos ko sa kaniya,
Hindi na siya sumagot at tumalima na lamang.
Sa pangalawang palapag ng bahay ang kwarto niya, sa totoo lang ay wala akong ideya kung ano ang itsura nito. Kahit naman kasi ako ang best friend niya, maprinsipyo talaga siya, hindi niya hinahayaan na makapasok sa kwarto niya ako o kung sino man.
Sabi niya noon ay hindi kasi talaga maganda tignan at naniniwala ako doon. Madalas talaga niya akong napapahanga dahil sa kaniyang hindi mabaling prinsipyo at respeto sa akin at sa lahat.
Kaya nga hindi mahirap na mahulog sa kaniya, kahit pinigilan ko pa.
Bumaba rin siya pagkatapos ng ilang sandali, naka suot na siya ng puting v-neck shirt at khaki short, nakasalamin na rin siya. Dala dala niya rin ang laptop niya.
"Magsearch na tayo ng mga lugar na pwedeng puntahan at magbook na rin tayo ng hotel kung sakali. Ayusin na natin ang itinerary," sinasabi niya habang inaayos ang laptop sa center table ng sala niya.
BINABASA MO ANG
Let's Call It A Day (Sandoval Series #1)
RomanceKapag naglalaro ng tagu-taguan ang mga bata, kung sino ang unang sumuko ay siyang talo. Kapag sa marathon, kung sino ang huminto sa pagtakbo ay hindi makakamit ang premyo. Kapag mahaba ang pila sa jeep at tirik na tirik ang araw, kung sino ang sisil...