Kabanata 7

29 2 0
                                    

Kabanata 7
Stole

Hindi lang naman si Rebecca ang unang babaeng humahabol kay August. At hindi lang din si Zeke ang unang lalaki na binugaw niya sa akin.

Alam ni August na hindi pabor ang Mommy ko sa kaniya, kaya hindi ako magtataka na iyon ang dahilan kaya hindi niya ako binibigyan ng pagasa.

Pero yun nga lang, hindi naman talaga ako sigurado kung gusto niya ba ako.

Madalas man kaming magkasama, napapagkamalan na nga kaming magkarelasyon, pero sa totoo lang nito ay hindi ko maiwasang isipin na baka nga kaibigan lang ang tingin sa akin ni August sa akin.

Kaya lang tuwing kami lang dalawa ay binibigyan niya ako ng pakonti konting pagasa. Sa bawat sulyap niya, sa mga malambing niyang kilos, naiisip ko na baka sa akin lang siya ganito.

Punong puno ng baka sakali ang utak ko, pero ang nakikita ko ay malinaw na sagot; hindi ako gusto ni August.

Sa bintana lamang ako nakatingin, pinili kong maghead phone para makinig ng mga paborito kong kanta kaysa hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumingin sa unahan.

Nakipagpalit ako kay Sahara, siya na ngayon ang sa passenger seat. Hindi na naman siya nagtanong nang sinabi ko ito.

Pagkatapos ng usapan namin kahapon ni August ay umalis na lang ako para bumalik sa kwarto. Hindi na ako lumabas doon hanggang sa pinilit na ako ni Sahara na mag agahan kinabukasan, pumayag ako kasi hindi naman namin kasama si August.

Sa totoo nga lang ay hindi ko na siya nakita hanggang sa magcheck out kami sa hotel at magsakay na ng gamit sa aming Wrangler.

Ngayon ay magaala una na at paakyat na kami ng Kennon Road.

Hindi ako nakatulog ilang oras naming byahe palabas ng La Union, hindi kasi ako mapakali at gusto ko nalang makauwi sa amin.

Mahigit isang oras pa ang lumipas at nakarating na kami sa Baguio, at kung sinuswerte ka nga naman, kailangan kasing pumunta ng kapatid ko sa isang university dito kaya ako lang at si August ang maiiwan.

Binaba namin si Sahara sa entrance ng school, nanghihingi ng tawad ang nabasa ko sa mga mata niya. Bumuntong hininga lang ako at tinanguan siya.

Akala ko'y aalis na kami nang biglang bumukas ang pintuan sa tabi ko, bumungad doon si August. Napatingin tuloy ako sa upuan niya, na sa pagaakala ko'y nandoon siya.

Gulat man ay hindi parin ako makatingin ng diretso sa kaniya pero pinilit kong magpakapormal.

"Ano?" tanong ko.

Bumuntong hininga ang lalaki at pinameywangan ako, saka niya tinuro ang passenger's seat. Kinakabahan man ako agad akong tumalima para lang hindi na tumagal pa ang usapan.

Sa buong byahe namin pabalik ay hindi pa rin kami nagpapansinan, maliban nalang nang tinanong niya ako kung gusto kong kumain. Mabilis naman akong umiling.

Hanggang sa makauwi ako at paalis na siya ay simpleng tango lang ang ibinigay ko sa paalam niya.

Magkasamang galit, kalungkutan at hiya ang nararamdaman ko tuwing nasa paligid siya. Hindi ko maiwasang kabahan na baka hindi na namin ito maiayos muli.

"Ate pasalubong?" Makulit at masayang bungad sa akin ng bunso naming kapatid.

Nginitian ko lang siya at pinisil ang pisngi niya. Nagaabang pa din ang mga mata niya.

Let's Call It A Day (Sandoval Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon