Binuksan ko ang kortina ng aking kwarto at bumungad sa akin ang nakakasilaw na liwanag.
Dumeretso na ako sa banyo para maligo at mag-ayos.
Pagkatapos ko ay lumabas na ako at nag simulang maglakad papuntang school. Habang naglalakad ako ay may naramdaman akong naglalakad din sa likod ko, hindi ko sana ito papanasinin dahil baka kasi ay isa lang din itong taong aalis. Pero sa paglingon ko ay nagulat ako sa nakatitig sa akin habang naglalakad, si Kyle Kupal.
HINDI MAN KAMI sabay lumakad papuntang school ay sabay naman kaming pumasok ng room, magkabilaan na pinto. Agad akong binati ng bestfriend ko, nauna na pala siya.
"Aga mong pumasok ah?" pang-aasar niya
Actually maaga talaga akong pumapasok, ngayon lang ako tinanghali dahil nalate ako ng gising. Si Kyle Kupal naman ay laging late pumapasok, ewan ko diyan sa isang 'yan.
Nag-umpisa na ang klase at tulad ng dating gawi, hindi ako nakikinig habang nakatitig sa Kupal. Paminsan minsan ay nahuhuli ko ring nakatingin sa akin si Kupal pero agad din siyang nag-iiwas ng tingin.
'Ba't kaya siya tumitingin sa akin?'
Pero nag talong muli ang isip ko at nasabing 'Baka naman hindi sa akin nakatingin kundi sa katabi ko o sa kung sinong malapit sa akin'
Umiling muli ako at naisipang mag pasalamin sa darating na bakasyon.
PAGKATAPOS ng klase ay sabay kaming pumunta ni Bading sa canteen.
"Oy libre mo 'ko ah?" inirapan ko na lang siya "Lah! Sinabi ko 'yun nung uwian kahapon ah?"
"Wala akong pera. Tsk. At saka dapat nga ikaw 'yung nanlilibre eh."
"Osige!"
"Huh?" naguguluhang tanong ko
"Ililibre kita!"
"For the first time!" sabi ko at nagtawanan kami bago umorder
"AYAW MO talaga?" tanong niyang muli
"Hindi na nga. Okay lang. Dirediretso na lang ay bahay ko na."
Paano ba naman kasi, gusto pa akong ihatid ni Bading sa bahay. Edi pabalik balik siya.
Tinanaw ko ang daan papuntang bahay habang nakatayo ako sa tapat ng bahay ni Harold at katabi siya na nakakunot ang mga noo.
"Simula nung kahapon na hindi kita hinatid eh ayaw mo nang hinahatid ka."
Oo, totoo 'yun. Sanay akong lagi niyang hinahatid pero syempre kailangan kong maging independent.
"Ano ka ba! Tampo na naman eh. Haha." at saka pabiro ko siya hinampas sa braso "Oo nga pala, umpisa na ng liga bukas ah?" pag-iiba ko ng usapan
"Ahh. Oo. Sila Kyle 'yung may laro."
"Talaga? Sige. Punta ako bukas, deretso na lang ako sa court." kumaway ako sa kanya habang patalikod na lumalakad
"Ayaw mo talagang mag pahatid?" sigaw niya nang makalayo ako kaya naman lumingon ako sa kanya at nginitian siya
"OH? SAAN ang punta mo?" tanong sa akin ni mama ng makita niyang bagong ligo ako
"Porket naka ligo lang aalis na, Ma."
"Aba oo naman, walang pasok ngayon, Teshi. At sa pagkakaalam ko ay hindi ka naliligo kapag walang pasok." pinagtaasan niya ako ng kilay
Tinawanan ko na lang siya at hinalikan sa pisngi bago ako lumabas ng bahay. May pahabol pa siyang sigaw pero umiling na lang ako ng palihim habang natatawa. Alam na alam talaga ng mga sariling magulang ang gawain ng isang anak. Tsk.
BINABASA MO ANG
Crush On Crash
Short StoryCrash On Crush (Xad Xtory Series #4) ------------------------- Crush? Meron ako nun. Meron sila nun. Ikaw? Meron ka din nun diba? Pinaasa ka ba? Masakit ba? Masakit bang hindi pinapansin? Binabalewala? Pero bakit nga ba tayo binabalewala, iniiwasan...