"Ahh, eh ano. Kasi..." napakamot ako sa batok ko dahil hindi ko alam ang sasabihin!This is the first time that's someone asking for my permission para ligawan ako! Nahihiya ako at the same time hindi kayang magsalita ng bibig ko.
"I take that as a yes." ngumisi siya at inakbayan ako
Nahihiya akong ngumiti sa kanya kaya naman napatawa siya sa itsura ko.
Argh!
-----------------------Harold's Point Of View
Nakamasid ako sa kanilang dalawa habang naglalakad nang magka-akbay...
Nasasaktan ako kasi may ibang taon nang nagpapasaya at nagpapatawa sa kanya ngayon. Masakit pa lang makita na masaya siya kahit wala ka.
Ansakit pa lang kahit hindi ako nag-attempt na manligaw at na busted mo, bakit ba kasi ang torpe ko? Sana naging matapang lang ako at sinubukan ko. Ang kaso... Naunahan na ako ng iba...
Hindi ko namalayan na may tumulo na pa lang luha galing sa aking mata habang nakatingin sa kanilang dalawa mula sa malayo at nasasaktan.
Gusto kong magselos pero wala akong karapatan kasi nga walang tayo. Oo, siguro pwede akong magselos pero hindi sa pagmamahal na dahilan kundi sa pagiging kaibigan na napag-iwanan.
Pero alam mo, okay lang kasi nakikita ko naman na masaya ka ngayon. Sana kapag dumating yung araw na sasagutin mo siya, hindi ka niya iwan, hindi ka niya sasaktan, at hinding hindi ka niya kailanman papaiyakin sa lungkot. Sana umiyak ka lang dahil sa sayang mabibigay niya sa'yo.
Pinunasan ko ang luhang kanina pa sunod-sunod na tumutulo sa pisngi ko at tumalikod.
'Sorry Shan kung kailangan kong lumayo sa'yo ng di nagpapaalam, babalik din naman ako. Pero matatagala siguro ako. Sana intindihin mo ako kasi nasasaktan din ako eh. Mahal na kasi kita, Shan. Ingatan ka.'
Sabi ng aking isipan habang naglalakas papunta sa kawalan.
--------------------------------
Ilang linggo na ang lumipas at alam kong may kulang sa bawat araw na lumilipas. Alm ko rin kung ano, o kung sino ang kulang. Hindi ako bulag para hindi ko malaman kung sino iyon.
'Asaan ka na, Bes? Harold? Bading? Ba't bigla kang naglaho? Akala ko ba walang iwanan? Andaya mo naman di mo man lang sinabi sa'kin kung bakit bigla kang nawala.'
Napabalik ako sa realidad nang nagsalita ng malakas ang guro namin
"Okay, so find your partner." utos nito at agad namang nagsitayuan ang mga kaklase ko para hanapin ang kanilang partner
'Tsk. Hindi ko pa naman ka schoolmate/classmate si Lloyd. Tapos wala pa si Harold.' napabuntong hininga na lang ako at sumimangot
Napabaling sa akin ang aming guro kaya naman umayos ako ng upo at nagkunwaring humahanap ng kapareh.
"Oh, bakit wala ka pang partner?" tanong nito na akala ko'y matatakasan ko "Class? Sino pa walang ka-partner diyan?" tanong niya at pinasadahan ng tingin ang room
"Ayyy partner ko na si Josh ehh"
"Hahaha"
"May partner na ako sir eh"
Sagot ng mga kaklase ko.
Nagtaka naman ako nang bigla silang tumahimik at nagtinginan. Maya-maya pa'y nasa iisang lugar na lang kung saan nakatingin ang kanilang mata.
Tumayo ako para tignan ang tinititigan nila ngunit nakatalikod ito sa akin at kaunting buhok lang niya ang nakikita ko.
Heck. Hindi ko pa naman kabisado mga classmates ko.
BINABASA MO ANG
Crush On Crash
Short StoryCrash On Crush (Xad Xtory Series #4) ------------------------- Crush? Meron ako nun. Meron sila nun. Ikaw? Meron ka din nun diba? Pinaasa ka ba? Masakit ba? Masakit bang hindi pinapansin? Binabalewala? Pero bakit nga ba tayo binabalewala, iniiwasan...