Tinakpan niya ng panyo ang buo niyang mukha. Natawa naman ako. Napansin ko ring namumula ang kanyang tenga kaya naman tinapik ko ang kamay niya sa mukha niya at inilahad nag isang kahon.
Pagkaalis niya ng panyo ay nagulat ako dahil namamasa at medyo namula ang kanyang mga mata.
"Hala. Umiyak ka nga." sabi ko at natawa nang bahagya
Pinunasan niyang muli ang kanyang mata at niyakap ako ng mahigpit.
"Grabe ka naman Bading. Haha."
Suminghot singhot siya at bumitaw sa pagkakayap sa akin.
"Masaya lang ako."
"Asus! Oh!" pag-abot ko ng kahon
"Ano 'to?"
"Kahon." sinamaan naman niya ako ng tingin "Malamang regalo!"
"Thank you, Shan."
"Osige na. Umuwi ka na at sa bahay niyo na lang ituloy ang pag-iyak mo. Hehe."
"Ikaw Shan ah. Pag nakita kitang umiyak tatawanan din kita."
"Haha. Oo na." tinawanan ko ang mukha niya "Oh, birthday kiss."
"H-Ha?" naguguluhan niyang tanong
"Birthday kiss. Ayaw mo? Edi ikaw na lang, kiss mo ko." at iniharap ko ang pisngi ko sa kanya
Napatitig naman siya sa akin at parang hindi makagalaw kaya naman humarap ako para sana sermonan siya ngunit sa pagharap ko pala nagsalubong ang mga labi namin. Bigla siyang napamulat at umatras.
"S-Shan...."
"Ano ka ba! Okay lang, Bestfriend naman kita eh. Pero nakareserved kasi kay Kyle 'tong fist kiss ko eh. Hahaha. Ikaw ah."
"S-Shan... A-Ano...."
"Inunahan mo si Kyle ah. Hahaha. O siya sige. Umuwi ka na baka maiyak ka uli."
Namula naman siya at tumungo.
"Hahaha. Biro lang. Sige na medyo madilim na rin."
"Sige. See you when I see you." paalam niya
"Ingat!" kumakaway ako habang pinagmamasdan siya paalis
------------------Harold's Point Of View
Pagkauwi ko sa bahay ay dumeretso agad ako sa kwarto ko dahil sa excited na ako sa kung anong laman ng kahon na ibinigay ni Shan.
Umupo na ako sa kama nang kumatok si mama s pinto ng kwarto.
"Anak?"
"Po?"
"Kain ka na."
"Opo. Mamaya na Ma."
"Ayy bahala ka. Basta nasa lamesa na ang pagkain mo." at saka ko narinig ang paalis na yabag ni mama
Tinanggal ko ang tali ng kahon at tinanggal ang takip nito. Pagkabukas ko ay biglang sumabog (Hahahaha) akala ko ay nasira ko ito. 'Yun pala ay ganto ang design nito. Sa pagkakaalam ko Explosion Boxs ang tawag ng mga kaklase ko dito.
"Effort mo Shan ah." bulong ko sa sarili ko
Tinignan ko ang bawat side nito. Puro picture naming dalawa. Minsan ay picture ko na kasama ang barkada at iba pa. Basta puro picture ko na kasama siya. Sa gitna naman ay parang may isang maliit na bersyon ng Explosion Box pagkatanggal ko ng takip ay bumulagta ang nakasulat na 'I Love You Bading' na naka calligraphy at meron sa likod nito ay isang sulat.
BINABASA MO ANG
Crush On Crash
Truyện NgắnCrash On Crush (Xad Xtory Series #4) ------------------------- Crush? Meron ako nun. Meron sila nun. Ikaw? Meron ka din nun diba? Pinaasa ka ba? Masakit ba? Masakit bang hindi pinapansin? Binabalewala? Pero bakit nga ba tayo binabalewala, iniiwasan...