Chapter 4

12 2 0
                                    

Alam ko namang halata na sa akin galing yun pero nagulat pa rin ako at kinakabahan kung anong sasabihin sa kanya. Kaya nakatunganga lang ako sa harap niya habang nag-iisip ng sasabihin.

"Ahh.... K-Kyle....." panimula ko habang nag kakamot ng batok

"Tesh, siguro naman nung umpisa pa lang alam mo na..... pasensiya na pero....." hindi niya malaman kung anong tamang sasabihin sa akin para hindi ako masaktan, pero kahit anong lumabas pa man sa bibig niya ay masasaktan ako

Humigop ako ng hangin at nagsalita, "Oo. Alam ko, alam kong hindi mo ako gusto at hinding hindi mo magugustuhan. Pero may hiling sana ako sa'yo, wag mo naman sana akong mas pagmukhain na tanga. Oo, aminado na akong tanga ako pero 'yung ipapamukha mo pa sa akin, double kill na 'yun. Alam mo ba? Ang tanga tanga ko dahil nagustuhan pa kita. Napaisip nga ako minsan kung bakit ikaw pa." hindi ko namalayan na may tumutulo na pa lang luha sa mata ko

"Sige. Lalayuan na kita, tatanggalin ko na ang feelings ko sa'yo, tatapusin ko na ang pagtatanga tangahan ko." pagpatuloy ko pero hindi pa rin siya umiimik "Ano? Okay na ba? 'Yun naman diba ang dapat na sasabihin mo? Pwede na ba akong umalis, ha?"

Hindi ko na siya pinagsalita pa at tumakbo na papalayo. Ansakit pala ng rejection.

Habang papalayo ako ay nakatingin lang ako sa sahig at hindi ko alam kung saan ako balak ipunta ng aking mga paa.

"Antanga ko. Sobra. Bakit ang sakit sobra sa puso? Crush ko lang naman siya eh, ba't ko siya iniiyaka? Alam kong di ako kagandahan at 'yung mga babaeng tipo niya, given na 'yun. Sana hindi na lang pal---"

Napatigil ako sa pag-iisip at pagkausap sa sarili ng tumigil sa paglalakad ang paa ko. Napadpad ako sa rooftop ng isang building. Hindi ko alam kung paano ako napunta at napasok dito pero hindi na 'yun mahalaga pa. Ang sinasabi lang ng utak ko ay tumalon pababa.

"Ba't kaya dito mo ako pinadpad paa? Siguro alam mo rin ang nararamdaman ko kaya dito mo ako dinala."

Humakbang ako palapit sa dulo.

"Kyle, alam kong wala kang gusto sa'kin kaya alam ko rin na kapag namatay man ako ay wala kang pakialam."

Humakbang akong muli.

"Lord, pasensya na po sa gagawin kong kasalanan ngayon, ang pagbawi sa bigay mong buhay. Pero hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Ang hirap."

Humakbang akong muli. Isang hakbang na lang ay, wala na finish na. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman muna ang sariwang hangin na dumadapo sa aking mukha.

Unti-unti kong inihahakbang sa hangin ang isa kong paa. Kapag nalagay ko na ang bigat ko rito ay  babagsak ako mula sa mataas na building na ito.

Isang buntong hininga at------

Bumagsak ako sa isang matigas na sahig. Hindi pa ako patay. Hinilot ko ang sentido ko dahil sa sakit na natamo nang bumagsak ako. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang lalaking humila sa akin.

Hindi ko alam pero nag-unahan sa paglabas ang mga luha mula sa aking mga mata.

Ngayon ko lang narealize, mahal ko pala siya hindi lang paghanga ang meron ako sa kanya kundi pagmamahal din. Kaya pala ganto kasakit.

"HOY! ANO SA TINGIN MO ANG GAGAWIN MO?" napatigil ako  sa pag-iyak at napatingin sa lalaki

"B-Bakit?"

"MAGPAPAKAMATAY KA BA? TANGA TANGA KA BA!?" sigaw niyang muli

"BA'T BA KAILANGAN MONG SUMIGAW? Atsaka anong pakialam mo sa akin?"

"Ako? Ahh, wala naman."

"Wala naman pala eh, ba't mo 'ko pinapakialaman?" angil ko

"Wala naman talaga akong pakialam sa'yo kahit tumalon ka pa ngayon diyan. Naiisip ko lang dahil advance ako mag-isip na malulungkot ang mga pamilya't kaibigan mo sa oras na malaman nilang wala na ang tanga nilang anak at kaibigan." natahimik ako sa sinabi niya "Hindi mo ba sila naiisip? Yung mga taong nagmamahal sa'yo? Hindi ka lang tanga, selfish ka pa."

Natauhan ako sa sinabi niya. Pero mali naman atang insultohin niya ako.

"Ang iniisip mo lang kasi hindi ka mahal ng taong mahal mo kaya ka nagiging tanga." dagdag pa nito

Bago pa niya paulit-ulitin na laiting ako ay pinigilan ko na siya, "Hindi mo kasi ako naiintindihan. . . ."

"Alam ko. Mas malala pa nga sa akin. Ikaw ang walang alam sa nararamdman ko."

"Eh anong pake ko sa nararamdaman mo?" pananaray ko

"Wala. Pero ako, nagkaroon nang pakialam sa nararamdaman mo."

Napayuko na lang ako at hindi alam ang sasabihin.

Umupo siya sa tabi ko at bumuntong hininga.

"Alam mo ba....." napatingin ako sa kanya "Dapat gagawin ko rin 'yung katangahan na gagawin mo sana. Ganto kasi 'yon, paiksiin na lang natin para hindi mahaba."

Nakatitig lang ako sa kanya at nakikinig.

"I had many experience on rejections to many girls na niligawan ko. Pero di ako tumigil. Naghanap pa ako, hanggang sa may nakilala akong isang babae. Grabe ang tama ko dun. Pero alam mo 'yung masakit? Isang araw, matapos kong manligaw ng higit limang buwan ay tinawagan ako nung babaeng gusto ko. Akala ko 'yun na 'yun. 'Yung magiging kami na. Pero nung magkita kami, sabi niya hindi ako 'yung gusto niya at 'yung bestfriend ko 'yung gusto niya. Ansaya diba?" tumawa pa siya ng mahina

Hindi ko alam pero mayroong nagsasabi sa akin na may kasalanan ako sa kanya.

"Sorry..." ani ko

"Okay lang, ano ka ba." ngumti siya "Anong masasabi mo sa mala martyr na istorya ko?"

"Hmm..... Ang martyr mo. Hehe." biro ko at tumawa naman siya

"Sige. Aalis na ako ah?" paalam niya

"Sige. Ingat. Salamat sa pagligtas sa akin mula sa katangahan."

Paalis na siya ng tuliyan nang pinigilan ko siya.

"Hoy, Pogi! Pwedeng maging magkaibigan tayo?"

Ngumiti naman siya at tumango. Akala ko'y tuluyan na siyang aalis pero tumigil siya at lumingon muli sa akin.

"Accept mo mamaya friend request ko, Teshan Miey Sevilla ah?" saka siya umalis

Napakunot ang noo ko, paano naman niya ako nakilala?

Napayuko ako at nakita kong nakauniform pa ako at nakasuot ng ID.

KAYA PALA!

2 months later . . . .

"Rick una na ako!" paalam ko at dali-daling umalis dahil alam kong may naghihintay sa akin sa kanto

Binilisan ko ang lakad at nakita ko siya naghihintay doon habang nakasandal sa kanyang kotse.

"Uy, Bes!"

Lumingon siya at ngumiti bago lumapit.

"Shanny, may sasabihin pala ako....."

"Ano 'yun?" tanong ko kay Lloyd

Si Lloyd yung lalaking lumigtas sa akin nung muntikan na akong magpakamatay. Naging mag bestfriend kami simula nun. Kaya minsan ay nagmamadali akong umuwi dahil alam kong lagi siyang naghihintay sa akin.

"Kasi ano...." nahihiya niyang sabi at nagkamot pa ng batok

"Ano nga?" medyo natawa ako dahil sa kacute-an niya

"Ganto kasi 'yun, nung una kitang nakita, ano. Tapos nung---"

"Ano ba talaga 'yun? Deretsahin mo na lang kaya ako."

"P-Pwede bang manligaw?" seryoso nitong tanong

Napatulala ako sa tanong niya.
















To be continue........
Vote, Comment, and Share!
~Mr. JwP

Crush On CrashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon