Epilogue

7 0 0
                                        


Harold's Point of View

Hindi alam ni Shan na tahimik ako na nakasunod sa kanya.

Rinig na rinig ko ang mga hinaing niya at gustong gusto ko siyang yakapin para lang mapagaan ang nararamdaman niya ngayon.

Pero nananatili lang akong nakamasid sa kanya.

Nang makauwi na siya ay naglakad na ako pauwi at inalala ang mga sinabi ni Shan kanina.

"Alam mo ba Shan, sa totoo lang maganda ka. Cute pa nga eh. Pero hindi 'yan ang nagustuhan ko sa'yo, kung hindi ay yung ugali mo. Kasi masayahin ka, at ngayon lang kita nakitang umiyak nang ganyan. Sa babaeng katulad mo sobrang tapang mo dahil hindi ko alam kung paano mo naitatago mga hinanakit mo. Hindi kita nakitang umiyak sa harapan ng maraming tao. Gusto sana kitang lapitan at yakapin para may karamay ka at alam mong nasa tabi mo lang ako. Pero hindi ko nagawa kasi baka magalit ka sa'kin ayaw mo pa naman na may nakakakita ng kahinaan mo at ayaw mong may naaawa sa'yo. Sorry talaga Shan..."

Kyle's Point Of View

Ramdam ko na nahihirapan na sa pagsasalita si Tesh pero nakatulala lang ako dahil bakit gan'to? bakit ko siya sinasaktan ng ganito?

Bago siya umalis sa tabi ko ay nakita kong pumapatak na ang mga luha sa mata niya.

Shit. Gusto gusto ko siya pigilan at yakapin para pagaanin ang loob niya at sabihing lahat ng sinabi ko kanina ay joke lang. Pero hindi ko nagawa, naduwag ako. Argh!

Nagpalipas lang ako ng saglit at napagdesisyunan na umuwi na.

Pagka-uwi ko ay dumiretso sa kwarto ko. Pagod kong ibinagsak ang katawan ko sa higaan.

"Argh! Sorry Tesh... Nagsinungaling ako sa'yo, oo hindi kami ni Grace. Sinabi ko lang yun sa'yo kasi gusto kong mawala ang nararamdaman mo sa akin dahil alam kong... may gusto sayo si Harold at mas gugustuhin ko pang maging kayo kesa tayo dahil nakikita ko tuwing magkasama kayo sobrang laki ng ngiti mo at tuwang-tuwa ka sa kanya. Masaya kayo sa isa't-isa. Kaya rin naman kitang pasayahin pero iba pa rin ang saya niyo pag mag kasama kayo. Oo masakit, masakit na pinaparaya kita kay Harold pero mas gugustuhin ko pang ako ang masaktan kaysa kay Harold dahil parang kapatid ko na rin yan si Harold.

Mahal kita Tesh pero hindi ko kayang sabihin masyado akong duwag. Kanina nung role play, yung mga sinasabi ko sa'yo nun ay totoo. Totoo yung mahal kita pero tulad nga ng sabi mo ay may mahal ka nang iba... Masakit, oo sobrang sakit.

Pero alam kong mas nasasaktan ka dahil akala mo ay pinaasa kita. Mahal na mahal kita pero kailangan kong magparaya at alisin itong nararamdaman ko sa iyo para sa inyong dalawa ni harold. Pero lagi mong tatandaan, minahal kita.


------------------------

Special chapter? Hmm...

-Pharell G.

Crush On CrashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon