Si Kyle, siya yung crush ko at dati ko pang crush. Pero ano pa nga bang aasahan? Malamang wala siyang gusto sa'kin. Sakit. Hindi niya ako gusto, at hinding hindi magugustuhan. Pero syempre umaasa pa rin ako na baka magustuhan niya ako. Malay mo diba?
"Shan, ang cute mo." pinisil pisil niya ang pisngi ko
Wala ako sa mood. Kaya naman tamad ako sumagot habang nakatitig pa rin sa crush kong walang pakielam sa'kin.
"Alam ko, dati pa."
Napalingon sa akin ang crush ko marahil ay sa lakas ng pagkakasabi ng kaibigan ko. Diretso kaming nagtitigan.
'Nagseselos ka ba Kyle? Gusto niya rin kayang mapisil ang malalambot kong pisngi tulad ng ginagawa ng kaibigan ko ngayon?'
Pero nagbago ang nasa isip ko. Oo nga pala, wala pala siyang gusto sa'kin. Paano siya magseselos? Ay tanga. Umiling iling ako at ginigising sa katotohanan ang tanga kong pag-isip.
"Uy, Shan!" kalabit niya sa'kin ng katabi ko
"H-Ha?"
"Tara na! Kanina pa kita tinatawag eh." nakabusangot na ngayon ang mukha niya
"Ahh... Ganon? Sorry. Tara."
Pagkatapos niya akong singhalan ay tumayo na kami at lumabas ng room para pumuntang canteen.
"Uy Shan, libre mo 'ko ah?" tumaas baba pa ang kilay niya
"Ayoko nga!" tanggi ko at pumila
"Damot!" ngumuso pa
"Tsk!"
"Grabe ang damot naman ng bestfriend ko. Hindi na siguro ako mahal nito. Kawawa naman ako. Parang wala siyang pake sa bestfriend niya. Parang hindi niya ako bestfriend. Hanap na lang kaya ako ng bagong bestfriend?" bubulong bulong niya
"Ge. Hanap ka ah. 'Wag ka nang lumapit sa akin."
Napasimangot naman siya at agad na binawi ang mga sinabi.
"Joke lang naman Shan eh. Ito naman. Cute mo." pinisil niyang muli ang pisngi ko
"Sus! Sige na nga. Namuri pa para malibre. Tsk."
Pagkasabi ko nun ay napalingon ako sa kanya pero hindi sa kanya tumama ang mga mata ko kundi sa bagong pasok sa canteen na si Kyle kasama ang mga tropa niya. Hindi ko napansin ang ngising-ngisi na mukha ng kaibigan ko.
Nabalik lang ako sa pagkatulala nang sumigaw ang tindera na ako na ang sunod. Pagkatapos naming umorder ay pwumesto kami sa bandang dulo, sa gilid namin ay sila Kyle.
"Hoy Bading, sa susunod ako naman ang ilibre mo ah? Abuso ka masyado."
"Eh? Ganon pala kapag nanglibre, may kapalit. Kala ko naman libre. Nanglibre ka pa?." sarkistong sabi niya habang puno ng mga pagkain ang bibig niya "Isa pa, wala akong pera."
Tsk. Matakaw talaga.
"At sino namang nagsabi na labag sa loob ko na ilibre ka ha? Napilitan lang ako dahil sa pagmamaktol mo kanina kaya napasubo ako. Kung hindi lang ako napilitan ay 'di na ako manghingi ng kapalit."
Sasagot pa sana siya nang tumunog ang cellphone ko. Hinugot ko ito mula sa bulsa at tinitigan.
"Sino 'yan?" tanong niya pagkatapos kumagat ng burger
From: Kyle Kupal Na Pogi
Tesh, pasabi kay Rick basketball mamayang uwian.
BINABASA MO ANG
Crush On Crash
Short StoryCrash On Crush (Xad Xtory Series #4) ------------------------- Crush? Meron ako nun. Meron sila nun. Ikaw? Meron ka din nun diba? Pinaasa ka ba? Masakit ba? Masakit bang hindi pinapansin? Binabalewala? Pero bakit nga ba tayo binabalewala, iniiwasan...