Chapter 6

7 0 0
                                    


Napahinto ako sa paglalakad at napatingin kay Kyle. Napatingin ito sa akin at nagtataka kung bakit ako huminto.

"May nakalimutan ka ba?" tanong nito at lumingon sa pinanggalingan namin

At para bang lumilipad ang isip ko at hindi ko na alam kung saang lupalop na ito nakarating.

"Tesh? May nakalimutan ka ba?" pag-uulit nito

"Ha? Ah-eh, wala." at mahina kong ginagalaw ang balikat ko

"Oh? Bawal ba umakbay?" at pilyo itong ngumiti

Napailing na lang ako "Yung totoo Kyle, anong kailangan mo?"

Tinanggal nito ang pagkakaakbay sa akin at bumuntong hininga.

"Gusto sana kita... makausap."

"Tungkol saan?" napakunot ang noo ko

Hindi niya ako sinagot at hinila ako papuntang park.

"Oh? Ano ulit yung sasabihin mo?"

Huminga ito ng malalim at umupo.

"Sinagot mo na ba si Lloyd?"

"Huh? Bakit?"

"Just answer." seryosong sabi nito

"No?"

"Good." bulong nito

"Ha? Ano?"

"Nothing. Diba alam mo na nililigawan ko si Grace?" napangiti ito

"Oo." nanikip na naman ang dibdib ko at parang may kung ano na dumagan dito

"Sinagot na niya ako." tumingala ito sa akin "Kami na, gusto ko lang sabihin kasi---"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita nang bumuhos nararamdaman ko.

"Yun lang? Bakit mo ako inakbayan kanina kung kayo ba pala ni Grace? Bakit kailangan mong ipaalam pa sakin na kayo na ni Grace? Bakit?" naramdaman kong may namumuong luha sa mga mata ko "Gusto mo ba talagang ipahiwatig na hindi mo ako gusto at wala akong pag-asa sa'yo? Na nagpapakatanga ako sayo? Sorry ha? Pero wala na akong nararamdaman sayo, hindi ko na kailangan pang malaman yan para lang pagmukhain mo akong tanga."

Tumalikod ako at saka ko naramdaman ang patuloy na pag-agos ng mga luha ko.

Habang papalakad ako palayo ay lumingon ako pero nakita kong nakaupo pa rin si Kyle sa damuhan.

'Wala nga talaga siyang pakialam sa akin'

Naglalakad ako pauwi pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Kyle kanina.

"Ano ba yan, kailangan ba talagang pagmukhain akong tanga? Hindi ko rin alam sa sarili kung bakit nga ako ganito katanga." napatawa naman ako sa sarili ko "Arghh! Bakit ba kasi ang pangit ko!? Bwiset na mukha to! Kailangan ko ba talagang maging maganda para lang magustuhan mo ako Kyle!?" sigaw ko

Okay lang, wala namang nakakarinig sa mga pinagsasabi ko dahil gabi na rin at wala masyadong tao na nakakakita sa akin.

Makalipas ang limang araw naisipan kong tawagan si Lloyd para sabihin ang sagot ko.

Nagkita kami sa isang park. Tahimik muna akong nakatingin sa kalangitan habang katabi ko siya.

Mahabang katahimikan bago ko ito binasag.

"Uhm, Lloyd? Pasensiya ka na ah pero kasi..."

Nahihiya akong sabihin dahil naging mabait sa akin si Lloyd at ayaw ko siyang saktan pero kailangan dahil mas masasaktan siya pag pinatagal ko pa.

"Ayaw sana kitang saktan pero--"

"No. It's okay. I'm okay whatever your answer is." ngumiti siya ng malungkot

"Sorry ha? Sorry kasi pinaasa kita... Ayaw ko namang paasahin ka pero hindi talaga tayo ang nakatadhana sa isa't-isa..." napayuko ako sa hiya

"Okay lang. Uhm may pupuntahan kasi ako, okay lang bang mauna na ako?" tumingin ito sa relo niya na parang naghahabol sa oras

"Sige, sana hindi masama ang loob mo sa'kin."

"Nope, okay lang. Kung san ka masaya dun ako." ngumiti ito at saka nagpaalam

Napangiti naman ako at pinagmasdan ang paglakad papalayo ni Lloyd.

Ilang saglit pa ako nananatili dito sa park at nakatulala.

'Mabuti naman at hindi masama ang loob sa akin ni Lloyd kahit na tinanggihan ko ang pagmamahal niya. Sa totoo lang mahal ko siya, bilang kaibigan. At sa bawat araw na lumilipas nararamdaman kong parang may kulang sa'kin at ngayon ko lang nalaman kung ano ang kulang sa pagkatao ko. Oo siya nga ang kulang at hindi ko alam kung paano pa ako mabubuo, nasaan ba kasi ang pinakamamahal ko na BESTFRIEND?'

-----------------

Orayt! 1 year update hahahahaha!

-Pharell G.

Crush On CrashTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon